KAI's POV:
Bago ako umuwi ng bahay,bibisitahin ko muna si Aliyah...Tsaka si ano..Si aling thelma.. Baka kasi kung anong isipin niyo..Syempre naman gusto ko din namang pumunta dun sa minsan ko ding tinirahan..
Habang naglalakad ako sa daan..May natanaw akong tao sa gitna ng daan.. Magkatakap pa ata.. Hindi man lang tumabi.. -_-
Habang papalapit ako,parang nakikilala ko na yung nakayakap..
Si Luhan yun diba??Hindi ako pwedeng magkamali..
At yung yakap niya....
Si Aliyah...
Hindi ko na sila nilapitan pa at tumalikod nalang ako.. Naisipan kong umuwi nalang at hindi na ko tutuloy sa pagbisita kay Aliyah..Mukhang may bisita na siya eh..Baka makaistorbo pa ko..
Pagdating ko sa bahay,nakita ko silang lahat na kumakain.. Niyaya nila akong kumain dahil alam nilang susuntukin ko sila kapag hindi nila ako binigyan ng manok.. Pero kahit na manok yung kinakain nila,wala akong sa mood kumain.. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama.. Alam ko nagtataka sila kasi sa unang pagkakataon,tinanggihan ko yung manok.. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nag-iba talaga yung pakiramdam ko ng makita ko si Aliyah at Luhan na magkayakap..
ALIYAH's POV:
Umaga na!!!!
*Inat*
*Inat*
For the first time,ngayon lang ako naging masigla na tumayo sa higaan ko.. Actually hindi pala siya first time pero once in a year lang to nangyayari... Bakit??Kasi birthday ko ngayon!! Waaaah!! Batiin niyo ko!!Batiin niyo ko!!
Masaya akong nag-ayos at pagbaba ko,nakita ko agad si aling thelma..
"Oh ang aga mo atang papasok ngayon aliyah!!"-aling thelma
"Syempre po..Alam niyo na.."-me
"Happy birthday!!Masyado kang excited pumasok para mabati ka ng mga kaklase mo.. Ang tanong, may ipanlilibre ka ba sakanila??"-aling thelma
"Ah..Eh..Ano po.."-me
"Tsk..Ayan na nga ba ang sinasabi ko.."-aling thelma
"Hehe..Sige po aling thelma!!Pasok na po ako.."-me
Lumabas na ko at masayang naglalakad sa daan..Ganito talaga ako kapag birthday ko.. Feeling ko wala akong problema at ang gaan gaan ng pakiramdam ko..Tingin ko sa lahat ng nadadaanan ko ang ganda ganda.. Kaya kung gusto mong maging maganda sa paningin ko, magpakita ka sakin ng birthday ko!!Magmumukha kang dyosa!! Hihi..
Pagdating ko sa school,dumiretso ako agad sa room.. Nakita ako agad ng mga kaklase ko at kumpol kumpol silang lumapit sakin..Bumati sila sakin at tinatanong pa kung saan daw ako manlilibre.. Karamihan naman sakanila hindi ko naman close at nakiki-fc lang.. Ramdam niyo to pagbirthday niyo??Sikat ka na nga,marami ka pang kaibigan.. Ay naku.. :3
Umupo na ko sa upuan ko at tumingin sa tabi ko.. Wala pa pala si Kai.. Iniisip ko lang kung pano niya ko babatiin??May regalo kaya siya sakin??Ay naku Aliyah umatake nanaman yung pagkaambisyosa mo.. Sino kayang may regalo sakin ngayon??
Mag-uumpisa na yung klase...Pero biglang nagsigawan at nagtanawan sa bintana yung mga kaklase kong babae.. Hindi na ko nausyoso sakanila at binuksan ko yung libro ko.. Hindi ko to ginagawa palagi..Pero sabi ko nga,birthday ko kaya ganun..Hihi..Masaya ako ngayon eh.. Habang binubuklat ko yung libro ko sa susunod na lesson namin mamaya,may biglang tumayo sa harap ko.. Napatingin ako at nakita ko si Luhan..Anong ginagawa niya dito?? Napatingin ako sa mga tao at lahat sila nakatingin samin..Kaya siguro sila nagsisigawan kanina dahil nandito si Luhan
![](https://img.wattpad.com/cover/6468863-288-k514179.jpg)
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
WerewolfOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...