Chapter 15 : Lady Adelia

4.7K 230 14
                                    

 "It is during our darkest moments that we must focus to see the light."

- Aristotle Onassis

       • • ₰• • ₰ • • ₰• •           

"Wizards!" Tawag pansin ni Professor Aredelia Chloe Grim o mas kilala sa pangalang Lady Adelia. She's sitting in the shade of a tree. 

Nakaupo ito sa sarili nitong upuan na gawa sa kahoy at sa gawing kanan naman nito ay may pabilog at maliit itong lamesa na may nakapatong na tsaa. Taas noo itong nakatingin sa aming lahat. Pino at tipid ang bawat galaw ng babae. She's wearing a black shawl with a white flowy dress underneath. Her black short hair with a dark chocolate ombre is dancing in the wind. Malaporselena ang kutis nito at pulang –pula ang labi.

Her almond shape of eyes is beautiful. Everything about her is perfections.

Kilala itong tahimik at laging malalim ang pag-iisip. Malawak ang himahinasyon nito at kung minsan ang maliit na problema ay mas pinapalaki pa nito at ang mga malalaking problema naman ay madali lang nareresolba ni Lady Adelia.

Lade Adelia's beauty is popular here in Eralinde School of Spells. Kasing edad lang nito sina Professor Lath Almos at Latasha Gray. Kabilang din ito sa mga Class A + Wizards.

Lady Adelia's specialization is rare.

She can turn her artwork  into reality. I mean, lahat ng gawa nito ay may buhay.

Unang kita ko pa lamang sa kanya ay noong unang araw ko dito sa ESS. Naaalala ko pa yung mga panahon na lagi akong pumupunta dito sa Windhill tuwing dapit-hapon. Dito ko noon nilalabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dati.

Sa panahon na yun, hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa lahat. Hindi ko pwedeng sirain ang pader na pilit kong pinapatatag dahil ano mang oras ay pwede itong mawasak.

Ilang araw na ang lumipas at laging dito ako sa Windhill nagpapalipas ng oras. I was ten years old that time nang may umupo sa tabi ko.

"Naiyak mo naman ba lahat?" tanong ng isang babae. Lumingin ito sa akin. Nakangiti ito habang inaayos nito ang mahaba nitong buhok na nililipad ng hangin.

Pinagmasdan ko lang siya. She's young by the looked of her face. Marahil isa itong estudyante ng ESS. Nakasuot lang ito ng simpleng shirt at pants. Ang mahaba nitong itim na buhok ay malayang sinasayaw ng hangin. Her almond eyes are the most beautiful thing I've ever seen that time.

Nag-ayos ako ng upo at nagpunas ng luha na laking gulat ko ay umaagos na pala sa aking pisngi. Napamura pa ako sa aking isipan. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.

She chuckles.

"Cute kid." Puna nito.

Ngumuso ako. "I'm not a kid!"

Nanlaki ang mga mata nito at nagpakawala ng nakakaasar na pantawa. "Really huh?"

Hindi ko na lang siya pinansin. Maybe she's a spy. Isa sa mga alagad ng mga Fellmagus. Ngumiti ako ng mapait at hiyaan ko na lang ang babae.

Napansin siguro nito na natahimik ako kaya tumigil na rin ito sa pagtawa. "I'm sorry." Mahina at mababa ang boses nito.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang na pinagmasdan ang Ethereal River. Sa pinakagitnang parte ng Ethereal River ay umiitim ito. Parang napatakan ng isang itim na tinta galing sa langit. Ilang araw ko nang napapansin na umiitim ang Ethereal River.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon