CHAPTER 20

93 5 0
                                    

Arya's POV

Nagulat ako nang tumawag si Philip habang nag-aayos ako ng mga damit sa closet.

"Chief . Nakita na namin ang grupo ng pinapasundan niyong druglord. At mukhang tama po kayo na kasangkot nga si Senator sa pagtutulak ng droga" si Philip sa kabilang linya.

"What?!" Gulat kong sabi dahil hindi ko pinahandle sa kanila ang kasong iyon kahit na wala ako dahil delikado.

"Chief, sinusundan namin sila at mukhang patungo ito sa hide-out nila. Nakabukas na po ang GPS namin para matrace niyo ang location nmin"

"Okay. I'm coming. Wag niyong hayaang makawala sila sa paningin niyo" sabi ko at timakbo na palabas ng kwarto.

Nadaanan kong nakatayo si Mat sa may pinto.

"Hey!" Sigaw nito.

Pero nagmamadali akong bumababa ng hagdan.

"I'll be back as soon as I can!" sigaw ko.

At nagmamadali ng lumabas ng bahay at natampal ko ang noo ko wala pala dito ang sasakyan ko. Kaya bumalik ako sa loob ng bahay.

"Pahiram ako ng motor mo. Thank you!" Sigaw ko kay Mat at lumabas na ulit.

Pinaandar ko na ang motor at inopen ang GPS para matrace ang location nila Philip.

Tumawag na rin ako ng back up kung sakaling magkaipitan.

Hindi naman kalayuan ang location nila Philip kaya agad akong nakapunta sa kanila.

Ngunit ang pinagtataka ko nang malapit na ako namataan ko ang sasakyan nila Philip pero gumagalaw parin ang Tracker.

Shit. Sinasabi ko na nga ba eh. Napatampal ako sa noo ko at tinawagan ang opisina para sa back up.

"Bring as many as you can Perez. Nasa panganib ang buhay nila Philip and do even call PDEA" Bilin ko kay Perez.

Pinanuod ko lang muna ang GPS at gumagalaw parin ito. At ilang minuto lang tumigil na ito. Sa tingin ko'y nasa hide out na ang mga ito.

Ayokong ipahalata pero kanina ko pa napapansin na may sumusunod sakin.

Malaking drug syndecate ang binabangga ko kaya alam kong masyadong delikado ito.

Pinaharurot ko na ang motor ko papunta sa hinala ko'y hide out ng mga drug dealers.

I stop more than 50 meters away and find the parameter para siguraduhing hindi ako makikita.

Namataan ko din na tumigil sa di kalayuan ang sumusunod sakin.

Tumakbo na ako papunta sa likod ng hide out nila. Naalala ko ang lugar na ito at hindi nga ako nagkamali na ito nga ang hide out nila.

"Trace my GPS . You need to be here within 20 mins." I texted Perez.

Copy Chief. Reply nito.

Dahan dahan akong pumasok sa malaking gate na mejo nakaawang. Manipis lang ang katawan ko kaya agad akong nakapasok ito.

At pagkapasok ko tumambad na sakin ang ilang truck ng hinihinala kong shabu.

Nagtago ako malapit sa isang drum.

Hinanap ko kung saan pwedeng itago sila Philip. Nakita kong may dalawang lalaki na nagbabantay sa steeldoor.

Tumakbo ako papunta sa likod ng dalawang lalaki.

I grab their neck and press it to the part where they can lose their conciousness instantly and grab their gun.

And holy fuck. Biglang tumunog ang alarm.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon