Chapter 20 : Confused

4.6K 220 19
                                    

"I was racing through life, utterly confused and angry. I don't know if I was out of control; it was more like I felt frustrated with myself and everything I saw happening around me."

- Jimmy Nail

• • ₰• • ₰ • • ₰• •

Cath leaned on me and whispered as we watched the mystery man flew with his mysterious giant bird.

"Tingnan mo." Itinuro nito ang nakamaskarang lalake habang lumilipad sa ere. Dozen or more lights in various colors circles around the Mystery man. Sumusunod ang mga ito sa lalake sa kalangitan, as if they're following their master.

Who is he?

Hindi ko siya kilala pero bakit pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala?

No.

Umiling ako. He's mad at me. May mga pagkakataon na nahihimigan ko ang galit sa boses nito, as if he knows me.

Nagkibit-balikat na lang ako at tinapik si Cath sa balikat habang namamangha itong nakatingin sa kalangitan.

"We need to go. I'm starving." I said.

Marahas na huminga si Cath then held my two hands. "Okay. Magteleport na tayo, gutom na rin ako! Namimiss ko na si Albion, my loves!" sabi nito na para bang nababaliw kapag hindi nito nakita si Albion ng isang araw.

I groaned. "Cath, let's go!"

This time, we'll going to use the Teleportation Spell, mas mabilis kung si Cath ang gagawa.

Ngumiti lang ng malapad si Cath as she chanted the spell of Teleportation.

"Teleporta Domiru"

Bago pa man gumana ang spell, napatingin ulit ako sa itaas. The mystery man is gone.

But his scent still lingers on me.

-

The weather tonight is good. Maliwanag ang buwan at banayad ang pag-ihip ng hangin sa buong paligid. The moonlight shimmered beautifully in the night sky. It was enchanting and surprising that the moon appeared tonight. Akala ko matatagalan pero wala talagang makakapigil sa paglabas nito.

Sa tuwing pinagmamasdan ko ang buwan, nagbibigay ito ng kakaibang enerhiya sa akin.

"Excited na ako bukas. I must prepare! I need to buy new gowns and jewelries!" napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Princess Maverick.

Hindi ko mapigilan ang mapalingon sa aking likuran. Naramdam kong siniko ako ni Cath at umingos ito nang makita nitong naglalakad ang Prinsesa sa aming likuran kasama nito sina Flossie Heath at Becky Bright.

Kasabay namin silang naglalakad sa hallway ng dormitoryo. Kagagaling din ng mga ito sa Dining Hall at ngayon ay oras na ng pagtulog.

"I know right!" tili ni Becky Bright.

"I'm sure, mas lalakas na naman ang paggamit mo ng spells." nakatingin ito sa akin at maarteng umirap.

I know, they're talking about the Festival.

Isang beses sa isang taon lang lumalabas ang tinatawag nilang Pure Moon at ito ang pinakamahalagang selebrasyon ng lahat.

This means tomorrow night will be the Pure Moon Festival.

Kapag may kumikinang sa gitnang bahagi ng buwan at kulay asul ang kulay nito, isang palatandaan na isa itong "Pure Moon".

Gathering beneath the light of the Pure Moon also served to allow the moon's light to impart strength or regenerate abilities or powers. Kaya importante sa aming lahat ang dumalo sa nasabing Festival.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon