ORDER 7

4.2K 164 13
                                    

Kim P.O.V

Nag-aayos na ako ngayon dahil mga 7:20 na, late na nga ako eh. Iiwan ko nalang si min-min kay Ate. Ga-b narin kasi ayaw kung mapagod pa ang bata sa kalandian naming dalawa.

"Ate alis na ako may tatagpuin pa ako"  paalam ko

"Wag masyadong mag pa ga-b huhuntingin kita Kim, humanda ka" sermon niya. Ganyan kasi yan pag Ga b ako  lumalabas. Masungit nga yan sakin pero mahal ako niyan sa ba naman nag alaga sakin Simula bata ako.

Dahil magaling kung Ina di na umuuwi nag papadala nalang pera.

"Opo" sagot ko

Lumakad na nga ako palabas ng subdivision at nagpara na ng jeep medyo siksikan nga dahil Ga b na.

Pagkarating ko sa lugar kung saan kami magkikita ni Tristan. Andun na nga siya sa loob nakikita ko siya mula sa labas. Tinignan ko ang oras 8 na pala.

Pumasok na ako na poker face ang mukha yung walang emosyon. Pagkapasok ko umupo agad ako kaharap niya. Nag titigan lang kami.

May order narin naman siyang dalawang frape. At tig-iisang chocolate cake.

"Di naman tayo tatagal diba nag order kapa. So sabihin muna." Wala ka emo-emosyon kung sabi

"gusto ko lang Sana mag sorry dahil parati nalang di natutuloy o naiiwan kita." Pagsisimula niya.

Hahawakan niya Sana yung kamay ko ng inilayo ko ito agad.

"Wala na yun sakin sanay nako diyan. Yun lang ba sasabihin mo?" Tanong ko. Tumango nalang siya sa pag sagot.

"Uhm tristan pwedi magkalimutan nalang tayo yung hindi tayo magkakilala total di naman nag wowork alam kung alam mo na nanliligaw ka sakin. Tawagin mo na akong ambisyosa pero yun nararamdaman ko. At aaminin ko may nararamdaman din naman ako pero pinipigilan ko." Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Pero kim, intindihin mo Sana sundalo ako. Mission kung protektahan ang mga tao na nagpapahamak" bigay niya din ng sa loobin niya.

"Yun nga eh mag-kaiba talaga tayo at hindi ko maintindihan talaga. Mag Do doctor ako tapos ikaw sundalo. Paano ko ba naman maintindihan yan. Pumapatay ka para may mailigtas. Ako kapag sakaling tinuloy ko pag do doctor ko manggagamot ako para mabuhay hindi para pumatay" paliwanag ko sa kanya na tumitingin direkta sa Mata niya.

"Yun ba Gusto mo segi mag kalimutan tayo babalik tayo sa di tayo mag kilala"matigas niyang sabi.

Tumayo na ako agad pag ka sabi niya. Di na ako nag salita pang muli yun lang naman ang hinihintay ko.

Di nga namin nagalaw ang order niya. Sayang nga lang kumain Sana ako bago umalis.

Naglakad-lakad muna ako para mag unwind. Nagpapa-inggit ba ang mga ito halos sa na daanan ko mag kasintahan tse di naman kayo magtatagal niyan.

Alam kung pangarap ko talaga mag boyfriend ng sundalo pero di ko naman ineexpect na ganun pala kaya wag nalang. Titigil ko na nga itong kahibangan ko.

"Oh diba ikaw yung tumulong sa kapatid ni tristan?" Salita ng lalaki.

Nagulat naman ako pagtingin ko si crush pala gosh tadhana ang daya mo ah mag mo-move on na ako.

"Uhm yeah ako nga bakit?" Tanong ko

"Pasadong 8 na but nandito kapa sa labas?" Nag aalala ba siya o ano. Dapat naba akong kiligin.Gosh parang mabubuntis ako ulit.

"Ah wala. Actually pa-uwi na ako. Ikaw?" Sabi ko sabay kamot at tawa.

"Ah pupuntahan ko ka-ibigan ko mukang may problema ata" sagot niya naman.

Bigla naman akong napasimangot. Oo puntahan mo yun malaki ang saltik non ikaw na din kumain ng inorder niya.

LOVE Me! Thats An ORDER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon