"Hoy Kim halikana Kakain na tayo" tawag ni ate sakin.
Seven na pala ng gabe. At grave ngiti ngiti pako hanggang ngayon Ewan basta nakakamangha lang yung pinuntahan namin. At tsaka naka deposit narin naman ako, muntik ko na nga makalimutan dahil sa saya kanila Buti nalang pina-alala sakin.
Dumiretso na nga ako sa kusina ng base camp nito, mula dito sa lahat mukang nagkakasiyahan nga sila.
Pumasok na agad ako at andun nga sila lahat at andun din si Ken nag seserve ng niluto.
"Kim dito kana umupo sa tabi ko" tawag sakin ni John na nakangiti pa.
Ngumiti naman ako at lumakad pero bago yun tinawag naman ako ni Ken.
"Kim dito kana ho,masyado na diyang masikip at napaghanda na kita" nakangiti niya ding sabi at lagay ng Plato sa kabilang Table.
"Hindi Kim dito ka" matigas na sabi ni john.
"Hindi Dito ka kim" matigas ding sabi ni Ken.
Nagtitigan sila na animo may lumalabas ng kuryente sa mga Mata nila. Gosh alam kung maganda na ako wag niyo ng pangalandakan.
"Ay bongga teh pinag-aagawan ang naba ng hair" pumapalakpak pang sabi ni Mitz.
Yung dalawa patuloy lang ang palitan ng masasakit na mga titig. Ng bigla nalang pumasok sila ni Tristan at crush kaya naputol ang palitan nila ng masasakit na tingin.
"Ano nangyayari dito?" tanong ni Tristan
"Ah wala naman Sir,Captain"sabay nilang sabi, si ken naman sumalot.
Bigla naman ako tinignan ni Tristan, tinaasan kulang ng Kilay at nagkibit balikat. Nakita ko si Crush na naka-upo na sa table kung saan Sana ako papaupuin ni Ken.
Kaya Dali-dali akong na upod doon paharap kay Mike.
"Landi talaga" rinig ko pang bulong ng Negrong bakla. Di ko nalang pinansin at Baka mag ka gulo pa dito.
"Hi mike" bati ko.
"Hi" maikli niyang tugon. Kahit kailan ang cold talaga nitong lalaking nito problema nito.
Naupo narin naman si Tristan katabi ni Mike pa harap sakin.
"Kain na tayo Maya na muna ang paglalandi" sabi niya. Kaya tinignan ko nga siya ng masama.
Nag sandok na ako ng kanin at kumuha ng beefsteak. At sinimulan ko narin kumain. Tahimik lang lahat sa pag kain Ewan ko nga sa mga dito kanina ang ingay-ingay.
"Tristan Bakit nga pala andun yung wishing well. Eh bakapalibot naman sa kanya karagatan ha." Pambasag ko sabay subo.
Yung Iba na pa ubo pa. Ang O.A ah ano Mali sa sinabi ko.
"Oy bills kwento mo di mo na kwento kanina yan." Pangungulit ko.
"Oo na" irita niya. Uminom muna siya ng tubig bago nagsimula.
"Ang kwento nga doon kasi. Wala pa naman daw diyang isla bigla lang daw yan lumusot, dahil daw may isang babae daw na gusto talagang lumayo at mag isa. So bumyahe siya gamit ang isang bangka. Habang naglilibot daw siya" naputol ang kwento ni Tristan dahil nag silipatan sila sa aking table.
"Gosh interesanting story. Patabi teh ha, tuloy mo lang sir" sabi ni Mitz pagka-upo dala-dala ang Plato niya.
"Oo nga sir tuloy mo lang " sabi naman ni John na sumiksik pa sa tabi ko
"Oo nga captain mukang interesante" siksik din sa tabi ko,napapagitnaan na nga ako nilang dalawa.
"Umayos nga kayo" inis ko.