CHAPTER 5

101 1 0
                                    

Uncomfortable

Lumipas ang isang linggo na hindi kami nagkikibuan. Hindi ko alam , di ko siya magawang lapitan. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko sakanya noong isang linggo. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang hahalikan sa noo ang isang allien di ba?

"Uy Caballero as usual partner tayo. Tsk" and speaking heto na siya.

"Ahh sige" sabi ko nalang.

"Ano pa nga ba?" Sabi niya sa tonong lagi niyang gamit pag kausap ako. Pag hindi pabulyaw ,naiirita.

Dapat pala ata mabagok nanaman ang ulo niya para maging kalmado siya ulit sa pagsasalita eh.

"Tinutunganga mo jan? Tss. Ito isearch mo tapos alamin mo kung bakit nagleak yung nuclear power plant tas ako na gagawa ng explaination dali" sabi niya saka sininyasan ako na umalis na.

"Eh ikaw nalang kaya para malaman mo i-explain mo" suggestion ko lang naman.

"Eh ikaw nga di ba? Arte nito. Amin na nga ako nalang gagawa tapos ilalagay ko na hindi ka tumulong" she smirks. What the!

"Oo na. Oo na" sabi ko nalang tsaka kinuha ang papepl na hawak niya.

"Pupunta din naman pala eh" bulong niya.

Tss. Di ko talaga maintindihan ang babaeng yun. Parang okay naman na kami noong nakaraang linggo ah. Hayy.

"Hi Mat" si Brenda.

Ngumiti lang ako. Niligawan ko siya dati noong second year palang kami pero nireject niya ako at ngayon siya na ang nagpapapansin sakin. Palibhasa puro paganda at pasikat lang ang alam.

Pagkatapos kong nasearch yung pinapagawa ni Allien bumalik na ko at naabutan ko siyang may kausap. Si Glenn.

"Arya, pwede ba wag ka ng magpakipot. Tanga lang ang babaeng tatanggi sakin" pagmamayabang ni Glenn.

Tumayo lang ako di kalayuan sa kanila gusto kong makita ang mapapala ni Glenn sa Allien na 'to. Napangisi ako.

"Tsk" yan lang ang reaksyon niya na parang walang pakialam sa sinasabi ng lalaki.

"Pwede ba kausapin mo ko" hinawakan ni Glenn ang balikat ni Arya.

At parang natigilan si Arya.

"Ano? Papayagan mo ba 'ko o hindi?" Tanong ni Glenn.

Napataas ang isang kilay ko. Ang hangin din ng isang 'to eh.

Tumingin si Arya sa lalaki at ngumiti. What the!! Bibigay siya sa mahangin na yan.? Tumayo ito at hinawakan ang kamay ni Glenn at kitang kita ko ang pag-ngisi nito.

Pero tulad ng aking inaasahan. Hinahalikan na ni Glenn ngayon ang sahig. Napasinghap ang mga estudyanteng nakakakita dito.

"Una, mukha ba akong tanga para pumatol sayo? Pangalawa, hindi ko sasayangin ang oras ko sayo pero sinagad mo ang pasensiya ko. Sa susunod piliin mo ang babaeng lalapitan mo. Dahil sa susunod na hawakan mo ako hindi lang yan ang aabotin mo. At isa pa pala para kang balloon puro hangin lang ang laman" madiin niyang sabi at saka naglakad na paalis sa study shed. Sinundan ko naman ito at napasipol ako ng madaanan ko si Glenn na hinihimas ang likod.

Ang tindi talaga ni Allien. Di naman maganda eh.

Naabotan ko si Arya na nakaupo lang sa may garden. Sinundan ko siya para ibigay yung nasearch ko. Nagbabasa ito.

"Allien-- ayy isteArya ito na yung nasearch ko" sabay abot sakanya ng papel.

Inabot naman niya ito at binasa.

"I-drawing mo yung nuclear power plant before and after tapos i-label mo yung mga parts niya" sabi niya. Tumago lng naman ako.

Humarap ako sakanya. Kaya bale magkaharap kaming gumagawa ng activity namin. Ako nagdra-drawing . Siya nagsusulat.

Napapasulyap ako sakanya dahil parang hindi siya mapakali. Pero binalewala ko lang yun.

Lumipas pa ang ilang minuto at bumuntong hininga siya.

"Ahmm. Mat, pwede bang--wag ka jan sa--harap ko?" Nauutal niyang sabi na parang naiilang.

"Huh?" nalilito kong tanong.

"Sabi ko wag ka jan sa harap ko. ang uncomfortable tignan!" Pabulyaw niyang sabi.

Napanganga nalang ako. Bakit?

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon