Chapter 3.1-Archery Class

2K 30 5
                                    

Pumunta na ko sa ground at pinapila kami ni Mr. Reyes.. Nagulat ako sa nakita ko.. Hindi pangkaraniwan na ginagawa to sa school namin.. I mean kelan ka pa nakakita ng archery class sa isang modern school??

"Tapos na ang Feast Run natin..Pero syempre,tulad ng dati,next next month meron naman tapos archery competition!!",sabi ni mr reyes sabay malakpak..Pero walang sumunod sa palakpak niya..

"Sino naman pong may idea ng archery competition na to??Eh hindi naman na natin mapapakinabangan to diba??"-sabi nung isa kong kaklase

"Idea ito ni Mr.Park..Para naman daw kakaiba ang maging competition natin next next month..And fortunately, umagree lahat ng faculty staffs and wala na tayong magagawa kundi sumunod sa utos nila.. Eh ako,nagtuturo lang naman ako..Wala akong magagawa.."-mr reyes

Inumpisahan na ang pagta-try sa mga estudyante kung sino ang may pinakamalapit sa bullseye, siguradong siya na ang maglalaro sa competition.. Hanggang tatlong try pwede.. Pero syempre dahil wala namang marunong samin mamana,kaya wala ring nakakatama ni isa..

Sa gilid ng mata ko nakita ko si Nina..Pumasok na pala siya..Ilang na rin siyang hindi pumapasok ng school eh.. Tumakbo ako papunta sakanya pero napansin kong hindi parin nagbago yung itsura niya nung huli ko siyang nakita.. Mas lalo pa ngang lumala..Namumulta na yung labi niya at hindi ko alam kung bakit..Ang laki narin ng eyebags niya at halatang ilang araw na siyang late natutulog or i should say, hindi natutulog...

"Nina!!!San ka ba nanggaling??Bakit ang tagal mong nawala??"-me

Umiling lang siya pero wala naman siyang sinabi..Sobrang tahimik ni Nina ngayon.. Hindi naman siya dating ganito dahil napakaingay at napakagulo niya..At syempre dahil kaibigan ko siya,,wala siyang nililihim sakin na sikreto dati..Pero ngayon nararamdaman kong ang dami dami niyang tinatago sakin..Hindi ko naman magawang magtampo..Pero siguro masyado lang talagang personal at hindi niya masabi sakin...

"Buti naman pumasok ka na..Akala ko kasi...Ah..Ang balita kasi magda-drop ka na daw.."-me

"Hindi pa...Malapit palang.."-nina

"Ha???Pero Nina--.."

Binagsak niya yung hawak niyang pana.."Wag mo muna kong kausapin Aliyah..Gusto kong... Gusto kong mapag-isa..".

Pagkatapos nung umalis na si Nina...Hahabulin ko sana siya kaso bigla kong naalala yung sinabi niya na gusto niyang mapag-isa..Baka malalim lang talaga ang problema niya kaya siya ganun..

"Aliyah!!!",sigaw ni Kai.

"Oh Kai.."-me

"Marunong ka ba niyan??"-kai

"Hindi..Asa ka namang matuto ako niyan..Eh ngayon pa nga lang din ako nakakita ng totoong pana eh.."-me

"Sa bagay.."-kai

Bigla ng tinawag ni Sir si Kai..By seating arrangement pala..At dahil sa dulo kami nakaupo,ako yung kahulihulihang magta-try...Umakyat si Kai sa parang mababang platform at pumwesto na... Tinira niya yung unang arrow niya at tumama to sa 5..Napa-whoa nalang yung mga kaklase namin.. Sumunod, 7 yung tinamaan niya... Lalo namang namangha yung mga kaklase ko at nag-umpisa na silang magbulungbulungan na sigurado na silang si Kai ang magiging panlaban namin sa competition...Yung huling arrow na pinakawalan ni Kai ay hindi tumama sa kahit saan.. Pagbaba niya sa platform, nagthumbs-up ako sakanya.. Ako na pala ang susunod.. Kailangan ko pa bang umakyat??Eh alam naman na nating si Kai na ang lalaban sa competition.. Magsasayang lang sila ng oras sakin..Bago ako pumunta sa platform, nag-goodluck muna sakin si Kai.. Kinuha ko na yung pana at pinakawalan ko yung unang arrow ko.. Syempre,ano pa bang aasahan mo?? Syempre hindi tumama!!!

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon