Chapter 18 : Misty Fairies

3.8K 263 14
                                    

"You are under my protection if you have a pure heart."

- Misty Fairy, From Eternal Woods

• • ₰• • ₰ • • ₰• •  

"Avy! Malayo pa?" rinig kung reklamong tanong ni Cath sa likuran ko.

Napahilot ako ng sentido. Kanina pa kaming naglalakad sa walang katapusang daanan palabas.

Malamang kanina pa kami hinahanap ni Professor Elvino.

We're lost and it's already dark. Natatakpan ng mga naglalakihang mga puno ang liwanag na nagmumula sa buwan.

Napatingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Ngayon lang naging klaro ang kalangitan. Walang mga ulap na tumatakip sa mga naggagandahang mga bituin.

Somehow, I felt relieved. The weather is good tonight.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Cath.

Ang tanging naririnig lang sa buong paligid ay ang mga yabag ng mga paa namin at ang mga kakatwang huni ng mga nilalang.

Iilan lang ang mga Kloriko Trees dito sa Eternal Woods kahit papaano ay nagiging maliwanag ang daanan namin dahil sa mga light orbs ng Kloriko Trees.

"Kung gumagana lang ang spell dito..malamang, nakauwi na tayo!" Cath said.

Tama. Kapag nakapasok ka na dito sa Eternal Woods, mawawalan ng bisa ang kakayahan mong gumamit ng Spells kaya mahirap ang makalabas ng buhay dito.

Napatigil kami sa paglalakad nang makarinig kami ng kaluskos. Iginala ko ang buong paningin ko. Naramdaman kong kumapit sa akin si Cath at hinawakan nito ang braso ko.

"A-ano y-yun?" nanginginig sa takot si Cath.

I suddenly felt something weird.

Someone is watching us.

"Wag kang bibitaw." Bulong ko nang makita ko ang mga pulang mga mata sa madilim na lugar sa likod ng mga Kloriko Trees.

Halos manlamig ang buong katawan ko nang unti-unting lumilitaw ang mga mababangis na nilalang.

Mga Lobro.

The creature has the same heights of the Humiro. Lobro is the opposite of Humiro.

Naging mabangis lang ang isang Humiro kapag nahahaluhan ang kanilang dugo ng ibang nilalang kaya tinatawag itong Lobro.

Lobro is one of the most dangerous creatures in all Lands of Eralinde. They have a long tail, kulay abo ang kulay ng mga balahibo at nagiging matalas ang ngipin at kuko. Mabibilis tumakbo ang mga Lobro katulad ng isang Humiro.

Hanggang tuhod ko lang ang mga Lobrong nasa harapan naming ngayon pero kahit gaano man sila kaliit ay mababangis parin ang mga ito.

They can kill you instantly gamit ng kanilang matutulis na ngipin o kuko.

"Mga wizards!" mababa at malalim na tono ng boses ng isang Lobro.

"May naligaw ulit na mga wizards!" natatawang sambit ng isa pang Lobro. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Avy! Lumalapit na sila!!" histerikal na sambit ni Cath sa aking tabi.

"Relax!" I hissed.

Damn! If only the spell can works here.

"Kapag sinabi kung takbo. Takbo." Makahulugan kong sambit.

Tumango si Cath.

"Wag niyo ng gawin ang binabalak ninyo, dahil mapapagod lang kayo!" natatawang sabi pa ng isang Lobro.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon