Pagkatapos ng klase namin sa hapon,hindi na kami pinauwi..Inannounce na pumunta nalang kami sa mga kanya-kanya naming lockers...Pagbukas ko naman ng locker,may nakita akong damit.. Kulat sky blue yung shorts at puting tshirt yung isa...Tinignan ko yung mga katabing locker ko..Lahat sila may nakuhang ganun sa locker nila..Ito siguro yung susuotin naming damit para sa feast run.. May isang boteng mineral water at isang biscuit din..
Biglang may nagsalita sa may speaker ng school namin...Napatigil ang lahat at nakinig..
"Welcome to Feast Run Game!!!"
Sabi ni Ma'am Viray...Yung pagsasalita niya parang si Effie Trinket ng Hunger Games... :3 Feeling ko tuloy para kaming nasa Hunger Games ngayon..
"Ang mga nakita niyong damit sa locker niyo ang pwede niyo lamang suotin ngayong gabi.. At para makaipon kayo ng lakas,kainin niyo muna yung pagkaing nilagay namin sa loob din ng locker niyo.. Ang Feast Run natin ngayon ay mag-iiba na...Mag-uumpisa na ang laro natin ng eksaktong 11pm at isa lang ang pwedeng magrepresenta ng team niyo..Isang babae at isang lalaki.."
Nag-umpisa ng magbulong-bulungan ang mga estudyante..Ang dati kasi teamwork talaga..
"Isang babae ang ilalagay natin sa question booth...At pag nasagot niya ng tama ang tanong, itataas ng bantay dun ang flag na hawak niya at ang lalaking player naman natin ay mag-uumpisa ng tumakbo..Maliwanag ba??Kung wala ng tanong..Pumunta na kayong lahat sa school ground, at mag-uumpisa na ang laro.."
Alam ko na kung bakit madaming estudyante ang ayaw sumali sa Feast Run..Ginagawa lang nila to alternately..Every 2 years..Sa mga graduating lang nila to ginagawa..Kaya kapag natapatan ng batch niyo,malas niyo dahil sa ayaw at sa gusto niyo,kailangan niyong maglaro sa feast run..
Pumunta na lahat ng estudyante sa school ground...Medyo kinakabahan na ko..Ako kasi ang pinili nilang sumagot dun sa question booth..Nararamdaman ko na tuloy yung pagtulo ng pawis ko... Nanlalamig na ko..Sakin nakasalalay kung kelan mag-uumpisang tumakbo yung lalaking player namin.. Pero nga pala,mag-uumpisa na yung laro namin pero wala parin silang mapiling maglalaro.. Walang may gusto at wala din silang mapilit na maglalaro.. Una sa lahat,kapag hindi ka nanalo,hindi kayo makakakain ng buong teammates mo..Pangalawa,napagod ka na nga,wala ka pang pagkain o kaya tubig...
"May lalaki na ba tayong player??"-me
"Wala pa eh,,walang gustong sumali.."-jona
"Ako nalang.."
Napatingin kami sa nagsalita..Nakita ko si Kai na nakataas yung kamay...
"Ikaw???Sigurado ka??"-me
"Oo...Ako nalang ang maglalaro.."-kai
Hindi na kami nakapagreact pa,kasi biglang pumito na si Mr Park at nagpuntahan na yung ibang players sa ground...Ako naman pumunta na sa question booth habang si Kai naman,pumwesto na sa ground at nagready ng tumakbo...Jusko wag kang ganyan Kai,baka mamaya hindi ako makasagot sa tanong at mabitin yang pagtakbo mo...
Bigla ng bumukas yung question booth at nagsigawan na yung mga tao..Nanginginig ako pumasok sa loob ng booth..Hindi naman tago yung booth...Mga hanggang bewang ko lang yung harang at sa tabi ko,nakatayo yung lalaking magtataas nung hawak niyang flag pag tama yung sagot ko...Lumapit ako sa may tanong at nagulat ako dahil hindi tanong ang nakita ko..May nakasulat sa papel na mga letrang hindi ko mabasa...Napatingin ako sa mga kalaban kong nasa question booth din...Lahat sila nakakunot ang noo..Yung mga lalaking player tuloy napatingin din samin dahil lahat kaming magsasagot,hindi gumagalaw...Tumingin ako kay Kai at may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan..Pero bakas sa mukha niya na nagtatanong siya kung bakita hindi kami sumasagot..Natahimik din yung mga nanonood...Sa sobrang tahimik,ulimong unting kaluskos maririnig mo..
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
Hombres LoboOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...