ORDER 11

4.1K 142 10
                                    

Kim P.O.V

Kakagising ko lang ang sarap kasi ng panaginip ko naghahalikan daw kami ni crush. Erase earse di pala maganda dahil habang naghahalikan kami ni crush bigla nalang mukha ni Tristan ang nag register.

Kaya napabalikwas talaga ako ng bongga yung gymnastic talaga. Tinignan ko ang relo na nakasabit.

"Kyaaaa 8 na Late nako nagising" sigaw ko.

Dali-dali ko kinuha ang Towel ko at pumunta sa poso para maghilamos. Super takbo talaga ako.

"Hayst Sayang naman di ko na nakita mga nag jojoging" sabi ko sarili.

Napagod siguro ako kahapon ang daming nangyari eh. Mula sa medical mission sa bayan at tsaka doon sa Maletang yun na ang laman mga alahas. Juice colored may ganun pang mga effectos naku naku.

"Teh teh" umahangos na sabi ni Mitz.

"Oh bakit teh?" Tanong ko

"makukulong daw Tristan" pasigaw niyang sabi.

"Ano?? Makukulong si Tristan bakit? Paano?" Gulat kung tanong.

Papaanong makulong si Tristan diba captain siya? Makulong masiyadong Malabo yun.

"Ewan ko din basta. Nakita ko kanina teh kinuha sa kanya mga baril niya. Tas ikukulong daw siya sa isang bodega" paliwanag.

"Babalik ako" sabi ko sabay takbo

"Teka San ka pupunta?" Sigaw pa ni Mitz. Di kuna pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa office nila kung saan andun yung lider nilang nagsabi ng kwak kwak.

Di pwedi mangyari yun kailangan ko malaman kung bakit makukulong siya.

Nakadating na ako sa office nila at pumasok agad ako. Naka-upo yung officer doon di ko alam kung ano ang tawag basta mataas yung rank sa kanila.

"Sir bakit po makukulong si Tristan?" Agara kung tanong. Nong nasa harap na ako.

"Tinatanong mo kung bakit makukulong si Tristan?" Pagalit niyang sabi.

"Nang dahil sa pag suway niya sa Utos ng dahil Sayo" dugtong niya

"Per-" di kopa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita ulit siya.

"Alam mo ba ng dahil Sayo malaki ang nawala sa kanya di na siya mapopromote" paliwanag niya na ngayon nakatayo na.

Nagulat ako sa nalaman. Yumuko nalang ako dahil sa nangyari. Kung may magagawa lang Sana ako.

"Sir, salute" si tristan.

"Yang, yang Kaibigan mo na yan Alisin mo nga yan sa harap ko" galit na sabi ng nakakataas sa kanya.

"Opo sir" sagot ni Tristan.

Bigla nalang ako hinigit ni tristan. Masakit ang pagkakahigit niya pero di ako nag reklamo.

Nanatili lang akong nakayoko ewan ko kung saan niya ako dinala.

"Kim, kim" pigil niya sa inis.

"Alam mo ba ginagawa mo? Ha?" Galit na siya.

"So-sorry talaga tristan" paghingi ko ng pa-umanhin habang nakayuko parin. Di ko siyang magawang tignan nahihiya ako sa ginawa ko.

"Kim. Please lang wag kang maki-alam di mo alam" di ko siya pinatapos magsalita at tumingin sa kanya. Nana iiyak na.

"Gusto lang naman niyang tulungang wag makulong." Paliwanag ko

"Wala kana don magagawa, at tsaka masyado kanang mapaki-alam, ano ba tayo ha diba wala.kaya please lang wag kana lang mangi-alam kung di mo alam" mahinahon pero marardaman mo ang galit at inis sa Bose's niya.

LOVE Me! Thats An ORDER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon