KIM P. O. V
Pinabalik na muna kami at yung iba sa Headquarters para magpahinga at makapagpalit nadin. Ayaw sana namin pumayag dahil meron pang di naliligtas sa loob pero nag pupumilit itong captain nato na dapat daw magpahinga kasi yung rason niya pano kung kayo naman ang magkasakit, edi wala ng tutulong yan ang sabi ni Tristan samin. Tama naman siya kaya sinunod nalang namin.
Kaya ito ako ngayon nagbibihis na ng damit at hinihintay nalang tawagin para kumain. Sa kalagitnaan ng pag bibihis ko bigla nalang may sumigaw.
"Teh dumating na mga pagkain" sigaw niya sa labas
"Teh patay gutom lang?" Balik kong sigaw kay bestfriend.
"Ay grabe siya, oh siya labas na diyan para makita mo kung ano ginagawa ng Boyfriend mo" sabi niya.
"Wala akong boyfriend no" sagot ko.
Kaya lumabas na ako sa tent at naglakad na.
Pagkadating abay bw*s** na lalaki to ah. lumalandi lang kasi sa isang babaeng naubusan ng tela. Siya ata na nag dala ng pagkain ngayon. Anong drama niya ngayon? Nag papa impress?.
"Teh kalma lang parang papatay ka sa lagay nayan" si bestfriend
"Tse wag ka nga baka isama pakita sa papaslangin ko ngayon kaya manahimik ka diyan" sabi ko. Sabay irap sa kanya.
"Ay taray huh, damay damay ang peg mo ateng." Natatawa niyang sabi sakin.
"Oo damay damay na pag di kapa diyan tumahimik. Ipapalamon ko sayo itong buong lugar." Taray kung sabi sa kanya sabay lakad na papunta kanila ni ate.
Buti nalang at nakatulog ako kahit kunti kahit papano nanumbalik yung lakas ko.
"K-kim t-teka" pagpapatigil niya.
Kaya nilingon ko siya ng slowmo talaga mga teh yung hihampas mo pa sa ere ang buhok mo ganun para ramdam sundin niyo nalang kaya wag kayong ano.
"Yes!" Mataray kung sabi na nakataas pa yung kilay to the highest level.
"Ay taray sunsilk" sabat ni bestfriend.
"Tse tumahimik ka diyan di kapa kasali mamaya kapa" pagtataray ko.
Si tristan kumakamot lang ng batok ino-on niya nanaman siguro yung pag papacute niya.
"Wala kanabang sasabihin, aalis nako maglandi ka muna doon" pagtataray ko na di parin binababa ang kilay ko.
"Tss. Nagseselos ka nanaman. Ito pagkain kainin mo muna" sabi niya na naka smirk.
"Tse nagseselos Utot mo tristan red." Sabi ko sabay talikod na at nagpatuloy na sapaglalakad. Pero bago pa talaga ako makakalayo sa kanya binalikan ko muna siya.
"Teka yung sandwich akina, thank you" sabay hablot ng pagkain sa kanya.
Ito na talaga mga teh naglakad na ako ng bongga papunta kina ate.
"Teka samahan mo muna ako" sabi niya sabay higit..
Mah gosh ano ba huh di pako matuloy tuloy sa lakad talaga mga teh di koyan kasalanan.
"Sasamhan saan naman aber??" Sabi ko sabay cross ng arms.
"Alam mo kim ang taray mo talaga wag kangang ganyan." Pangaral niya. Sus juice colored nato pinapakulo niya yung dugo ko mga teh.
"Wala kang pake tristan kung magtataray ako. Kung ganun samahan mo mukha mo tse" talikod ko sabay takbo oo takbo talaga mga ateng baka pipigilan niya nanaman ako.
Andito na kami ngayon kung saan nagtitipon sina ate na nagpapahinga at nag-uusap.
"Kyaaaa bestfriend ah ang sweet ni tristan sayo kahit ang taray mo sa kanya" kinikilig niyang sabi sabay hampas.