Someone P.O.V
Kalunos-lunos ang sinapit ng katatayo palang na gusali wasak lahat nagkalat ang mga basag na mga salamin , tumbahan ang mga Sasakyan at ang Iba pang mga heavy equipment.
Kaawang-awa ang ibang mga tao. Maririnig mo ang kanilang mga Daing at mga iyak sa sakit at dahil sa nangyari
Si Kim tumutulo lang ang kanyang mga luha sa nasaksihan masyado siyang iyakin sa mga ganitong pangyayari. Hindi dahil sa naranasan niya ito kundi dahil nakakaawa at nakakatakot ang nangyari dito.
Sa ganiyan niyang edad naranasan niya na ang lahat ng mga ito ang ma kidnapped, malagay sa alanganin, maglambitin sa matarik na bangin at ang kasalukuyan ay ito.
Di niya lubos ma isip na mangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Minsan nga naiisip niya na lang na ang swerti-swerti niya dahil hanggang ngayon ay buhay pa siya sa likod ng mga napagdaanan niya kaya nagpapasalamat talaga siya sa Diyos dahil ginagabayaan siya nito at pinoprotektahan.
Kaya ano man ang mangyari tutulong siya dito sa abot ng kanyang makakaya. Tutulong siya hindi dahil sa napipilitan o naawa siya, tutulong siya dahil GUSTO NIYA. Sigaw niya sa kanyang isip.
"Nurses, my co-Doctors and Volunteers kailangan namin ng Tulong niyo ang mga volunteers na may alam talaga sa pag gagamot ay tumulong nadin, ang ibang hindi pa talaga ay tumulong nalang sa pag buhat ng mga biktima" salita ng ate ni Kim.
"So mag bihis na tayo para mabilis tayo makilala." Dugtong ni Kyate sa sinabi niya
Tumango naman sila at Dali-dali na bumalik sa sasakyan at nagbihis ng jacket ng medical rescue at may bag sila na may Lubid na ibat-ibang kulay.
Pagkatapos nilang magbihis ay nagtipon sila para sa huling instruction.
KIM P.O.V
"Ang yellow tape na yan ay para sa na biktima na medyo maayos.
Ang Blue ay kailangan talaga ng matignan. Ang Red naman ay Critical at kailangan agapan at para sa Last Color Tape ay ang Black yun ay wala na talagang pag-asa. So volunteer and sa mga kasamahan ko good luck alam niyo na ang gagawin niyo" paliwanag ni ate samin.Nag si alisan naman sila pagkatapos ng mahabang paliwanag ni ate. Pero aalis na Sana ako ng pigilan ako ni ate.
"Kim mag ingat ka ha" pagpapaalala ni ate sabay yakap sakin.
"Opo ate mag iingat ako" sabi ko at yumakap nadin.
"So Tara na gawin na natin ang dapat gawin. Alam ko kim na may kapangyarihan kang magpangiti ng Tao kaya subukan mong pagaanin ang paligid dito" huling sabi ni ate at nagtakbo na paalis.
Napangiti nalang ako sa sinabi ni ate tama tama dapat di kami magpaapekto sa ganitong sitwasyon dapat makikita nila na magiging okey din ang lahat.
Bumuntong hininga ako sabay kaput sa bag at nag patuloy na sa paglalakad.
Habang naglalakad ako at nililibot ko ang paningin ko ay may nakita akong pasyente na naka upo kaya dali-dali ko siyang pinuntahan.
Ang dungis niya na at may sugar siya sa kanang braso at kailangan itong tahiin.
"Kuya kuya kaya niyo po bang tumayo?" Tanong ko agad at kumuha ng Tape na yellow at nilagay sa kamay niya.
Tinignan niya lang ako at ngumiti. Ay oo nga pala di nakaintindi to.
Itatayo kuna Sana siya ng Dumain siya. My gosh may Bali siya sa paa di ko siya maalalayan patayo dahil may sugat at mabigat siya mga teh.
Di ko naman magamot dito dahil masyadong maalikabog at dilikado pa Baka mabagsakan kami ng kahit ano. At kung gagamutin ko naman Baka lalong lumalala dahil sa impeksyon.