Chapter 6.1-Staying away from her

1.4K 24 5
                                    

LUHAN's POV:

"Imposible...Imposibleng si Aliyah yun.."

"Sana nga..Pero malaki din ang posibilidad na siya nga yun.."-sam

Nandito kami ngayo sa kwarto ko ni kuya sam at hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Pano kung siya nga talaga??Magagawa ko ba ang dapat kong gawin sa pillar??Kaya ko kaya?? Pero wala naman akong pruweba kung siya ba talaga yun o hindi.. Kailangan kong patunayan yun..

ALIYAH's POV:

*shoot*

Hindi nanaman tumama..

"Parang wala ka ata sa katinuan mo at hindi ka makatama ngayon??"-clarisse

"Siguro nga...Haaay..Ewan..Hindi ko alam.."-me

"Hmmm??Baka naman inlove ka na ha??"-clarisse

"Pag wala sa concentration inlove agad??Hindi ba pwedeng may iniisip lang talaga ako na hindi talaga kinaya ng imagination ko.."-me

"Ha??"-clarisse

"Wag mo muna akong kausapin clarisse..Wala pa kasi talaga ako sa katinuan ko eh..Hehe.. Tsaka nilalagnat ako kagabi kaya siguro epekto lang to.."-me

"Eh bakit kasi hindi ka muna nagpahinga??Mabibinat ka niyan eh.."-clarisse

"Hindi..Okay lang ako.."-me

"Sige..Dun muna ko ha..Magpapractice lang ako.."-clarisse

Umalis na si Clarisse at naiwan nalang akong nakatayo mag-isa sa school ground.. Pinipilit kong alisin sa isip ko yung mga nakita ko kahapon pero hindi ko talaga kaya. Sadyang bumabalik talaga sa isip ko yun lahat.. Nanginginig ako kapag naaalala ko si Luhan..Hindi ko alam kung matatakot ba ko sakanya kapag nakita ko ulit siya..Basta ang alam ko lang,hindi pa ulit ako handang makita siya..

Napatingin ako sa may isang banda..Nakita ko yung mga kalalabas lang na mga players ng track and field.. Kasama nila yung mga players ng volleyball.. Nahagip ng mata ko si Kai.. Simple lang yung suot niya,,nakaputing tshirt lang tapos naka-jogging pants.. Pero bakit parang may kakaiba sakanya ngayon??Parang kakaiba yung dating niya sakin ngayon.. Napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya ngumiti at kumaway siya sakin... Dati naman kapag ginagawa niya yun, kinakawayan ko din siya pabalik.. Pero bakit ngayon parang hindi ko magawa??

Bakit parang bigla akong kinabahan??Ang init din ng pakiramdam ko..Umiwas ako ng tingin sakanya at nagkunwaring hindi siya tinitignan..Nag-umpisa na silang pumila para magpractice.. Ako naman, umupo lang sa isang tabi at dumukdok sa may tuhod ko..Habang nakapikit ako, bigla akong nakarinig ng nagkagulo at nagtatakbuhan silang lahat...Bigla akong napatayo at sumunod ako sa mga taong tumatakbo..

Pinilit kong sumingit sa mga nagkukumpulang tao para tingnan kung anong nangyari.. Nung makasingit na ako..Bigla akong nakahawak sa bibig ko sa sobrang gulat.. Nakahiga si Kai sa lapag at namimilipit habang hawak yung dibdib niya..Parang nagv-violet na siya..Parang hindi ata siya makahinga.. Nagpanic ako agad at napasigaw..

"TUMABI KAYONG LAHAT!!LALO SIYANG HINDI MAKAKAHINGA SA GINAGAWA NIYO!! TAWAGIN NIYO YUNG SCHOOL DOCTOR!!"-sigaw ko

Ginawa naman nila ang sinabi ko at agad namang dumating yung school doctor.. Pinagtulong- tulungan nilang buhatin si Kai papunta sa clinic..Hindi ko alam yung gagawin ko akay sumunod nalang din ako sa clinic at naghintay sa labas..Paglabas ng doctor,sinabi naman niyang okay lang daw si Kai..Baka napagod lang daw at sobrang nainitan.. Pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig..Kaso wala naman daw.. Sa labas nalang daw ako ng school bumili..Leshe.. -_-

Lumabas ako ng school at bumili ng tubig..Babalik na sana ako ng school ng biglang tumaas ang balahibo ko...Nandun si Luhan..Nakatayo siya at nakatingin sakin...Nung mapansin niyang nakatingin ako sakanya,nag-umpisa na siya lumakad papunta sakin..

Wolf and Beauty:The PillarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon