KIM P.O.V
Hayst andito na ako ngayon sa loob ng kwarto ko ewan parang di ako makatulog ilang ulit na akong pagulong gulong dito sa kama kung malambot pa sa mukha ng bestfriend ko, ilang beses nadin akong nakabuntong hininga mga 2 na siguro diba marami nayan more than one nayan wag kayong ano diyan.Bakit gusto ako lubusang kilalanin ng hilaw na koreanong sundalo nayun? Baka irereto niya ko sa kaibigan niya.Tama tama yun nga.
Tumagilid ako at tinignan ang mahimbing na natutulog na bata oo tama kayo ng pagkakabasa nasa puder ko yung batang palaboy aampunin ko kasi sapat naman yung pera ko para mabuhay kami at tsaka nandyan pa naman si ate para tulungan ako. Naawa kasi ako sa bata kaya ko naisipang ampunin tas parang nakikita ko ang aking sarili sa batang ito na kailangan ng aruga ng magulang na di ko man lang naranasan kay mama at papa pagkaka-alala ko nga si ate na ang nagpalaki sakin eh. Kaya ayan aapunin ko ang batang cute nayan. Ang pangalan niya daw ay minsok o diba lakas maka koreano haha pero tatawagin ko siyang min-min bukas na bukas aasikasuhin ko ang pag aapun sa kanya mag papatulong nalang ako kay Tristan total sundalo naman yun. ay oo nga pala pagkatapos naming mag movie daw dun ko aasikasuhin.
Sa pagmumuni muni ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"kuya kuya gising napo" pang gigising ng isang bata sakin.
Kalian pa nagkaroon ng bata dito sa bahay? Tanong ko saking sarili at bumangon na. nasillayan ko ang mukha ng isang cute na bata na nakangiti sakin. Ay oo nga pala si min2x. yes kuya tawag niya sakin ayaw ko pa ng mama wala pa kasing papa haha
"opo gigising na bubwit" ginulo ko ang buhok niya at hinalikan siya sa pisngi at bumangon na talaga ako sa kama.
"Pero bago tayo bumaba aayusin muna natin yung mga higaan natin." Paliwanag ko sa kanya.
Tango tango naman siya na nakangiti juice ko ang gandang araw ko kapag ngumingiti yang batang yan. Pagkatapos naming ayusin mga kama namin ay lumabas na kami at nag punta na sa kusina.
"Hep hep. Teka nga sino naman yang batang yan ha kim?" tanong agad ni ate pag katapak naming dalawa sa kusina.
"ate ampon ko si Minsok" masiglang pagpapakilala ko na ikabilaok ni ate. Dali dali akong kumuha ng tubig at binigay sa kanya.
Inubos niya naman ito ng nahimas masan na siya tasaka siya nagsalita.
"WHAT?? Kim ampon? Kaya mo bang mag alaga ng bata?" gualat niyang sabi
"Kakayanin ate naawa lang ako sa bata at tsaka ang cute kaya niya matatanggihan mo bato?" pagmamakaawa ko kay ate
"oh siya ikaw bahala. Naku naku kaw talaga, o siya baby boy ma upo kana at kumain dito" pag paanyaya ni ate sa kanya.
Kita moto ang bilis tumanggap. Tuwang tuwa naman ang bata pagkarinig niya yun. Umupo narin ako at nagsandok ng makakain.
"Teka teka na asikaso mo naba itong papers niya baka mapagkamalan tayong kinidnap niyan at ang cute ng batang ito parang anak ng isang mayamang pamilya" aniya.
Sabay niya itong inayos ang kinakain
"mamaya aayusin ko at oo nga no. min-min wala kana bang mga magulang?" tanong ko sa kanya sabay baling ng tingin sa kanya.
Nilunok niya muna ang kinakain bago sumagot.
"wala napo kuya at ate namatay na po sila pinatay po sila" malungkot niyang sabi na parang iiyak na. Inalo naman siya ni ate para di umiyak. Nakakaawa naman itong batang to. "bakit wala kabang kamag anak, mga tita tito?" tanong ni ate sa kanya. Umiling ang bata kasabay non ang pagtulo ng kanyang luha.
"Wala pong may gustong tumanggap sakin, binigay po ako nila sa bahay ampunan, tumakas po ako kasi po inaaway po ako ng mga bata" sumisinok niyang sabi. Pinuntahan ko siya siya sa upuan niya at yinakap naiyak nadin ako.