Chapter 27 : Ferio Sprites

2.9K 153 18
                                    

• • • • • • • •

"Have you heard it? Sumabog daw ang Hellius Potion Shop sa Alys Town."

"Oh? Na naman?"

Ibinalik ko ang mga librong ginamit ng mga estudyante. I let out a sigh. Alam nilang manghiram ng libro pero hindi naman isinasauli. Samantalang may oras naman silang magkwentuhan ng kung anu-ano. Umirap ako nang makita ko ang apat na batang babaeng estudyante na nakaupo sa sahig. Nasa gilid sila at medyo madilim na parte ng silid-aklatan. First year students huh.

"May mga sabi-sabi na nakamaskara daw ng itim na bakal ang ang may gawa nun."

"Eh? Nakakatakot naman!"

"Oo nga eh! Nagsimula lang naman iyon pagkatapos ng Pure Moon Festival!"

"Sino naman ang pwedeng gumawa nun?  I mean, ano ang mapapala nila kung sunugin man nila ang buong bayan?"

Binatukan ng isang babae ang kasama nito. "Sira! Kahit wala man silang mapapala, marami rin naman ang mawawalan ng pangkabuhayan at tirahan sa buong bayan kung patuloy pa rin na may mga rebelde sa buong Eralinde!"

Patuloy pa rin silang nagbubulongan kahit naririnig ko naman. Pailing-iling ako habang inaayos ang mga librong nagkalat sa estante. Hindi parin nila napapansin na may nakakarinig sa kanila. Napatingin ako sa huling librong hawak ko. Medyo makapal ang librong ito, binuklat ko at naamoy ko agad ang kalumaan nito. Bahagyang nagulat ako dahil nakasulat ang libro sa letrang Alliba

Magkasalubong ang aking kilay habang binubuklat ang libro. Alliba is an ancient Eralinde script. I flip the pages, halos nakasulat lahat ito sa Alliba. Sulat kamay ang lahat, pero ang nakakapagtaka bakit nandito ang librong ito? At sino ang huling gumamit nito? Imposibleng papahintulotan ni Madame Ghianne ang mga ganitong klaseng libro sa mga estudyante ng E.S.S. This is actually forbidden.

Napatigil ako nang makita kong may nakaguhit na maskara sa huling pahina. It's a black steel mask! Napaawang ang aking labi.

"I heard...mga rebelde sila galing Woodlands!"

I pursed my lips. Nakarinig ng kalabog ang apat na estudyante kaya napatingin sila sa aking direksyon. "If you don't have anything to do in this library aside of gossiping, better get out of here. Hindi ito palengke." malamig at madiin ang bawat salitang binitawan ko.

Napaawang ang labi ng apat na babae. Yumuko ang apat at mabilis na tumayo. "W-Were sorry, Miss Nemesis!"

Bumuntong hininga ako. "Focus on you studies." sabi ko at umalis sa kanilang harapan.

"Ikaw kasi, hindi mo ba alam na taga-Woodlands si Miss Nemesis?"

"Nakalimutan ko, hindi naman magagawa ni Miss Nemesis iyon. She's one of the top student in all lands of Eralinde. At tsaka, bantay sarado ang mga taga-Woodlands sa mga Light hunters. Gosh!"

"Tama. Mostly, lahat ng nakatira sa Woodlands ay hindi sang-ayon sa paggamit ng itim na mahika. Pinapanindigan parin nila ang kanilang prinsipyo...buti na lang kahit papaano, hindi marahas ang pamamalakad ng palasyo, lahat pantay-pantay ang trato..kaya hindi tinatanggal ng karapatan ang iba na mag-aral at magtrabaho ang mga taga-Woodlands." I couldn't help flinching in every single words they say.

"Sira, malamang tatanggapin parin kasi kita mo halos lahat ng magagaling na potion makers, healers at mga matatalinong estudyante ay galing sa Woodlands. My mom said....sila ay ang mga nakakakilala sa dating royal family. Kaya kung ako ang Hari, malamang tatanggapin ko parin sila kasi mas pabor iyon sa palasyo ko. Babantayan ko na lang sila para hindi sila magrebelde.." Humagikhik ang batang babae na nakasuot ng itim na damit. A small smile played on my lips.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon