KIM INIEBA P.O.V
"o kamusta naman yung pag-lalandi mo sa hospital?" tanong ni bestfriend sakin.
Andito kami kasi ngayon sa coffee parlor na kipagmeet ang bestfriend ko gusto daw malaman kung ano ang nangyari sa paglalandi ko. Kita mo ang bait diba paglalandi daw, di naman talaga ako naglalandi eh nagkataon lang diba readers.
"Teka lang but andun ka nga pala sa hospital? Wag mong sabihin pumunta ka talaga doon para lang makita ang crush mo?" tanong niya sabay lagok sa kapeng iniinom niya.
Sakin gatas iniinom ko ayaw ko ng kape. Coffe parlor tas gatas lang wala kayong pake sabay tawa.
"Oy hindi ah ako kaya nauna sa hospital" pag depensa ko. Umirap lang ang gaga
"wag mo nga akong ma echos echos diyan, sabihin mo ang totoo babato koto sayong kape ko" di naniniwalang sabi sabay amba pa ng kape niya na ibabato
"oo nga, kasi ganito pupunta nga ako ng hospital nong araw nayun kasi kukuha ako ng pera kay ate, eh ako naman si maganda di dumadaan sa entrance talaga ng hospital sa likod ako teh dumaan para tago. Eh nong paalis na ako may umuungol ..the katakot nga" kwento ko sabay lagok muna at ang murat tango tango lang na nakatutuk talaga akala mo naman kung ano na.
" kaya ayun nga nilapitan ko teh, shock ako teh pagkalapit parang ganito" nag gesture pa ako na patakip takip ng kamay sa bibig sa kanya kaya ayon nabatukan ako.
"Mag kwento ka nalang teh wag na mag action" sermon niya. Kaya nga nagpatuloy na ako
"yun nga teh tinulongan ko. Matulungin naman talaga ako kaya ayun. Doon ko nakita si crush kapatid pala ng kasama niya ang na bugbug teh kaya ganun" paliwanag ko sa kanya sabay simangot. Na alala ko naman kasi yung KJ na sundalong yun.
"aba aba ano yang simangot thingy nayan?" tanong niya na nakangisi
"ay naku yung kasama niya kasi ang sama. Hinaharangan ako kay crush sarap barilin ng shotgun sa mukha" inis kung paliwanag sa kanya.
"ay cute ba siya ateng hot din ba? Sundalo?" interesado niyang tanong
"oo teh naka uniform ng sundalo eh. Sayo nalang yun teh bagay kayo" sabi ko sabay hampas sa kanya na natatawa
"wag na teh, ikaw lang naman ang umaasa na maging kayo ni crush mo na SUNDALO" pinangalandakan talaga ang word na sundalo sakin.
Nag ka crush lang yan sa sundalo pero di yan nangangarap na mag ka jowa na sundalo kasi daw malabong mangyari yun. Eh si ako naman hindi yun malabong mangyari no. sa mundong ito walang imposible.
Pagkatapos namin mag chika chika eh lumabas na kami sa coffe parlor nayan nag kape lang naman kami dahil ang init sa labas no at tsaka nag pahinga nadin. Oh diba nagkape dahil ma init sa labas kung di lang kami buang no natawa nalang ako sa isip. Napadpad kaming dalawa sa larong baril-barilan yung may target kang mga toys ,parami-rami ng tama para makakakuha ka ng prize na teddy bear.
Nagkataon pa yun guys na may teddy bear na sundalo kaya napilit ko ang bestfriend ko mag laro. so ito nga kami ngayun tinatarget ang kalaban. My gosh napapasigaw na ako dahil tatlo palang ang natatamaan ko kasi dapat twenty ang matamaan mo para makuha mo ang sundalong teddy bear. Bwesit na bibe to di matamaan, si bespren naman wala pang may natatamaan nag rereklamo na nga dahil sira daw yung baril niya, natatawa na nga lang ako sa kanya dahil ang baril pa talaga yung sinisi.
"Kyaaaaaa bwesit kang bibe ka saan na yung lider na nag sabi ng kwak kwak papatayin ko bat di ka matamaan" sigaw sigaw ko habang nag babaril.
Natatawa nadin yung ibang naglalaro dahil sa inasal ko, juice colored kayo tinatawanan niyo pa ako hindi na nga ako mag kadaugaga sa pagbaril dito sa mga lintik ng bibeng ito.