"Umuwi na tayo.."
"Uuwi?? Hindi na ko babalik sa bahay na yun Kai..Hindi na ko taong lobo.."-aldrin
"Pero kapatid padin kita.."-me
"Pano naman siya..", tumingin siya sa kasama niyang babae.
"Sino siya??"
"Si Nina.."-aldrin
"Nina?? Yung..."
"Ako yung kaibigan ni Aliyah.. Alam mo ba kung nasan siya??"-nina
"Nandito din siya sa ospital.."
"Nandito siya?? Anong ginagawa niya dito??"-nina
"Ang sabi sakin hinimatay siya.."
"Pwede mo ba kong samahan kung nasan siya??"-nina
Tumingin ako kay Aldrin. "Babalikan kita.."
Lumabas kami ni Nina. Huminto kami sa labas ng kwarto ni Aliyah.
"Sige kumatok ka na.."
"Hindi ka papasok??"-nina
Umiling ako. "Wag mo ding sasabihing nagpunta ako."
"Ang labo mo.."-nina
"Please..."
"Okay fine.. Baka kainin mo pa ko."-nina
"Pano mo-"
"Alam ko. Dahil kay Aldrin. Wag kang mag-alala, hindi naman makati ang dila ko."-nina
"Salamat."
Ngumiti siya at kumatok sa pinto. Agad naman na kong umalis dahil baka makita pa ulit ako ng mommy ni Aliyah.
ALIYAH's POV:
"Aliyah...May gusto ka bang kainin???"-kuya
"Wala po..Okay lang po ako hindi ako nagugutom.."
"Sure ka??"-kuya
"Eummm..."
Nakakainis..Nakakainis ka Aliyah!!!Pano mo nagawa yun??Pano kung iba ang isipin ni Luhan?? Pano kung mapaasa mo siya?? Bakit ka pumayag na sumama sakanya na lumabas?? Kapag hindi ko naman siya sinipot baka isipin niya pinapaasa ko lang talaga siya.. Arrrggggghhh... Naiinis talaga ko...Ang tanga tanga mo kasi Aliyah..Bakit ka kasi nagpahalik?????!!!!!!!!!!!!!!!!!
"Aliyah..May bisita ka.."-mommy
Unti unti akong umupo habang inaalalayan ni kuya.. Tinignan ko yung babaeng lumalapit sakin..
"Aliyah..."
"N-nina???!!!"
Tumakbo siya at niyakap ako..Si mommy at kuya naman lumabas na ng kwarto kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Nina sa loob..
"San ka galing Nina??Ang tagal mong nawala.."
"Sorry kung pinag-alala ko kayong lahat.. Hindi ko rin kasi alam kung pano ako nawala.. Basta nagising nalang ako na nakabitin sa puno..Ah basta mahirap sabihin kasi imposibleng maintindihan at paniwalaan mo.."-nina
"Basta ang importante bumalik ka na at hindi ka na galit sakin.."
"Galit??Hindi naman ako galit sayo ah..Bakit naman ako magagalit??"-nina
"Pero.."
"Ano ka ba naman Aliyah..May pagkasungit ako pero imposibleng magalit ako sayo no!!"-nina
Hindi ko maintindihan yung mga nangyari.. Basta ang importante sakin okay na kami ni Nina..
Gabi na at nakahiga padin ako..Ayaw naman kasi akong palabasin nila kuya at mommy.. Umupo ako at tinignan sila.. Mahimbing na yung tulog nila.. Dahan dahan akong tumayo at dahan dahan kong binuksan yung pinto.. Akalain niyong may pagka-ninja moves pala ako at hindi sila nagising sa paglabas ko.. Hmmm...Lumabas ako dahil naiinip ako sa loob,eh san naman kaya ako pupunta??
BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
Manusia SerigalaOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...