Chapter 23: The Seer

3.3K 184 5
                                    

"You can't choose their own path. Let them spread their wings. Let them fly alone."

- Miss P

  • • ₰• • ₰ • • ₰• •    


"Nandiyan lang pala kayo!" a deep voice shouted and I was pulled out from my own reverie. Nakaupo parin kami ni Tyron sa malaking sanga ng Kloriko. 

Tumingin kami sa ibaba. "M-master!" nanlaki ang mga mata namin ni Tyron kaya agad kaming bumaba. Hindi naman kami nahirapan dahil makakapal ang mga ugat ng Kloriko na nakapalibot dito.

Nakangiti si Master Vern habang pinagmamasdan kami ni Tyron. "Sila ba ang tinutukoy mo?" tanong nito pero parang hindi naman kami ang tinatanong. Nakatingin ito sa amin pero parang may kausap ito sa harapan.

Nagkatinginan kami ni Tyron. Hindi namin alam kung bukod sa'min ay may iba pang kasama si Master Vern.

Naramdaman kong siniko ako ni Tyron. Halatang nagpipigil ng tawa. Pinandilatan ko siya at tinikom ko ang bibig nito habang may kinakausap na iba si Master Vern.

"Hmm. They'll definitely can do it." rinig kong sambit ni Master Vern habang tumatango-tango. 

"He's talking to a Bigan." I stiffened when Tyron whispered to me. Ang Bigan na tinutukoy nito ay ang mga  kaluluwang hindi makatawid sa mundo ng kamatayan.

Napatingin kami ni Tyron kay Master Vern nang marinig namin itong humahalakhak ng mag-isa.

Pigil ang tawa ni Tyron nang bumaling ulit ito sakin. Kagat ang namumula nitong labi at halos takpan na nito ang bibig.

Umiling ako at pasimpleng inapakan ang paa nito sa kaliwa.

"Aray!" marahas na bulong ni Tyron. I rolled my eyes in annoyance.

"Tumigil ka...para kang bata.." asik ko.

Ngumisi ito. "Bata pa naman ako ah..ikaw lang itong tumanda." akmang babatukan ko na sana ito nang marinig kong tumikhim si Master Vern. Nakangiti ito. 

"It's good to see you both here. May gustong kumausap sa inyo."

Kumunot ang noo ko.
Biglang may malamig na bagay na humaplos sa braso ko. I gasped in shocked. Seriously?

Halos manginig ako sa takot. Isang Bigan. 

"Yesha, you're scaring her." sambit ng matandang wizard.

Isang malamig na hangin ang tumama sa mukha ko.

Napakurap-kurap ako  at hinawakan ang braso ni Tyron. Matalim ko siyang tiningnan nang makita ko itong may mapang-asar na ngiti.

Halos magsitayuan ang balahibo ko nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Then suddenly a tiny sparkles started to scatter everywhere. Unti-unti itong lumalaki hanggang sa  lumitaw ang pigura ng isang babae sa harapan namin.

Nakasuot  ito ng kulay abong damit. Mahaba ang laylayan ng damit nito at kapansin pansin ang suot nitong singsing dahil sa nakakahalumina nitong pagkinang.

Ngumiti sa amin ng malapad ang babae, tantiya ko kaedad ito ni Tiya Ruby. Kulay itim ang hanggang balikat nitong buhok. Ngunit ang mas nakakamangha ay ang mga mata nito. She has a pale purple eyes!

"Muli tayong nagtagpo Avery Hope. Naalala mo pa ba ako?" she asked. I frowned at her. Hindi ko siya kilala. Kung nakita ko na siya dati ay hindi ko maaring makalimutan ang mga mata nito.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon