ALIYAH's POV:
Nagising ako sa matinding sikat ng araw.. Tumagilid ako tulad ng dati para hampasin si Kai.. Kadalasan kasi ganun ko siya gisingin.. Pero paghampas ko,napatayo ako sa sobrang sakit ng kamay ko.. Tumama lang yung kamay ko sa lapag.. Wala na nga pala si Kai dito..
Tumayo nalang ako para mag-ayos na papasok ng school.. Pakiramdam ko hindi normal ang araw na to kasi wala si Kai.. Wala tuloy akong makausap o makaasaran..
Iniisip ko kung anong nangyari kagabi..Sa sobrang antok ko kasi para akong lasing kagabi at hindi ko na alam kung anong ginagawa at sinasabi ko..Ano kayang sinabi ko kagabi??May ginawa ba kong kabaliwan??Hindi naman siguro ako nagsasayaw sa harap ni Kai diba??Hindi ko naman siguro siya hinalikan??Hala mababaliw na ko...Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kagabi.. Pero parang may sinabi ata ako kagabi eh....Parang...
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!! ALIYAH SINABI MO BA TALAGA YUN??NABABALIW KA NA BA?? ANG PAGKAKAALAM KO INAANTOK KA LANG PERO HINDI KA NAKA-DRUGS!! JUSKO PO ALIYAH BAKIT MO NAMAN SINABI YUN??NAKAHITHIT KA BA TALAGA KAGABI???
Nag-ayos nalang ako na parang walking dead..Nakatulala lang ako at hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakita ko si Kai mamaya..Sana po absent ulit siya tulad kahapon.. Nahihiya talaga ako.. Baka kung anong isipin niya sa sinabi ko sakanya kagabi..
Pagdating ko sa harap ng gate,nagdadalawang isip ako kung papasok na ba ko??Ano bang mas maganda??Mauna akong pumasok o mauna siyang pumasok?? Anong oras kaya papasok yun?? Napatingin ako dun sa mga babaeng nakatipon-tipon..Teka,ito yung mga fangirls ni Kai ah!! Astig na astig sila kay Kai dahil nanalo siya sa Feast Run.. Sus,,kung alam ko lang,,masyado lang kayong greatful kasi nakakain kayo ng masarap na pagkain nung oras na yun,mga piggy kasi kayo.. :3 Pero kung nandito pa yung fangirls niya,ibig sabihin,hindi pa pumapasok si Kai!! Tama!! Dahil malamang inaabangan siya ng mga to dito sa harap ng gate para dumikit nanaman kay Kai na parang linta..
Bigla silang naglingunan sa direksyon kung san pumapasok yung mga kotse.. Nakita ko yung itim na kotse..Teka parang kilala ko kung kanino yun ah!! Dun sa kuya ni Kai yun!! Ibig sabihin, si Kai ang sakay nun!!Naku po lagot na.. Nagmamadali akong pumasok ng gate kaso malapit na palang magbell kaya nag-uunahan na silang mapasok sa gate..Ang daming taong nagsisiksikan..
Sa wakas nakapasok nadin ako sa gate pero biglang may kumalabit sa ulo ko... Napahinto ako sa paglalakad dahil halos lahat ng babae nakatingin sakin..Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung sino yung kumalabit sakin...Si Kai.. O____O Unti unti siyang lumapit sakin at hinawakan yung mukha ko...Gosh ano bang ginagawa niya???
Dugdug..
Dugdug..
Dugdug..
Bakit parang bigla akong kinabahan??Dati naman ng lumalapit si Kai sakin pero bakit parang iba ata ang pakiramdam ko ngayon??Baka naman may hangover pa ko sa tulog??
"May dumi ka pa sa mukha..Naligo ka ba??Mukhang hindi ka parin ata naghilamos eh..."-kai
Nakatingin lang ako sakanya..Akala ko kung anong gagawin niya at hinawakan niya yung mukha ko, yun pala tatanggalin lang niya yung dumi sa mukha ko.. Kung ano-anong pumapasok sa itim mo Aliyah..Natutulog ka parin ata..
"Ah..Naligo ako no!!Baka nga ikaw yung hindi diyan eh!!Sakin mo pa binibintang.."-me
"Kahit naman hindi ako maligo..Mabango parin ako..Di tulad mo.."-kai
"Che!!"-me
"Ah yung tungkol nga pala dun sinabi mo sakin kagabi....ugh.."-kai
Tumingin siya sakin with his serious eyes at nakita ko nanaman yung makislap niyang mata.. Pakiramdam ko pulang pula na hindi lang yung pisngi ko kundi yung buong mukha ko.. Bakit ba ko nagkakaganito??? T_____T

BINABASA MO ANG
Wolf and Beauty:The Pillar
WerewolfOne of the summoned wolves,Kai,was borned by the prophecy in which to kill the summoned pillar.. Staying with each other will invade the entire wolf and the life of the pillar.. A simple girl who fell inlove with a wolf... A wolf who fell inlove wit...