Chapter 26 : Pure Moon Festival

3.4K 191 18
                                    

"Let the heart of your light be with us, Aseria!"

- Ruby Nemesis

• • ₰• • ₰ • • ₰• •

Cath Everrage's Point of View

A group of Light Hunters came, wearing their usual uniforms. May sampong Light Hunters sa kanan at kaliwa na nagmamartsa habang naglalakad sa gitna ang Hari at Reyna. 

I pouted. Maraming tumigil sa kani-kanilang ginagawa. Tumahimik ang lahat nang makita namin na nasa likuran ang Dark Sorcerer na si Raven Veil. Nakasuot ito ng magarang damit with his black cloak. Ang mga mata nito ay seryoso at hindi man lang tinatapunan ng tingin ang buong paligid! 

Maya-maya pay ay nakita kong dumating ang Prinsesa. Umawang ang labi ko nang makita ko ang suot nito. She's wearing a gown, a freaking silver white gown na para bang ikakasal ito! I bet, may suot itong corset para mas lalong makita ang hubog ng katawan nito!  She's smiling sweetly and waving her hands in the air kahit wala namang masyadong nakatingin sa kanya. Pathetic. Nang bumaling ito sa direksyon ni Tyron kasama ang best friend kong maganda na si  Avery ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito.

Ngumiti ako ng malapad.

"Why are you smiling?" halos himatayin ako nang lumapit sa akin si Albion my loves. Hinawi ko ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha. Hindi ko mapigilan ang kiligin! Pero naalala ko pa pala na may kasalan ito.

I tried to hide the smile in my face. "Bakit bawal ba?" I act coldly. Dapat hindi ako masyadong magpapahalata. Aba, baka nakakalimutan nitong lalakeng ito na may kasalanan pa siya sa akin ha! Ilang araw na niya akong iniiwasan.

Kumunot ang noo ni Albion habang tinititigan ako. We both stared for a minute. Wag kang bibigay. Wag kang ngingiti. Tandaan mo, may kasalanan 'yan sa 'yo.

I sighed and turned away. 

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang mapansin kong wala na si Avery sa harapan. Katabi na ngayon ni Tyron ang Prinsesa Maverick na nakatingin lang ng diretso kay Ty. Possesive princess. Bwiset! 

"Nasaan naman kaya nagpunta iyon?" wala sa sariling tanong ko. 

"Sino ang hinahanap mo? Hmm?" napasinghap ako nang maramdaman ko ang hininga ni Albion sa aking tenga. Napako ang mga paa ko sa kinakatayuan ko. 

"S-si A-avery!" nanghihina kong sagot. Ano na! Ano na? Hahalikan mo ba ako? Ano na Albion? Ituloy mo na!  

Lumayo sa akin si Albion. Medyo nadismaya ako sa paglayo nito. Hmmp! "She's there." rinig kong sabi nito habang tinuturo ang direksyon ni Avery. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang may kausap na iba. Medyo seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa. Hindi ko mamukhaan ang kausap nito dahil natatakpan ito ng itim na cloak. 

"Magsisimula na!" napasinghap ang lahat. Tumingin ako sa kalangitan nang mapansin kong unti-unti nang lumilitaw ang kumikinang na kulay asul na nasa gitnang bahagi ng buwan. This is it! Ito na ang Pure Moon!

Natahimik ang paligid at maya-maya pa ay pumikit na rin ang lahat.

Nakita kong pumikit na rin si Albion. Muli kong sinulyapan si Avery, pero wala na naman doon. Hindi ko na lang pinansin at ipinikit na lang ang mga magaganda kong mata. 


Ruby Nemesis Point of View

A flash of light beamed down upon me giving me the power from the Pure Moon. Ito na ang tamang panahon. Naramdaman ko ang enerhiyang bumabalot sa aking katawan. It gives me chill. Parang may humahaplos na bagay sa buong pagkatao ko. I felt like, the energy from the light of the pure moon is starting to immerse. Naramdaman kong lumapit sa akin sina Lady Gale, Kapitan Diego at sa isa pa nitong kasama. Nakatago ang mukha nito. Kilala ko na ito. Napansin kong nagliliwanag ang buong katawan nito dahil sa Pure Moon.  

"Let the heart of your lights be with us, Aseria!"  I said. Seryoso ang mga matang nakatingin sa akin si Aseria. Tumango lang ito.

"Tiya Ruby!" napabaling ang tingin ko sa bagong dating kasabay nang biglang paglaho  sa kawalan ang babaeng nakamaskara.

"Cath!" I exclaimed. Niyakap ko ito. Dalagang-dalaga na talaga ito! Napatingin ako kay Albion at nanliliit ang mga matang tinaasan siya ng kilay. Ngumisi lang si Albion. 

"Tiya Ruby, si Avy po?" tanong ni Cath. I smiled at her sweetly. "Hindi ko alam, akala ko ba kasama mo siya?"

Napakamot naman ng ulo si Cath. "Hindi po eh. Kanina nandito lang siya sa paligid kasama si Tyron...tapos may isa pa siyang kinakausap na iba. Tapos poff! Ayon nawala na naman sa paningin ko." nagtatampong pahayag ng dalaga.

Napatawa na lang kami nina Lady Gale. "Yaan mo at pagsasabihan ko ang best friend mo." umiiling-iling kong sabi. 

"Oh siya, let's go! Tara na't manood sa sayawan at kumain. Baka mapagalitan tayo ng palasyo kapag di tayo nagpakita!" bulong ko sa kanya. 

Tumawa ng malakas si Cath at tumango na lang din. "Tara Albion!" hinawakan ni Cath ang braso ni Albion. 

Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtitig ni Albion kay Cath. Nakangiting umiling na lang ako at nagsimula ng maglakad patungo sa pagdarausan ng kasiyahan para sa Pure Moon Festival dito sa Sunvalley. Hinanap ko saglit sa paligid si Avery.

"Looking for her?" rinig kong tanong ni Gale. Tumawa pa ito. 

I rolled my eyes. "Remember, she's old now Gale." paalala ko.

"Yes. I know..i know.." natatawang sagot naman nito. Napansin kong tahimik lang si Kapitan Diego na nakasunod sa asawa nitong si Gale. 

Naabutan namin na nagkakasiyahan ang iba pagkarating namin sa may pinakagitnang bahagi ng Sacred Himer dito sa Sunvalley. Maya maya pa ay nagpaalam ang dalawang mag-asawa dahil kailangan nilang tingnan ang mga taga-Woodlands. 

"Lady Ruby!" isang matinis na boses ang lumapit sa akin. Napayakap ako sa aking sarili nang makitang si Siri pala ito. 

"Oh Siri! Kumusta ka na?" natatawa kong tanong.

"Eto, multo pa rin!" sagot nito. Sabay kaming nagtawanang dalawa. Pero nabigla ako nang hinawakan nito ang mga kamay ko. Bahagya akong nanlamig. Kung kanina ay tumatawa ito, ngayon naman ay seryoso itong nakatingin sa akin.

"Be careful. Ipaalam mo ito kay Aseria." bulong nito. Biglang sumersyo ang mukha nitong nakatingin sa akin. 

Napatigil ako. "I will." tumango ako sa kanya at ngumiti. Tumawa ito ng malakas at inakbayan ako. "Ang tanda mo na! Kailan ka ba mag-aasawa ha!" pang-iinsulto nito.

Ngumuso ako at umirap sa kanya. "Lahat naman ng nirereto mo, mga multo!" reklamo ko. 

Tumawa na naman ng malakas si Siri. Bwisit! Ipaalala ba naman!

Nakanguso  akong kumuha ng pagkain at nakisali sa mga kakilalang mga taga-Woodlands. Napabaling ang tingin ko  nang may lumapit sa akin. Oh! There she is! 

"Tiya Ruby." nakasimangot na sambit ni Avy  nang makita nitong kasama ko na naman si Siri. 

Nagkatinginan kami ni Siri at sabay na humalakhak. 

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon