para sa nga tumatangkilik nito Para sa inyo ito. :-)
KIM P.O.V
Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin at ito nga bababa na ako suot ang jacket ni Tristan wala na kasi akong pang-itaas na suot.
Pagka-baba ko sinalubong agad ako ni atr ng isang mahigpit na yakap na umiiyak. Ganun din ang ibang mga kasamahan na naging close kuna di sila yumakap bagkos umiiyak talaga sila at natutuwang nailigtas ako.
"Kim Salamat sa Diyos at naligtas ka" umiiyak niyang sabi sabay kawala ng Yakap.
"Opo ate salamat at salamat din kay Tristan at iniligtas niya ako pati nila mike" sabi na umiiyak at smile sa kanila ni Tristan.
Sa totoo lang mugto na talaga ang Mata ko sa kakaiyak. Lumakad na kami papasok Headquarters. Pumasok kami agad sa medicube para magamot ang mga galos ko.
Habang ginagamot ni ate yung ibang nga pasa ko ay pumasok bigla si Ken na hingal na hingal. Napatingin naman kaming lahat sa kanya na may pagtataka. Si Tristan naman kunot ang noo.
Ng bigla siyang lumapit at hinawakan ang kamay. Napa kunot talaga ako ng noo sa inasal niya.
"Kim buti at ligtas ka? May ginawa ba sila sayo?" Sunod-sunod niyang tanong.
Tumingin naman sila ni ate at ni Mitz na may makahulugang tingin sakin. Sasagot na Sana ako ng bigla nagsalita si tristan.
"Wala kabang respeto sa CAPTAIN?" pagbibigay diin niya sa Captain. Kaya napabitaw naman agad si Ken at sumalute.
"Salute Captain at so-sorry" hingi niya ng paumanhin.
Tinignan lang ito ni Tristan na animo wala lang sa kanya. At si Ken naman patuloy lang sa Pagsalute. Problema ng Tristan na ito.
"Hoy Tristan,nakasalute lang siya ho"sagot ko.
Tinignan niya lang ako sandali at humarap kay Ken at nag response na sa salute.
"Segi makaka-alis kana" sabi ni tristan.
"Pe-pero" wala ng nagawa si Ken kundu ang sundin si Tristan at umalis nalang. Sumulyap nalang si Ken at naglakad na palabas.
"Ikaw Hindi ka mabuting captain sa kanila." Sabi ko Sabay tingin sa kanya.
Bigla naman siyang lumapit malapit samin ni ate na seryosong nakatingin.
"Ako Hindi mabuting Captain sa kanila?" Pa isa-isang sabi niya.
"O-oo" nauutal Kong sagot.
"Kasi ano kasi nag-alala lang ang tao pinaalis muna agad" dugtong ko.
Gosh nakakatakot ang mga tingin ni Tristan mas lalong sumeryoso mukha niya.
"Uhm maiwan na muna namin kayo Kim at tapos naman yan, guys Tara na muna" paalam nila ate.
"Ate ano sasama na ako gutom narin naman kasi ako mga Tinapay lang kanina nakain ko" palusot ko at malakang-lakang sulyap kay Tristan na seryosong titig sa mukha ko na naka pa mewang pa.
"Ay nako Kim magluluto pa kami" sagot ni ate at kumaripas na sila ng takbo.
Waaaa buang ang ate ko iniwan ako at di manlang sinakyan ang palusot ko.
Tinignan ko si Tristan at Ngumiti sa kanya ng pilit. Siya seryoso parin nakatingin na animo sinosuri ang mukha ko. Kaya umiiwas lang ako ng tingin.
"Wala bang masakit sayo?" Tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.
"Oo ayos lang ako medyo pagod lang dahil sa nangyari" paliwanag ko sa kanya.
"Eh yang mga sugat mo sa bibig di ba masakit?" Tanong niya ulit