Unti unti kong dinilat yung mata ko...Umaga nanaman..Pumapasok na kasi yung sinag ng araw sa bintana ng kwarto kaya nakakasilaw..Nag-inat inat muna ko...Pero pagdilat ko..
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Bigla kaming napatayo ni Kai...
"ANONG GINAGAWA MO SA PWESTO KO???????!!!!!!!!!!"-me
"Anong pwesto mo??Ikaw nga diyan yung nasa gilid kagabi tapos ngayon nasa tabi na kita!!!"-kai
Naalala ko kagabi...Nung mga bandang madaling araw nilalamig ako kaya pumunta ako sa may sapin at nagkumot..Nakalimutan kong nandun nga pala si Kai...
Hindi ko siya pinansin at bumaba nalang ako...Nakita ko si Aling Thelma na naghahanda ng pagkain sa lamesa...Ngumiti naman siya agad sakin nung makita niya ko..."Tara na dito.. Kumain na kayong dalawa..Baka ma-late pa kayo sa klase niyo..".
"Teka,wala po pala akong uniform.."-me
"Ako na bahala sayo ija...May uniform kayong dalawa kaya wag kayong mag-alala.."-aling thelma
Umupo na ko sa lamesa at nag-umpisa ng kumain...Medyo wala akong ganang kumain kasi mukhang hindi ata sanay yung tiyan ko sa pagkain tuwing umaga...Lunch at Dinner lang ako laging kumakain..Alam niyo na,tipid tipid din pag may time...Pagkatapos kong kumain,tumingin ako sa orasan,6:15 na..Bigla kong nakita si Kai na bumababa ng hagdan at pinipunasan ng towel yung buhok niya..Bagong ligo na siya...Umupo siya sa harap ko at ako naman tumayo na..Buti nalang tapos na kong kumain...
Umakyat ako sa taas ng kwarto at pumasok sa cr...Napatingin lang ako sa salamin saka tumingin ako ng sobrang nagtataka sa marka sa braso ko..Hindi ko maintindihan kung san ko yun nakuha pero bata palang ako may marka na talaga ko..Bilog na bilog siya na parang balat pero ang pagkakaiba niya,nakalubog siya sa balat ko..Madalas siyang mapansin ng tao...Buti nalang longsleeve yung uniform namin sa school kaya natatakpan...
Pagkatapos kong maligo at magbihis..Umupo muna ako sa may veranda ng bahay..Pero may natanaw akong lalaki na medyo brown ata yung buhok tapos sobrang puti at tangkad..Mukhang halos kasing edad ko lang siya...Ngayon ko lang siya nakita pero nakatingin siya sa may karinderya.. Hindi naman siguro to magnanakaw o kaya naman holdaper...Ang gwapo kaya niya.. Kung rapist siguro pwede narin..Charot..
Hindi naman siya pumasok sa loob pero umalis narin siya agad..At infairness,nakasakay siya sa itim na motor..Ang astig!!
Bumaba ako at nakita ko si Kai na paalis narin ng bahay...Baka sabihin niya sinusundan ko siya.. Kaya nauna na kong maglakad sakanya at naramdaman ko namang naglalakad narin siya sa likod ko..Mga 100cm lang siguro yung layo namin sa isa't isa...Pagdating namin sa school,nagkakagulo silang lahat sa announcement na nakapaskil...Napahinto din si Kai at nakita kong sumilip din siya...
"FEAST RUN"
~Friday at 8pm..
"Ha??Ano tong Feast Run na to??"-me
"Sa Friday kasi,overnight tayong lahat dito sa school..May mga palaro..Pero ang pinakahighlight ng games at yung Feast Run..Kasi,ang mananalong team,sila lang ang makakakain sa gabi..Ang balita ko kakaibang pagkain talaga..As in madami at masasarap talaga.."-sabi nung babaeng katabi ko
"Talaga??Edi kapag hindi kayo nanalo,ibig sabihin,wala kayong kakainin??"-me
"Oo..Saklap diba..Ang masaklap,dapat may isang member sainyo ang magsasacrifice at kailangang manalo sa track n field kasi nasa dulo yung pagkain..Pero wala pang nananalo dun,, kasi sino ba namang tao ang makakatakbo ng 20km in 1 hour??"
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
WerewolfOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...