Chapter 28 : Comprehensive Examination

2.4K 143 11
                                    

 “All grown-ups were once children…but only few of them remember it."

- unknown

• • • • • • • •


"Watch it, bitch!" sigaw ng prinsesa kay Clavel Altabano sabay tulak nito sa dalaga.

"I'm sorry princess.." hinging paumanhin ni Clavel. Pero walang bakas na pagsisisi sa mga mata nito. Her eyes turned cold.

Napadako ang tingin ko sa mga palad nitong nakakuyom. Umirap lang ang Prinsesa sabay hawi nito ng buhok at umalis sa harapan ni Clavel.

I sighed then continue what I'm doing. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pagbagsak ng isang bagay sa malaking lamesa kung saan kami gumagawa ng potion. Tumaas ang kilay ko.

Nakaalis na ang prinsesa pero hindi parin kumikilos si Clavel. Payat ang katawan nito, maiksi ang pulang buhok at kulay asul ang mga mata, tahimik sa klase pero minsan lagi nitong kasama ang grupo ng prinsesa. Umiling ako.

Kailangan lang talaga niyang pakisamahan ang prinsesa dahil sa trabaho. She must take care the needs of the princess. Kaya lahat ng pinapagawa sa kanya ng prinsesa, including the homeworks ay kailangan niyang gawin.

Matagal ko na rin kasing napapansin. Clavel's mom is working at the palace. Doon na rin kasi lumaki si Clavel.

Naghiyawan ang iba ko pang kaklase. Mula sa malalaking table sa gilid ng arena, umalis na ang mga estudyanteng tapos ng gumawa ng potion. Tumakbo ang iba papunta sa gitnang bahagi ng arena para naman sa pisikal na labanan.

Pinahid ko ang pawis sa aking noo. Kailangan muna namin makagawa ng iba't-ibang klase ng potions before doing the physical battle with the other group. 

While we're creating the potion kailangan dapat makakatulong ito sa pagdepensa sa aming sarili. We can create different types of potion except the deadliest potion, of course. Professor Spencer gave us a pouch para paglagyan ng maliliit ng botelya. The more potion we create, the more chance for survival!

We were group by two. I wasn't paying attention while Professor is discussing a while ago. Kaya hindi ko alam ang pinaggagawa ko kanina! Buti na lang sinabihan ako ni Wanda ng mga rules.

Nahati sa benteng estudyante ang dalawang grupo. Hmm, yeah. Kasama ko sa grupo ang prinsesa. The princess is talking animatedly while I'm doing my own potion.

Nakakairita pakinggan ang boses nito. Aminado ako. Yung iba nga mapapansin mo na lang na iniiwasan nila ang Prinsesa, nagkukunwaring abala. At meron naman na pekeng nakikitawa sa Prinsesa kahit wala namang nakakatawa. Mga baliw ba sila? Kung ayaw nila makinig bakit kailangan pang magkunwari? Ah. O baka naman manhid itong Prinsesa at hindi niya alam kung alin sa kanila ang totoong kaibigan?

Ang daming kwento pero wala namang silbi! Makikinig pa siguro ako...kung tungkol ito sa ikakaunlad ng Eralinde, pero hindi! Bloody hell!

I'm done with my potion too pero si Clavel hindi parin kumikilos. Madilim ang mata nitong nakatingin ng deretso sa prinsesa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nitong nakakuyom. "Don't ever think about it."

Marahas itong tumingin sa akin. "Kanina ko pa gustong gawin siyang palaka pero 'di ko magawa dahil may mga Light hunters na nagbabantay sa gilid ng arena." Mahina nitong sabi. Hindi makapaniwalang nakatitig ako sa kanya. What the..

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon