Chapter 14 : Windhill

4.5K 249 12
                                    


"Promise me you'll always remember: You're braver than you believe, and stronger than you seem, and smarter than you think."

- A.A. Milne

• ₰• • ₰ • • ₰• •         

AVERY HOPE

I pressed my lips together and sat down under a big tree, which leaves were - uhh dead.

Huminga ako ng malalim - trying to forget the the pain, wishing that things were different.

I took out my charcoal and a sketch pad.

Ipinagpatuloy ko ang pagguhit sa buong tanawin. Ilang araw ko na rin itong hindi natatapos pero ngayon kunting guhit na lang at matatapos ko na rin ito.

Ngayon na kasi ang deadline ng activity namin kay Professor Aredelia.

After Aero Art class with Professor Maxine Krauss ang kasunod naman nito ay ang Art and Music with Professor Aredelia Chloe Grim. Minor subject lang naman ang mga ito but still, we need to take this subject.

Well in fact, wala naman problema sa akin iyon dahil mahilig naman talaga ako sa Arts.

Napatingin ako sa mga iba ko pang kaklase. It seems like everyone is busy with their own work. Gumuguhit din sila ng mga bagay na nakikita nila sa paligid.

Nasa mismong Windhill kami. Isa itong burol na nasa likurang bahagi ng Eralinde School of Spells, lagpas ito ng Shadowlake of Loneliness o mas kilala sa pangalang Black Lake.

Malapit sa Black Lake ang Green house - the place is usually the favorite activity area of Professor Elvino during his class of Care of Magical Creatures.

May kaluyaan nga lang ang Windhill and it takes one hour kapag nilakad mo lang ito pero sa ngayon hindi naman problema ang pagpunta dito dahil karaniwan sa lahat ng mga estudyante ay pinapayagan naman gumamit ng teleportation spell during school hours.

The scenery is beautiful. I can't find the right words to explain how beautiful this place is.

Wildflowers grew in patches near the water, malalakas ang hampas ng alon dahil sa lakas ng ihip ng hangin.

Pero habang pinagmamasdan ko ang kapaligiran para akong nasa ibang parte ng mundo kung saan panaginip lang ang lahat. This place is totally in chaos. Ang mga halaman ay patay, ang mga naggagandahang ibon dati na malayang lumilipad sa kalangitan ay bihira mo na lamang makita ngayon, the clouds are dark. Yeah,this is not my world.

Years passed by. Still, no sign of sun.

Kabilang nito ang kawalan ng pag-asa ng mga nakatira sa kaharian ng Eralinde. Pag-asang mabubuhay muli ang Kaharian ng Eralinde.

Pag-asang makawala sa sistema ng kasalukuyang Hari na si King Fellmagus dahil simula nang naging Hari ito ng Eralinde marami na ang nagbago.

Nabura ang mundong pilit kong hinahanap-hanap ngayon.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng hagikihik sa bandang kanan ko.

Nakita ko si Cath na naka de kwatro ito ng upo at hawak-hawak ang sketch pad na bahagyang nakaangat sa ere at pinapakita sa akin ang ginuhit nito.

Umirap ako kay Cath nang mapagtanto kung ako ang ginuguhit niya. Napailing na lang ako at hindi makapaniwala sa ginuhit nito. Noong una hindi ko alam na ako pala ang nais nitong iguhit dahil puro hugis ng bundok lang ang nakikita ko sa kanyang sketch pad.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon