Chapter 25 : The Preparation

3.2K 170 4
                                    

"Let the moon shines the glory of magic in your soul."

- Miss P

  • • ₰• • ₰ • • ₰• •    

Maingay ang buong paligid. Bukod sa ingay ng paghampas ng tubig sa dagat mula sa ibaba, maririnig rin ang maliliit na boses ng mga water sprites sa karagatan. Malalakas rin ang mga tawanan ng mga Wizards, Witches at ang mga iba pang mga dumayo dito sa Sacred Himer na matatagpuan sa Sunvalley.

Bago kami nagpunta dito sa Sunvalley, nagsimula ng umulan ng nyebe sa buong Woodsland at sa karatig bayan. Mukhang lahat masaya sa pagtitipon dahil na naman sa panibagong lakas na makukuha nila ngayong gabi. 

I sighed and tilted my head a little. Walang gana ko silang pinanood lahat. 

Yes. This Festival is really important. It will regenerate our abilities and strength once the Pure Moon appears. Kaya mahalaga ito. 

Napatingin ako sa lugar, it's good to be back here. Dito lang sa Sunvalley ang tamang lugar para sa gaganaping Festival dahil na rin sa sobrang lawak ng mga lupain nila dito. Ilang dekada na rin kasi ang nakalipas at dito na talaga dinaraos ang Festival taon-taon. 

Nakatingin ako sa harapan. Tinatawag na Sacred Himer ang bundok na kinakatuyan namin ngayon dahil sa tuwing lumalabas ang Pure Moon, dito lang sa Sacred Himer makikita ng malapitan ang buwan. 

Magkasunod lang naman ang Alys Town at ang Sunvalley. Ngunit mahaba ang byahe nito kung ang gagamitin mo ang transportasyon sa lupa. Halos mga bundok ang makikita mo dito sa Sunvalley, iilan lang ang mga bahay na nakatayo dito. Kaya halos lahat ay ginagamit ang iba't-ibang pamamaraan ng transportasyon gamit ang mahika upang mapadali ang pagpunta dito.

Ang mga naninirahan dito sa Sunvalley ay halos mga witches. Dito rin matatagpuan ang mga magagaling sa paggawa ng mga iba't -ibang klase ng potions na karaniwang binebenta sa Alys Town - sentro ng komersyo.

Apektado rin ang Sunvalley sa pamamalakad ng kaharian. Ngunit karamihan sa lahat na nakatira dito ay sumusunod sa utos ni Haring Fellmagus lalong lalo na kay Raven Veil. 

Noon una, narinig ko mula kay Tiya Ruby na nagdeklara ng digmaan ang mga taga-Sunvalley sa bagong namumuno ngayon sa lupain ng Eralinde. Halos lahat kasi ng binebenta ng mga witches ay puro gawa sa puting mahika. Ngunit, nakakapagtaka lang na biglang pumanig ang mga ibang witches kay Haring Fellmagus atmeron din naman na biglang nanahimik na lang at hinayaan ang bagong Hari kahit alam nina Kapitan Diego na sapilitan lang ang pagpanig ng mga taga-Sunvalley.

I shivered as the wind blew against me, making my hair dance behind me. Naamoy ko ang mabangong bulaklak ng Zutto  na nakatanim at nakapalibot sa buong Sacred Himer.  

Nakikita kong abala naman ang ibang mga Humiro at ang mga Student Wizard's Council sa gaganaping pagtitipon. Maya-maya rin ay magsisimula na ang pagtitipon.

Pinagpatuloy ko lang ang panonood sa paligid. Meron akong nakikitang mga gumagawa ng spell para sa karagdagang light orbs na nakapalibot sa buong paligid. So enchanting! Hindi ko pa rin talaga mapigilan ang humanga. 

"Siri! Ang bagal bagal mo talagang kumilos! Malapit ng magsimula, 'di ka pa ba tapos diyan?" Hinanap ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses.

Nakita kong nakapameywang si Lady Esa habang nakatingala. Napatingin na rin ako sa itaas. Napangiwi ako sa nakita. Yung 'Siri' na tinutukoy ni Lady Esa ay isang kaluluwa na. Nagbuga ng hangin si Siri at agad na tinapos ang paggawa ng floating lanterns. Palutang-lutang lang ito sa ere.

She's wearing a golden flowy dress. Nakapusod ang tuwid at mahaba nitong puting buhok. Maputla ang kutis pero sobrang pula ng mga labi.

Siri is pretty. Matangos ang ilong at hugis puso ang mukha. Tantiya ko, mas bata ito sa akin siguro ng ilang taon kung pagmamasdan mo sa personal.

But, she's already, like one hundred years old. She was convicted and executed for false accusations. Dito mismo sa Sunvalley. Obviously, Siri is a witch.

But she's known as a friendly ghost. Masayahin at matulungin pa!

Tumatawang lumapit si Siri kay Lady Esa. Malakas ang naging dampi ng malamig na hangin sa mga balat ko nang tumagos ang kaluluwa nito sa bandang kanang balikat ko. Nakita kong umakbay pa ito kay Lady Esa na nakasimangot. Halos pulang-pula ang mukha ni Lady Esa dahil sa inis. I can almost clearly see her wrinkles. 

Napadako ang tingin ko sa  papalapit sa akin. Napatigil ako at nahigit ko ang hininga nang magtama ang mga mata namin ni Tyron kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ate Avy!!" masayang lumapit sa akin si Ica. Hawak-hawak ni Tyron ang bata. "Ang ganda ganda niyo talaga ate!!" puri nito. Natawa naman ako sa sinabi ng bata kaya kinurot ko ang pisngi nito. Natawa ako sa reaksyon ng bata. She pouted her lips at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. 

I'm just wearing a simple plain dress. There's nothing special sa ayos ko. Nalugay lang ang buhok ko at iyon lang. 

Nakatitig lang ako sa bata. She seems happy. Napakuyom ako ng kamao ng may maalala. It was confirmed by Ica that she's really a Seer. She started seeing things na nangyayari sa hinaharap. Kinukwento lang ni Ica ang mga nakikita niya sa panaginip at napapansin ng mga magulang nito na nangyayari nga sa hinaharap hanggang sina Kapitan na ang nakadiskubre sa kakayahan ng bata.

Sa tuwing nagkukwento si Ica sa akin -  I can see the blissful in her face while telling me all her first magical experiences of becoming a Seer.

I exhaled deeply. "Hinahanap ka na nina mama mo."  I smiled at her and patted her head. Ramdam ko rin na nakatingin sa akin si Tyron sa tabi. I don't know. 

It's really weird and awkward. 

I bit my lip when I suddenly remember what he said to me in Mijiro Falls.

Saglit lang si Ica, hinahanap na rin kasi ito ng mga magulang niya pero hindi sumama si Tyron. Sumulyap ako sa tabi. Nakatingin lang si Tyron sa dalampasigan.The reflection of the moon casts a light across his face. Kitang-kita ko ang matangos nitong ilong at mapupula nitong labi. Seryoso at tila malalim ang iniisip. 

Iniangat ko rin  ang ulo at pinagmasdan ang mga talang nakapalibot sa buwan. The Pure Moon will be here at any moment but why suddenly I felt hollow and numb?

Nanlamig ako. What's wrong with me? 

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon