Ang mga ginagamit kung term at mga gamot ay di ako sigurado dito di naman ako nag-aaral ng Doctor talaga at pagsusundalo. Kaya nais kulang ipaalala na Baka gawa gawa kulang ang Iba dito pati ang cause at effect na ito. Salamat
KIM P.O.V
"Kain lang ng Kain bata ha, mukang gutom na gutom ka" sabi ko sabay upo paharap sa kanya.
"Teh nakakaintindi ba yan?" Tanong ni Mitz.
"Oo teh Ewan ko nga teh kung bakit pero yung isa ding kasamahan niya. Nakaka salita din ng lengwahe natin" paliwanag ko. Tango lang naging sagot niya.
Tinitigan lang namin siya habang kumakain at masasabi kung gutom na gutom nga siya di siguro pinapakain ng maayos doon.
Pero teka sino bayong mga gangster nayon. At yung lider nila sarap hambalusin ng gusali ang manyak may nalalaman pang pakagat labi at dila. Gosh muka namang Pokemon na bato.
"Kim halika nga kayo dito" tawag ni ate samin ni Mitz. Kaya tumayo naman kami at pumunta sa kanya.
"Diyan kalang muna ha babalik ako" paalam ko sabat. Pero siya lamon lang ng lamon.
Andito kami ngayon sa labas lahat, as in lahat talaga walang may na iwang isa loob na volunteer or nurse.
Ano nanaman kaya pakulo ni ate at pinatipon kami.
"Ok pinatipon ko kayo ay dahil may mahalaga akong sasabihin ok, wala itong alam mga sundalo ako lang talaga nag patawag" paunang sabi niya.
"Naku ate ah. Pakulo mo naman" sabat ko.
"Umayos ka Kim, tungkol ito Sayong at kag john" pagpapa-ayos ni ate sakin. Ano nanaman sa amin ni john juice colored wala kaming scandal ha ni di ko nga type yan papadoctorin niyo na nga ako pati boyfriend Mag dodoctor din.
"About ito sa nangyari sa maletang yun na pinaki-alaman niyo" usal ni ate.
"Eh ate ano naman kinalaman ko doon, isa pa Hindi ako nangi-alam doon at natulungan ko pa nga" paliwanag ko.
"Meron ka parin kinalaman sinabihan kanang wag mong paki-alaman diba" pinutol ko ang sanay sasabihin pa niya
"Eh kung pinabayaan ko yun Edi lagot tayo doon nawala na pinaka-iingatan ng presidente." Sabat ko.
"Sana pinabayaan mo sila ang gumawa nagpapaka hero ka nanaman" medyo naging mataas na boses ni ate.
"At ikaw naman john bakit mo yun pinakialaman?" Baling niya kay John
"Na-nacurious po ako kung anong nakatakip doon at di ko namalayan may napindot pala ako, kaya sorry po" paliwanag at hingi ng pasensiya ni john.
Napasuklay nalang ng buhok si ate aa inis at napabuntong hininga.
"Ok ok nayon at pasalamat tayo at nabuksan mo yun kim, pero ito lang sinabihan nako ng superior nila na wag tayong maki-alam dahil doctor lang tayo. At wala tayong alam sa kanilang Gawain, kaya wag na Sayong maki-alam ok ba tayo diyan?" Mahabang paliwanag ni ate.
"Opo" sabay sabay naman naming saving mga volunteer at ibang mga nurses.
Pero ako nakasimangot lang. Oo ako na paki-alamera pare-pareho lang sila ni tristan mag sama sila total mukang bagay naman sila.
Pagkatapos non dali-dali talaga akong umalis na nagdadabog. Nakabunggoan ko pa si Tristan.
"Oh?" Sabi niya sabay tingin sakin na nakakunot ang noo. Inirapan kulang ito at nagpatuloy sa mabilis na lakad papuntang kwarto ko.
"Nangyari don?" Rinig ko pang sabi niya.
Di ko nalang pinansin at nagpatuloy parin sa paglakad. Hanggang makarating na nga ako sa tinutuluyan pagkapasok ko sinirado ko talaga ang Pintoan, pina-andar ang aircon, nahiga at nagtalukbong.