CHAPTER 2

135 3 0
                                    

Nagpatuloy lang ang laro at nagkaroon ng pustahan. Tatlong babae ,tatlong lalaki para fair. Nagkakantsawan lang kami kung sino ang maka-score. Nasa kabilang grupo si babaeng Alien na kalaban namin.

Napahiyaw ang mga kasama ko ng magspike si babaeng Alien. Ni hindi ko nablock.

"Astig talaga ng alien mo pre" pang aasar nanaman nitong si Eric.

"Pwee. I set mo ako din ang papalo" ngumisi ako.

Pagkaserve ng bola agad nitong sinalo at tulad nga ng napag-usapan ako ng bahala.

Humanda ka babaeng alien. Bulong ko sa sarili ko saka tumalon para sipain ng pagkalakas lakas. Sigurado nmang masasalo niya iyon para san pa't naging team captain siya.

Pero laking gulat ko ng hindi niya ito natamaan at sa ulo niya ito tumama. Tumakbo agad ako papunta sa kanya ng tumilapon siya.

"Arya!" Sigaw ko. Shit. Shit..

Naunang lumapit ng mga kasama niya pero hinawi ko sila. Nawalan siya ng malay. Agad ko siyang binuhat at di ko alam kung saan ko siya dadalhin. Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo patungo sa sasakyan ko.

"Mat!" Narinig ko pang sigaw ni Eric ngunit hindi na ako nag-abala pang lumingon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sobrang takot ang bumabalot ngayon sakin.

Hindi ko alam kung pano ko nabuksan ang pintuan ng kotse ko. Basta alam ko lang ngayon nagmamaneho ako. Nilingon ko siya.

"Arya..." natataranta kong sabi habang niyuyugyog ang pisnge niya.

Hindi ko talaga alam kung saan ko siya dadalhin.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho at napag-isipan kong sa bahay nalang siya dalhin.

Natampal ko ang noo ko. Bakit ba kasi naisipan ko pang paluin ng ganong kalakas ang bola? Urgh!

Bumusina ako para magbukas ang gate . Sigurado akong wala pa sila Mommy dahil maaga pa naman.

"Nako , hijo anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Manang Lourdes nang ilabas ko si Arya sa sasakyan ko.

"Nagkaroon lang po ng aksidente habang naglalaro Nay" sagot ko nalang saka pinasok siya sa bahay papunta sa kwarto ko.

"Hala, ilapag mo nalang siya Hijo at kukuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig para jan sa kasintahan mo" hindi ko na pinansin ang "kasintahan" na binanggit nito at tumango nalang ako.

Naupo lang ako sa tabi niya at pinagmasdan ko siya. Wala pa din siyang malay. Sadyang lakas talaga ng pagkakapalo ko doon. Hindi ko naman akalaing hindi niya masasalo at tatama sa ulo niya. Isa siya sa mga babaeng atleta na nakakitaan ko ng galing sa paglalaro ng volleyball.

Pero bakit ko siya dinala dito? Tanong ko sa sarili ko.

Pinagmasdan ko lang siya habang wala pa din siyang malay. Tinabing ko ang mga hibla ng buhok niya na nasa mukha niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang amo ng mukha niya pag tulog. Ngayon ko lamang siya natitigan ng malapitan. Mahahaba pala ang mga pilik mata nito. May katangosan din ang ilong at ang mga labi nito ay manipis lamang at natural na mapula.

Ilang taon ko na nga ba siyang kilala? Tanong ko sa sarili ko. Dahil kahit minsan hindi ko siya nalapitan ng ganito kalapit dahil sa tuwing magkikita kami ay puro bulyawan lang ang nagaganap.

Hinaplos ko ang pisnge niya. Sadyang makinis talaga ang balat nito na para bang nahiya ang mga tigyawat na tumubo sa mukha nito.

"Hijo , ako na muna ang maglilinis sakanya. Hala lumabas ka muna" agad kong binawi ang kamay kong humaplos sa pisnge niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. bakit? Para bang nahuli ako na may ginagawang masama.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumabas ng silid ko.

Ang amo ng mukha niya. Bulong ko sa sarili ko. Pero agad akong napailing.

Maamo ang mukha niya kapag tulog parang siyang maamong tupa. Pero pag gising at makabulyaw parang kakainin ka ng buo.

Ibang klaseng babae. Sabi ko aa sarili ko habang natatawang umiiling pababa ng hagdan.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon