Chapter 24 : The Jiri

4.3K 228 20
                                    

"I never had you, therefore I couldn't lose you - so why then does my heart hurt so much."

- unknown -

  • • ₰• • ₰ • • ₰• •    


Mabibigat ang bawat paghinga ko habang nakaluhod ako sa lupa. Nakakuyom ang aking dalawang kamao habang nakayuko ang ulo. Halos mahalikan ko na rin ang lupa. I just need to run away. Away from them.

I wiped away the tears from my eyes. Napalunok ako at huminga ng malalim. Tumayo ako at inayos ang sarili.

I'm here at Mijiro Falls. Nakakamangha pa rin pagmasdan ang buong lugar lalo na ang tunog ng tubig na malayang umaagos, ang malamig na haplos ng hangin at ang kulay kahel at dilaw na naghahalo sa kalangitan. Beautiful.

The trees are creaking , groaning, and moving. Naglakad ako patungo sa mga naglalakihang mga bato.

Pinili ko ang malaking bato na nakasentro paharap sa falls.

Natatakpan ang buong Mijiro Falls ng mga matatayog na puno. Everything here, somehow, it gives me peace.

Kapansin-pansin ang Jiri o ang mga tinatawag na water sprites na nakapalibot sa falls. Kumikislap ng kulay asul ang kanilang mga maliliit na pakpak. Napangiti ako nang may lumapit na Jiri.

Mahahaba ang kulay puti nilang mga pilik mata. Kasing liit ng hintuturo ko ang tangkad nila. Nababalutan ng tubig ang kanilang mga ulo na nagsisilbing buhok.

Maya-maya'y pinapalibutan na nila ako. Paikot. As if they're excited. I can almost hear their small voices. Giggling and laughing. Bata pa lang ako nang makilala ko ang mga ito.

Mababait ang mga ito pero kapag pinagsamantalahan mo ang kabaitan nila, they'll transform into a warrior water sprites.

Dati hindi nagpapakita sa iba ang mga Jiri.
Pero isa kami sa mapalad ni Tyron na naging kaibigan ng mga ito.

Napangiti ako nang may mga Jiri na umupo sa hita ko. Their voices are like bell. The Jiri's scent is like fresh minty air. I'm really glad na nakilala ko sila. Kahit papano ay may handang makinig sa akin sa ganitong sitwasyon tuwing bumibisita ako dito. Napangiti ako nang maalala ko ang unang tagpo namin.

"Psst! Avy! Tingnan mo oh!" We're sixteen years old pero hindi pa rin namin nakakalimutan ang bumisita dito sa Mijiro Falls.

Hindi na namin naisama si Cath dahil pupunta ito ngayon sa Amberstorm kasama ang buong pamilya nito.

Umirap ako nang tinapat ni Tyron sa mukha ko ang isang palaka. "Yung totoo Ty. Yan na ang panakot mo?"

Napatulala ito kapagkuwan ay ngumisi. "Bakit natatakot ka ba sa palaka?"

I rolled me eyes. "Try harder, Ty."

"Harder huh. Hmm." nakangisi itong lumapit ulit sa akin. Halos magtama ang kamay namin na parehas na nakapatong sa inuupuan naming bato.

Napatigil ako nang maamoy ko ang pabango nito. Napahawak ako sa sentido at nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong hinawakan ni Tyron ang kamay ko. His thumb slightly brushing my palm. I stared at his light brown eyes. Mapupungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin. He parted his lips.

Hinihintay ko kung may sasabihin ba ito pero walang lumabas na salita sa kanyang bibig.

Nagsukatan lang kami ng tingin.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon