Chapter 4.4-Seems my life is in danger

1.5K 24 3
                                    

LUHAN's POV:

"Sige sayaw pa!!!!"-daniel

Nagkakasiyahan sila sa labas... Trip trip lang nila..Pero sila sila lang din naman.. Hindi kasi sila makapag-club at baka kapag inabot sila ng hating-gabi dun biglang lumabas yung totoong anyo nila.. Kaya dito nalang sila sa bahay nagsasayawan..

Pero hindi ko sila trip sakyan.. Nandito lang ako sa kwarto at nagbabasa ng libro.. Wala naman kasi talaga akong ginagawa dito sa bahay kundi magbasa.. Kahit san ako magpunta,mas gusto ko parin ang magbasa..

Pumasok si Daniel at umupo sa tabi ko...

"Wala ako sa mood..."-me

"Hindi kita yayayain sumama samin dahil ikaw ang pangalawa sa pinaka-kj kasunod ni Kris..Tsk.. Nga pala,pinapapunta ka niya sa kwarto niya..Gusto ka daw niya makausap.."-daniel

"Sige.."-me

Iniwan ko yung libro sa ibabaw ng kama ko at sabay kaming lumabas ni Daniel.. Bumalik siya sa pagsasayaw nila dun at ako naman dumiretso sa kwarto ni Kris.. Pagbukas ko ng pinto, nakatingin na siya agad sakin..

"Bakit gusto mo daw akong makausap??"-me

"Gusto kong bumalik ka na sa totoong school natin.."-kris

"Isasama mo nanaman ako sa mga estudyante mong wolf?? Gusto ko ng mamuhay ng normal.. Mahirap bang intindihin yun??"-me

"Pero mas marami kang malalaman dun..Lalo na ang tungkol sa--"

"Sa Pillar.. Sa Pillar nanaman.. Alam mo,kung matatagpuan ko siya edi matatagpuan.. Bakit ba kailangan ko pa siyang hanapin??Kapag nalaman kong siya yung pillar edi papatayin ko na siya agad.. Mahirap ba yun??"-me

"Hindi yun ganun kadali.."-kris

Papalabas na sana ako ng kwarto niya ng may bigla siyang sinabi na nagpahinto sakin..

"Si Aliyah........Mukhang close kayo.."-kris

Bigla kong binasag yung vase na nakuha ko sa may tabi ko..

"Wag mong idadamay si Aliyah dito.. At gaya ng sinabi ko,,hindi ako babalik sa lugar na yun.."-me

Lumabas ako sa kwarto at nakatingin sakin sila Sam,Lay,Daniel at Eli na nakatayo sa labas ng pinto..

"Nag-away nanaman kayo.."-lay

"Hindi pa kayo nasanay.. Lagi namang ganun.."-me

"Kaya mo ba talagang suwayin si Kris??"-eli

"Ayokong bumalik dun..Para sakin sapat na yung alam ko at gusto ko ng mabuhay na parang normal na tao.."-me

ALIYAH's POV:

History nanaman ang subject namin at buti nalang excuse kami dahil sa practice.. Pumunta na ko sa locker room para magpalit ng damit.. Pagbukas ko ng pinto ng locker ko,may lumipad na papel.. Pinulot ko to at binasa:

May utang ka pa sakin..Kulang pa ang barbecue..

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita ni bakas ni Aldrin.. Ibig sabihin pumunta siya dito.. Pero pano siya nakapasok??Eh hindi naman siya dito nag-aaral..May pagka-ninja moves din pala siya..

Bago ako magpalit sa jogging pants,kinapa ko muna yung bulsa ko.. Nakapa ko yung papel na sulat ni Nina.. Hindi ko alam kung babasahin ko na ba siya ngayon o hindi.. Pero naisip ko din na baka mahalaga yung nakasulat o baka kaya kung nasan na siya ngayon nakatuloy.. Binuksan ko yung maliit na papel at binasa:

Mag-ingat ka....Palagi...

Alam ko maiintindihan mo din ako kung bakit ko ginawa yun...

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon