Chapter 17 : Eternal Woods

3.9K 201 4
                                    


"Once you enter, a pure heart and a wicked heart will reveal."


- From Eternal Woods

• • ₰• • ₰ • • ₰• •  


"Cute!" natutuwang sabi ni Cath habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa isang Kyumi.

Kyumi has a smooth white feather with a long white tail; this is a rare and small special bird. Ginto ang kulay ng mga mata nito at matatalas ang mga kuko.

The small creature bird is actually alluring and dangerous. Galing ito sa Amberstorm. Nabubuhay ito sa malalamig na lugar but in this place, I know that Kyumi can survive here. Isa ito sa mga rare creatures sa pangangalaga ni Professor Elvino.

Everyone of us must find any creatures near the Black Lake at kasalukuyan kaming napadpad ni Cath dito sa Eternal Woods.

It is actually a forbidden forest before pero simula nang maging Hari and ama ni Princess Maverick, muli itong naging bukas sa lahat ng mga estudyante.

But no one dare to go here dahil patuloy parin ang paniniwala ng karamihan na isa itong mapanganib na lugar.

Eternal Woods is located at the back of ESS near the Black Lake o ang tinatawag na Shadow Lake of Loneliness.

It has been said that once you enter into the Eternal Woods at may nabulabog kang nilalang o kinuhang yaman na pagmamay-ari ng Eternal Woods, you might lost or you can never go back to your family.

Ang nagbibigay ng hatol para sa mga pasaway na pumapasok sa Eternal Woods ay ang mga Fairy Woods, which is commonly known as Misty Fairy because they are all born from the mist.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Sad to say, we've been here for almost one hour. Kanina pa kami naliligaw ni Cath but we never touch anything at wala kaming binubulabog.

"Avy!" naiiyak na sambit ni Cath habang pinagmamasdan ang Kyumi sa kanang braso nito. "Can we keep this cute little bird?" parang batang paalam nito.

I rolled my eyes at her. "Cath, what did I tell you? You can't keep anything from Eternal Woods."

Mas lalo pang pinanlakihan ni Cath ang mga mata nito habang nakanguso.

"It's dangerous." Dugtong ko pa at humalukipkip. "And you know the reasons why."

"It's not my fault kung bakit tayo napadpad dito." Kaila nito.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Kung ganun, sino ba ang tumulak sa Prinsesa sa putikan?" taas kilay kong tanong. "Dahilan kung bakit nagalit and Prinsesa at napadpad tayo dito?" makahulugan kong sabi.

Ngumiti ng malapad si Cath marahil ay naalala nito ang nangyari sa Prinsesa kanina at maging ako man ay natatawa din dahil sa nasaksihan.

Ginamit ni Cath ang kakayahan nitong mawala sa paningin ng lahat at nagkataon na naitulak nito ang Prinsesa sa putikan. It might be an accident but knowing the attitude of the Princess, hinding-hindi niya ito papalagpasin, so we ended being trapped here.

"She deserved it anyway. Paharang-harang kasi sa daan. Lalapitan ko lang sana si Albion, my loves eh." Natatawang sambit ni Cath.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Seriously Cath, para lang kay Albion?" hindi ko mapigilan ang matawa. "You're crazy."

Humakbang ako papalayo at naghanap ng madadaanan.

"Wala eh, tinamaan lang. Alam mo naman na loves ko si Albion,my loves."

Napatigil ako at nilingon siya. "No, you don't."

I see the confusion written all over her face. "Yes, I am!" giit nito.

"Are you sure?" I ask.

Tumango ito.

Napatingin ako sa Kyumi na parang naiintidihan ang pinag-uusapan namin. 

Tumalikod ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

"You're just saying you're in love with him because you love the idea of being in love with him for it has always been your dream since we were young." I said while walking.

Wala akong narinig na sagot mula kay Cath kaya lumingon ako. Nakatayo parin ito at hindi gumagalaw na tila ba malalim ang iniisip.

Huminga ako ng mamalim at lumapit sa kaibigan ko. "Cath, don't say you love him when you're not really sure at all." Seryoso kong sabi. Hinawakan ko ang braso nito at tinapik.

Tumingin sa akin si Cath at ngumiti ng mapait. "Maybe..pero iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Parang may spark kapag magkasama kami...nararamdaman kong para akong lumulutang sa ere sa tuwing ngumingiti sa akin si Albion." I can see hope in her emerald eyes.

Right then, hindi ko kayang konpirmahin ang nararamdaman ni Cath dahil maging ako ay hindi ko pa nararanasan ang ganyang klaseng pag-ibig but I know a lot of love stories here in Eralinde, most especially in Woodlands.

"Ikaw Avy, naramdaman mo na ba ang pakiramdam na para kang nililipad sa ere kapag kasama mo siya?" seryosong tanong nito.

Kumunot ang noo ko. "Sinong siya?" nag-isip pa ako ng bahagya at napangiwi ako nang maalala ko ang nakamaskarang lalake sa Alys Town.

I lifted my chin.

"Hindi lang naramdaman, nangyari talagang lumipad kami sa ere. May lakas pa siya ng loob na takutin akong ihuhulog ha!" napasuklay ako ng buhok sa iritasyon. Napatigil ako dahil sa sinabi ko. 

Kumunot ang noo ni Cath. "Sino? Si Tyron?"

Umiling ako. "Isang mayabang na..." Umiling ulit ako. "Ano ba ang pinag-uusapan natin ha? Let's go. It's getting dark here!"

I saw the corner of her lips twitched.

"May hindi ka ba naikukwento sa akin Avy?" makahulugang sabi nito sa akin. Nakangisi ito.

Pinandilatan ko siya at naglakad palayo. "Let's go or ipapaiwan ko ang ibon na 'yan!" pagalit kong sabi.

"You mean, payag ka ng kunin ko ang ibon?" tuwang-tuwang sambit ni Cath.

I groaned in annoyance. "Bilis!"

"Wow! So willing kang maligaw o makulong dito?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Cath.

"Cath." Napahilamos ako at lumingon. "Kanina pa tayo naliligaw dahil kanina mo pa hinahawakan ang ibon na 'yan! Malamang baka nabasa ng mga Misty Fairies ang laman ng iniisip mo na may balak ka nga talagang kunin ito!"

Sumipol si Cath at nakangiting tumingin sa bago nitong alagang ibon na tahimik lang na nakamasid sa amin. "Kyumi, payag na si Avy! Iuuwi kita!" masayang masayang sambit ni Cath sa ibon.

Napailing na lang ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Narinig kong humalakhak si Cath sa likuran ko pero ipinagkibit balikat ko na lang at pinabayaan ko siyang dumaldal na naman ng mag-isa dahil may problema pang dapat isipin.

Paano na kami niyan makakalabas dito sa Eternal Woods?

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon