Chapter 19 : The Mystery Man

4.9K 271 15
                                    

"You're like the wind when I needed air."

- Miss P

  • • ₰• • ₰ • • ₰• •    


"Maari na kayong umalis dito mga wizards." Mabilis at may halong inis ang pagkakasabi ng kasama ng Reyna ng mga Misty Fairies. 

Nakapusod lang ang maitim na buhok ng babaeng Misty Fairy, wearing a dress above the knee. Kulay kayumangi ang mga pakpak na bagay bagay sa kayumangging nitong mga mata.

Tinaasan ko siya nang kilay nang mahuli kong inirapan niya ako.

"Aba! Di porket nandito kami sa lugar ninyo, eh magsusungit ka na!" mataray na pahayag naman ni Cath.

I sighed at ibinaling sa iba ang aking paningin.

Tumingin ako sa kanilang Reyna. She was talking with the other Misty Fairies.

Nakatalikod ito at hindi ko mapigilan ang humanga sa nagliliwanag nitong mga pakpak. She has the brightest wing among the fairies.

A glimpse of her words suddenly appeared on my mind.

Ano ang ibig sabihin ng propesiya?

Kailan pa nagkaroon ng propesiya?

Kailan ma'y walang nagsasabing may propesiyang darating dahil matagal ng patay ang kilalang Ancient Soothsayer ng Eralinde.

Kanino niya ito nalaman?

Napatigil ako nang masilaw ako sa mga paparating na Misty Fairies.

Several of the Misty Fairies flying towards their Queen. Upon approach, they quickly bowed their heads. "Mahal na Reyna, nahuli na po ang mga Lobro!" Imporma ng mga bagong dating.

Humarap ang kanilang reyna sa nagsalita, perhaps one of the Misty Fairy Queen's Captain.

The Misty guards are wearing special armor under their silver tunic, gray pants and black leather boots.

Ang mga pakpak ng Misty Guards ay kulay kayumanggi din katulad ng mataray na babaeng kasama ng Reyna.

"Kung ganun, hayaan niyo muna silang itago at wag na wag ninyong hahayaan na makatakas dahil baka may mamatay na naman. Hindi pa nila gaano kontrolado ang kanilang mga sarili, kaya kakailanganin natin ang dobleng pag-iingat sa pagbabantay." Maawtoridad na pahayag ng kanilang Reyna.

Tumango ang mga kawal at yumuko upang magbigay galang sa kanilang Reyna. "Masusunod po, mahal na reyna!"

Nang umalis ang mga kawal ay lumingon sa amin ni Cath ang Reyna. "Ipagpaumanhin ninyo, kailangan na naming bumalik." Lumipad papalapit ang Reyna.

Ngumiti sa aking ang Reyna at itinaas nito ang kanang kamay. "Kunin mo ang basbas namin bilang paumanhin dahil sa pagkukulang namin sa pagbibigay proteksyon sa mga inosenteng katulad ninyo." Malumanay at mabagal ang pagkakasabi ng reyna.

Napaatras ako. "Para saan naman po ito mahal na reyna?" takang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa reyna. She just smiled and chanted a spell to me and Cath.

Nagsalit ito ng kakaibang lengwahe. Umilaw ang buong katawan nito as she chanted a spell.

Ngumiti ito nang matapos.

"Isang tawag niyo lang sa amin ay makakaasa kayong makakarating kami kapag muli kayong nagbalik dito sa Eternal Woods." Mahinhin nitong sabi.

Lumipad palayo ang Reyna kasama ang mga babaeng Misty Fairies.

"May paparating na susundo sa inyo palabas ng Eternal Woods. Hanggang sa muli!" paalam ng Reyna. 

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon