Order 22

2.3K 70 14
                                    

Kim P.O.V

Andito kami ngayon kumakain ng sabay sabay kasi sasabihin ko nga kay ate yung pinapasabi ng lieutenant nayun kung sino ang gustong umuwi at magpapaiwan.

"Hayst ngayon nalang ulit tayo nag sama sama ano?" Sabi ni beans sabay subo ng saging

"Oo nga matapos ang nangyari sa atin dito"sabat naman ni mitz. Na ikatango ng iba.

Ako tahimik lang nilalantakan ang pagkain ko. Wala ako sa mood ngayon makipag daldalan. Iniisip ko parin kasi ang nangyari kay tristan.

Naloko na napamahal na talaga ako sa hilaw na koreanong yun. Eh bakit anong nangyayari sakin bakit ganun parin ang trato ko sa kanya. Tinotopak lang siguro ako ganun. Napapatawa nalang ako sa isip.

"Kim tahimik ata yung rapunzel natin?" Pang aalaska ni Bestfriend

"Kumain ka nalang diyan kunh ayaw mong ipasubo ko sayo yang isang pitsel" pagtataray ko sa kanya. Tumawa lang ang gaga

"Ay taray pag ganyan ka pumapangit ka lalo kim" sabat ng negrong beans.

"Ay wow hiyang hiya ako ginawa mo pakong salamin eh no."bara ko sa kanya sabay smirk. Nag ngit ngit naman ito sa galit.

"Gusto mo talaga kim ng away pagbibigyan kita ngayon" sabi niya sabay tayo pa at brush ng ulo. Wala namang buhok

"Gaga wag kang feeler diyan wala kang buhok, Kalbo" alaska ko

"Ay oo nga no nakalimutan ko. Letse ka" inis niya sabay upo at pagpatuloy ng kain.

Nagtawanan naman kaming lahat. Mas mabuti nato nakakagaan ng kalooban at nakakalimutan namin ang problema at nangyari kahit panandalian lang.

"Oh siya guys andi-" di natapos ni ate ang sanay sasabihin niya ng pumasok ang tatlong sundalo sa loob kasama na nga si tristan. Bigla naman nagbago ang expression ko pagkakita ko sa kanya. Sabi ko mag pahinga muna eh hirap talaga pag sundalo matigas ang ulo. Wag kayong ano diyan sa taas huh hindi sa ilalim.

Bago pa man siya makapag salita ay inunahan ko na siya.

"Ok kana pala." Sabi ko ng matamlay.

"O-oo okay na ako" sabat niya na direkta paring nakatingin sakin mata sa mata.

Yung iba parang nanonood lang sa sini ang tahimik eh tas tutok na tutok pa.

"Di ako nagsisinungalin nong sinabi mong kailangan mo ng pahinga" sabi ko sa kanya na wala paring emosyon.

"Dapat ko nabang pagalitan ka dahil ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ako di masyadong makapaghinga kung ga b" litanya niya sabay ngiti.

Syete siya bigla nalang kumabog ang puso ko mga bes anong mga pinagsasabi ng hilaw ng koreanong ito.

Bigla naman ng yieeh ang mga hinayopak nila kinikilig ang mga depugs.

"Gosh bestpren oo na niniwala na ako" asar ni bestfriend sakin.

"Deputs na uutot ako sa kilig" sabat naman ng gagang mitz.

Si ate naman seryosong nakatingin lang samin at ang iba umiiwas nalang tingin na animo pinipigilan ang kilig.

Ako naman parang mauutot din sa pigil aminin ko man o sa hindi pero kinikilig ako ng slight. Letse oo na ng bongga. Akala ko yun lang ang banat ng hilaw nato meron pa pala ng ikasabog ng madla at ng matres ko.

"Alam mo sa lahat ng problemang na harap ko ikaw yung pinaka mahirap pagdating sa pagpapahinga ko di ka kasi maalis sa isip ko sa tuwing magpapahinga na ako" seryoso ngunit ngumingiti niyang turan sakin.

LOVE Me! Thats An ORDER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon