KIM P.O.V
Ito ako ngayon at umiiwas sa lahat. Pag may makakasalubong ay nagtatago talaga ako ng bongga.
Syete kahiya kaya. Kung kayo kaya sa kinalalagyan ko ngayon ewan kulang kung ano gagawin niyo.
Andito ako ngayon nagtatago sa likod ng medicube at hinihintay maka alis ang mga sundalo na nag uusap usap pa tungkol kanina. Ang sarap lang nila bigwasan isa isa.
Pasilip silip lang ako sa kanila habang patuloy parin sa pag uusap tungkol nga sa nangyayari kanina paulit-ulit na tayo. Maka letchugas di paba sila matatapos?
Babalik na sana ako ng sumulpot ang bruhelda.
"Ay palaka ka" gulat kong sabi.
"Ginagawa mo?" Tanong niya na nakataas pa ang kilay
"Wala akong ginagawa at tsaka pake mo ba?" Pagtataray ko sa kanya.
"Wala? Alam ko meron nagtatago dahil sa pag co-confess sa public?" Pang-aasar niya.
"Excuse me. Di ako nagtatago no, sadyang sadyang nagpapahangin lang ako dito." Pagdadahilan ko.
"Dahilan!" Irap irap pa siya sabay cross arms.
" di daw interesado yun pala. Patay na patay na" dugtong niya.
"Wow huh hiyang hiya ako sa patay na patay. Wag nga ako" sabi kopa sabay irap irap.
Tatalikod na sana ako ng humarap ako ulit sa kanya wag nga kayo.
"Uhm pwedi mag tanong?" Seryoso nako this time mga mare.
"Go ahead. Pwedi mong lakasan boses mo ngayon ako naman nagbabantay ngayon."sabi niya sabay lean niya sa dingding ng medicube.
"Ano feeling magkaroon ng boyfriend?" Seryoso kung tanong sa kanya.
"Di kaba natatakot sa kanya dahil sa trabaho niya. I mean di ka natatakot para sa kanya" dugtong ko pa.
Siya naman seryoso nakatingin sakin. At may gulat sa mukha niya.
"Natatakot pero ang mas nakakatakot ay mawala siya sa tabi ko. At isa pa mas magiging proud ka dahil yung boyfriend mo ay isa sa mga taga pagligtas." Seryoso niyang sagot.
Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na. Lalakad na sana ako ng bigla siyang magsalita ulit.
"Iba ka din huh at yung captain pa ng team bombs" pang aasar niya.
Di ko nalang pinansin ang gaga at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pasalamat siya wala ako sa mood makipaglaban ngayon. Baka na bigwasan ko nayung babaeng bruhilda nayon. Sino paba edi si maricon.
.
Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko at wala akong balak lumabas waaaaa jusko mapapatay kita talaga bespren.
At ang mga mga sundalo at ibang volunteer naman kung makapag tsismisan akala mo di pa tapos.
"Ay grabe yun huh. Siguro sinadya yun para marinig natin" tsismosa 1
"Diba siya yung kapatid ni Doc Kyate grabe yun teh" tsismosa 2
"Oo nga biroin mo naghalikan sila kyaaa ang gwapo ni Tristan kaya ang hot niya." tsismosa 3. Kinikilig pa ang buang sarap tampalin eh no.
Kaya di ako nakapag pigil at nasigawan ko sila. Sa harap ba naman ng kwarto mo.
"Rinig na rinig ko dito mga teh sa loob lakasan niyo pa LAKASAAANN."
Sigaw ko sa kanila sa loob ng kwarto ko. Nag pulasan naman ang mga chismosa kung wala silang magandang sasabihin umalis sila kaloka sarap nilang gisahin kasama nayung. Magaling kung bespren.