Chapter 11 : Mask

5.1K 278 13
                                    

"You never know how strong you are until being strong is the only choice you have."

- Anonymous

• ₰• • ₰ • • ₰• •         


ALBION HEARTZEAL

Inangat ko ang aking mukha nang makita ko ang dalawang pares na sapatos na gawa sa balat ng hayop.

Ngumiti ako ng makita ko ang matalik kong kaibigan.

"Oh, Tyron! Ang Prinsesa?" takang tanong ko sa kaibigan habang hinahanap ang Prinsesa.

Nakangisi itong lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Ayon, nakakulong sa kaniyang kwarto." Pigil ang tawa nitong sabi habang palinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

Pailing-iling ako habang nakangiting ginulo ang buhok nito. "Ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Sinunod ko lang naman ang bilin ng Mahal na Reyna na wag na wag siyang hahayaang lumabas at pumunta dito sa Phantom Club." Nakangisi parin nitong sabi.

I shrugged, grinning widely. Hindi talaga ako makapaniwala na uulitin na naman ni Tyron ang mga kalokohan nito sa Prinsesa.

Kung sabagay, ako din naman. Gagawin ko din iyon sa Prinsesa lalo na't masyado itong maingay at possesive.

Si Prinsesa Maverick kasi ang tipo na ang gusto sa buhay ay ang lahat ng mga nakakausap at nakakasalamuha ay napapasunod sa mga gusto nito.

Kami lang naman ni Tyron ang napili ng Hari at Reyna na maging tagabantay sa Prinsesa habang nag-aaral kami dito sa Eralinde's School of Spells.

"Hi boys!" malanding sabi ng bagong dating.

Sabay kaming napalingon ni Tyron sa bagong dating na sina Becky Bright at Flossie Heath. Halos mamula-mula ang mga pisngi nila dahil sa kalasingan.

Napangiwi ako nang makita ko ang kasuutan nila.

Hindi ba sila nilalamig sa suot nila ngayon? Kinakapos na ba sila ngayon ng tela?

Naramdaman kong gumalaw si Tyron sa tabi ko.

Nakapamulsang tumalikod si Tyron at nagpaalam. "Bye girls!" at tuluyan na itong umalis.

Doon ko lang napagtanto na iniwan ako ni Tyron sa dalawang babae na kita halos ang mga dibdib at mga binti nito. Loko yun ah!

Nagbuga ako ng hangin at tumalikod na rin.

Akmang maglalakad na sana ako palayo nang hinawakan ng dalawa ang braso ko.

"And where do you think you're going baby?" malanding tanong ni Becky Bright.

I just glared at her with distaste.

What in the hell am I doing here in this Club, anyway? Makaalis na nga!

"Teleporta Domiru!" I said as I teleported myself back to Tyron.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nasa labas ng Phantom Club.

Kumunot ang noo ko nang makita ko sa di kalayuan na may dalawang Light Hunters na kausap si Tyron.

Hawak-hawak ng dalawang Light Hunters ang braso ng isang babae na nakasuot ng kulay abong kapa.

Base sa hubog ng katawan nito ay masasabi ko talagang isa itong babae kahit pa nakatakip ang buong mukha nito ng isang maskara na gawa sa bakal.

"Bitiwan niyo siya." Narinig kong sambit ni Tyron. Nakapamulsa lamang si Tyron habang tinititigan ang babaeng nasa harapan nito.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon