"I'd risk the fall just to know how it feels to fly."
- Anonymous
Music : Fly with me by Jonas Brothers
• • ₰• • ₰ • • ₰• •
AVERY HOPE
Napahikab ako nang makarating kami sa Fiastone Stadium. Nasa bandang dulo ito ng Eralinde's School of Spell, kailangan mo pang maglakad ng ilang kilometro makarating lang sa Fiastone Stadium. It is typically in the shape of an oval. May mga scoring area sa bawat gilid ng stadium. Malawak rin at mataas ang mga tower na nakapalibot sa Fiastone Stadium.
The field of grass was dead, withered and grey.
Tumingala ako at pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan. Medyo makulimkulim ang mga ulap pero hindi parin mawawala ang matingkad na kulay kahel sa buong kapaligiran.
Medyo malakas ang ihip ng hangin kaya hindi maiwasan ang mapuwing ang mga mata ko.
Nasa gitna kami ng oval at hinihintay ang pagdating ni Professor Maxine Krauss.
"Magandang hapon wizards!" bati ni Professor Maxine Krauss. Matulis ang mga tenga nito at makintab ang balat. Galing ito sa angkan ng mga Fairies. Isa si Professor Maxine Krauss sa tagapangasiwa ng Department of Aero Art. May mga kasamahan din itong mga Professor na galing din sa angkan ng mga Fairies.
"Ready to fly again?" masiglang tanong nito sa amin. She's smiling widely as she opened up her own silver glittery wings.
Halos lahat ng mga kaklase ko ay masayang masaya at excited sa sinabi ng Professor.
Napatingin ako sa ibang grupo ng mga wizards. Nagtama ang mga mata namin ni Tyron. He was just standing there while looking at me.
Nag-iwas ako ng tingin nang ngumiti ito sa akin. Napabuntong hininga ako.
I was relieved dahil hindi ko kaklase ngayon sina Tyron at ang Prinsesa.
Hindi kami nakapasok ni Cath sa pinakamagaling na Professor ng Aero Art. Isa rin itong Fairy at nakakatandang kapatid ni Professor Maxine.
Kung masiyahin at palangiti si Professor Maxine, si Professor Maggie naman ang pinakaseryoso. Hindi ito ngumingiti at palaging nakasuot ng makapal na salamin sa mga mata. Nakasuot ito lagi ng turtle neck na hanggang paa ang haba ng tela na itim pa ang kulay.
Lumakas ang ihip ng hangin nang biglang umangat si Professor Maxine. She was flying freely. Nangingintab ang mga pakpak nito. She was indeed a beautiful fairy.
Her fairly bright yellow long sleeved blouse tucked in a high waist faded yellow jeans.
Paikot-ikot itong lumilipad sa ere habang nakatingin sa amin.
"Now class! I want all of you try to fly using your book." masigla parin nitong sabi.
Napasinghap ang lahat. Napatingin ako sa mga kaklase ko.
Kanina sobrang saya nila pero ngayon para silang tinakasan ng dugo. Napailing na lang ako.
Kung sabagay, sino naman ang may katinuan sa pag-iisip para gamitin ang libro as your flying subject. Hindi ko maintindihan kung bakit libro ang gagamitin ngayon.
Last class kasi, tinuruan kami ni Professor Maxine na gamitin ang Flying item namin tulad ng Wizard Brooms but this one is different. Kung ano man ang pinaplano ni Professor Maxine ay tatanggapin ko.

BINABASA MO ANG
The White Sorcery (slow update)
FantasíaDon't let your guard down. Don't show fear. Know your enemies and don't trust easily. Laging pinapaalala ni Avery Hope Syverson Silvermead o mas kilala sa pangalang Avery Hope Nemesis ang kanyang sarili na lumayo sa lahat ng gulo. Those are rules t...