PROLOGUE:
KIM INIEBA P.O.V“Oh ano ate, ok naba yan, mabubuhay naman yan?” agarang tanong ko kay ate na tinitignan ang pasyente
“Alam mo Kim ang O.A mo labas di ka pwedi dito” pagtataboy ni ate sakin. Inirapan ko nalang siya ang sungit nito akala mo naman nasa operating room kami.
Tumalikod na ako at naglakad palabas, ng papalabas na ako ng biglang bumakas ang pinto at pumasok ang isang sundalo muntik na nga kami mag kabunggoan sa pagdadali ni kuya.
“O bro ayos kalang?” tanong ni kuyang sundalo kapatid niya siguro to. dahil dakilang tsismoso ako ay bumalik ako at nakisasaw-saw.
“ay nako naman kuya. Sa tingin mo ba ayos yan eh nakaratay nga, mga sundalo nga naman oh, obvious na nga tinatanong pa” pilosopo kung sabat sa kaniyang tanong.
Tumawa naman ang ibang mga pasyente at nurse sa inasal ko.
“May problema ba tayo bakla? Ha?” matigas niyang sabi na nakakunot pa ang kilay na dinudukwang pa ang mukha sa mukha ko.
“Ai wala naman kuyang sundalo masyado lang kasing halata ang tanong mo, ikaw naman masyadong mainitin ang ulo oh siya ate alis na ako mukhang mainit ang weather dito sa loob” nag babye pa ako sa mga kasamahang nurse ni ate, nag babaye naman sila na nakangiti yung isang nurse nag thumbs up pa sakin sus type molang ako kuya wag ka sabi ko sasarili sabay tawa.
At dali-dali na akong lumakad palabas. Juice colored katakot ang mukha ni kuya mukhang papatay sundalo pa naman baka bumulagta nalang ako dahil shinat-gun na pala ako. Ay wag naman sana.
“ay nako pag pasensyahan mo na ang kapatid ko ha, sadyang may sayad lang yun” rinig ko pang sabi ni ate kay kuyang sundalo.
Pero bago pa naman ulit akong makalabas ay siya namang ulit bumukas ang pintuan. Ay ano bato ayaw ba nilang palabasin ang magandang ako sa lugar na ito ay juice colored ayaw kong manatili dito kaya nga di ko tinapos ang pagiging nurse ko eh. My gosh na sa langit naba ako. Binaril na ba ako ni kuyang sundalo.waaaaaaa ang crush ko nandito my gosh ang gwapo niya. Ang gwapo gwapo niya napapa trumpet dance na ako dito sa loob dahil sa kilig.
“Excuse me” parang musika ang kanyang boses saking pandinig gosh ang gwapo niya sa malapitan mga ding ang tangos ng kanyang ilong ang mala rosas na kanyang labi na kay sarap lapain. My gosh matawagan nga si bespren. “Bestfriend” wala ng hello hello samin di na uso yan.
“oh bakit? Ano kailangan?” mataray na sabi niya
“Nasa hospital ako ngayon” seryoso kong sabi sa kanya
“ANO? My gosh anong nangyari sa iyo pupuntahan kita diyan andyan naman si ate diba teka lang” taranta niyang sabi
“ bestpren nandito si crush, yung sundalo kung boyfriend. Bestfriend bilis kinikilig ako tinubuan ako ng matres my gosh di ko na kaya bestfriend mukhang manganganak na ako” kinikilig kong sabi sa kanya
“Bakla ka ng taon talaga. Bwesit nito akala ko kung ano na. at ang OA a tinubuan ka ng matres at manganganak ka agad nag dudruga ka ano?” mataray na sabi ni bestfriend sakin
“Tse pumunta kanalang dito bye” bwesit nito wala lang naman ka support support. Babalik na ako sana sa pwesto nila ni crush ng bigla ba naman kami kaladkarin palabas ni ate.
“ pasensiya na kayo pero sa labas na muna kayo. Mag cu-conduct pa kami ng test sa kapatid mo sir kung may bale ba siya” paliwanag ni ate na sersyoso ang mukha.
Bago niya sarhan ang pintu-an ay tumingin muna siya sakin ng may mamaya ka sakin look.
“Ate ha sumbong kita kila mommy makatulak ka sakin parang di moko kapatid ha” sigaw ko sa kanya.
Ang sungit talaga ng ate ko pero labs ko yan no. Tinignan ko naman ang dalawa na ngayon ay nakakunot ang mukha pero gosh kahit anong mangyari ang gwapo talaga ng crush ko. Pa smile smile pa akong nakatingin sa kanya na animo nilalandi. Bigla nalang hinarangan ng supladong sundalo nato na nakatingin sakin na may kunot ang noo.
“Hoy bakla ano nangyari sa kapatid ko?” ma Otoridad niyang sabi.
“Hoy wag mo nga akong ma hoy hoy diyan excuse me ka nga diyan di ko makita ang magandang tanawin na nilikha ng ating mahal na diyos” pagtataray ko sa kanya sabay hawi sa kanya.
Tinignan niya naman ang sa likod niya sabay tingin sakin na may ngiti na nakaloloko.
“BAKLA nga” pagbibigay diin niya pa sa sinabi niyang bakla
“Duh I know. You don’t need to remind me” sabi ko sabay erap sa kanya .
“tol ikaw na nga kuma-usap sa baklang to baka di ako maka pigil at ng mabaril koto” sabi niya sabay punta sakabilang side at tinitigan lang kami na animoy parang model lang kung maka pose lang. Ang dalawa niyang kamay kasi nasa bulsa niya basta ganun. nag papapogi ba ito.
Tse di ka gwapo inirapan ko lang nga at tumingin kay crush.
“Hi Crush este Sir bakit?” pa cute kong sabi sabay kurap-kurap pa ng mata
“Ano bang nangyari sa kapatid niya?” tanong niya sabay turo niya sa lalaking prenting-prenti lang sa gilid
“Ah yun ba kuya ito nga. Nakita ko po siya sa likod po ng hospital doon po kasi ako dumaan duguan po siya at tiyaka marami po siyang mga sapak at may naka baon pang kutsilyo sa bente niya gosh lang ang brutal ng gumawo non ha” paliwanag ko na nagpapacute parin syempre si crush na ang nasa harap
“Alam mo ba kung sino may gawa?” tanong niya ulit. Ang seryoso naman masyado si crush parang di ngumingiti.
“ah yun lang ang problema di kopo alam kung sino nakita ko lang naman po siya na naghihirap” sabi ko sa kanya tumango naman siya at tinignan ang kasama niya
“may kaaway ba ang kapatid mo tol?” tanong niya sa kasama
“wala naman akong natandaang kaaway niya” paliwanag niya Tumango lang siya bilang pag sagot at tumahimik na kami. Biglang lumabas si ate sa pintoan.
“Uhm wala namang bale o ano ang kapatid mo sir. Malalim lang ang sugat na tamo sa pagkasasak ng kutsilyo sa bente niya. Pahinga na muna siya” paliwanag ni ate.
Bumuntong hininga naman ang isa na parang na bunutan ng tinik.
“at ikaw bakit andito kapa ha?” tanong ni ate sakin
“kasi-“ di ko natapos ng biglang mag ring ang isang cellphone teka cellphone nga pala to ni sino nga pangalan niyon ay basta ni pasyente.
Kinuha ko ito at tinignan. My Love ang naka register charotera ang cheesy naman nito.
“Oh ito mukhang may tumatawag sa cp ng kapatid mo” sabay haggis ko sa kanya sinalo niya naman Ito.
“Tss” yan lang nasabi niya at tinago sa bulsa niya pinabayaan ba daw.
“oh ate pahingi pera ng maka alis na dito. Ok n asana kung wala lang asungot na sundalo dito” paparinig ko.
Tinignan naman ako ng masama ng asungot na ito kaya tinignan ko din ng masama. Binigyan na ako ni ate ng pera tsaka dali-dali na akong lumabas sa hospital.
------------------------------Yan lang muna guys pag pasenyahan ha wala ako alam masyado sa mga sundalo at doctor na inspired lang talaga ako ng bongga sa Descendant of the Sun kaya pasenya.. XIUTOCHI99