CHAPTER 25

90 2 0
                                    

Arya's POV

"Hey. Ahm.. Gusto mo bang...ahm.. Sumama sa Lab?" Pa-cool na tanong ng lalaking nasa harap ko kahit halata namang nauutal.

"Problema mo para kang sira" natatawa kong sabi.

"I'm just asking you kung gusto mong sumama sa Lab.?" Tanong niya ulit.

"Ayoko. Pupunta dn ako ng presinto" pasimple kong sabi sakanya sinusubukan ko kung magagalit ba.

"No!" Matigas niyang sabi.

"I mean. No! Hindi ka pupunta ng Presinto." Dagdag niya.

Tsk. Problema na ng lalaking to.?

"And why is that ,mister?" Tanong ko sakanya saka tumayo.

"Basta hindi ka pupunta. Youre going with me. Got it?" Sabi niya saka sinara ang pinto pagkalabas niya.

What the----

"And ilipat mo ang mga gamit mo sa kwarto. Youre no guest" balik niya saka sinara ulit ang pinto.

I sighed. He's been acting so weird simula kaninang umaga dahil sa nangyari. Omo! Urgh. Erase . Erase!

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko.

Those kisses we shared earlier was so damn hot. Shit! No! Erase it.

"Ano ba naman Arya. Wag umasa sabi eh" I slap my face lightly as if I am dreaming.

I shouldn't assume that what happened to us earlier is because he loves me. It was just a plain kiss.

"Pero make out yon" nagpapadyak kong sabi . Para akong tanga dito . Urgh!

"Pero bakit niya ginawa yun? And why I responded?" Para akong tanga na nagtatanong sa sarili ko. As if someone would answer me.

"Nakakaasar naman eh! Arya. Wake up!" Kinurot-kurot ko ang sarili ko.

Fudged!! I can still feel his lips against mine. Ang lambot parang jelly ace.What the hell?! Para akong teenager na ngayon lang nahalikan.

"Ay jelly ace!!" Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Anong jelly ace?" Nagtatakang tanong niya. Sino pa nga ba?

"Don't you dare try going to that place. Sinasabi ko sayo papasabogin ko ang presinto niyo" banta niya na siyang kinatawa ko.

"Anong tinatawa mo jan?" Naiinis na tanong niya.

"Para kang tanga!" Natatawa ko paring sabi.

"Tumigil ka nga basta di ka pupunta doon!" Parang batang sabi niya at nakanguso pa.

"Fine! Fine! Umalis ka na" sabi ko nalang.

Pasalamat ka malambot labi mo. Sabi ko sa isip ko.

"Hindi ako aalis" sabi niya saka naupo sa tabi ko.

"Ano? Di ba pupunta kang Lab.? Tanong ko.

"Hindi na. Samahan mo nalang ako maggrocery" parang bata niyang sabi.

"Bakit wala na ba tayong stock?" Tanong ko.

"May gusto lang akong bilhin" sagot niya.

"Oh di ikaw nalang" sabi ko saka humiga sa kama.

"Samahan mo nga kasi ako!" Hila niya sa laylayan ng damit ko na parang bata.

"Ano ba? Mag isa mo na nga. Ayokong lumabas kung lalabas man ako pupunta akong presinto" sabi ko sakanya tsaka hinila ang damit ko para hindi niya mahila.

Pambihira! Anong nangyayari sa lalaking to?

"Fine! Dadaan tayo sa presinto" sabi niya at pinagkrus pa ang braso sa dibdib niya.

"Talaga?!" Excited ko namang tanong.

"Tsk." Sagot niya lang saka tumayo na.

"Maligo kana dapat within 10 minutes tapos kana baka magbago pa isip ko" sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Agad-agad naman akong pumasok sa Bathroom at excited na naligo. Sa wakas makikita ko na din ang opisina ko. Halos isang buwan din akong wala.

*********

"Welcome back cheif!!!" Sabay sabay na bati ng mga kasamahan kong pulis.

Ngumiti lang naman ako sa kanila.

"Totoo palang kinasal na si Cheif noh? At yong sikat pang Chemist"  narinig kong sabi ng isang kasamahan kong pulis.

Napatikhim naman ang lalaking sumusunod lang sakin. Papansin.

" ahm. Nga pala.. Si Matheo...ehem...my husband" pagpapakilala ko sa katabi kong todo ngisi naman ngayon. Binati naman ng mga kasamahan ko kaya mas lalo niyang ikinangisi.

"Parang tanga!" Bulong ko.
"Anong sabi mo?" Hinapit niya ako papalapit sakanya.

"Wala sabi ko. Alis na tayo" sabi ko nalang.

"Ahm. Anyways, baka hindi na ako bumalik..ipapasa ko nalang ang resignation letter ko and Lucas could turn over my position" anunsyo ko sa mga kasamahan ko.

Nagtinginan naman silang lahat at hindi umimik.

"Satisfied?" Sarcastic kong tanong sa kasama ko. Paglabas namin ng presinto.

Ngumisi naman siya na parang panalo.

"Not yet" He said and give a peck on my lips na kinagulat ko.

Ang weird talaga ng lalaking to.

Wag mo naman akong paasahin  Mat oh. Sabi ko pero sa isip ko lang.

Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nakafocus siya sa daan. Pilitin ko mang hindi umasa  pero sabi ng puso ko.

Sana tayong dalawa nalang.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon