CHAPTER 3

127 2 0
                                    

Calm

"Nako hija pagpasensiyahan mo na at yan na ang sinuot ko sa'yo" rinig kong sabi ni Nay lourdes pagkapasok ko ng kwarto ko.

"Ilang oras na po ako dito?" Magalang na tanong ng alien.

"Magdadalawang oras na hija. Iyon ngang alaga ko kanina pa nababahala" sagot naman ni Nay Lourdes.

Tumikhim ako para maramdaman nila ng presensiya ko at hindi naman ako nabigo.

"Ay sige maiwan ko muna kayo at maghahanda pa ako ng hapunan. Ikaw na ang bahala sa kasintahan mo Matheo" tumayo na si Nay Lourdes at lumabas ng silid. Tumango na lamang ako bilang tugon.

Lumapit ako sa kama at umupo sa paanan nito.

"Does your head still hurts?" Tanong ko sakanya.

"Mejo nalang" mahinahon naman niyang sagot sa unang pagkakataon. Bahagyang napangiti ako.

"Take this. Para tuluyan ng mawala ang sakit ng ulo mo" inabot ko sakanya ang isang pain reliever at tubig.

"Thanks" she uttered.

Pwede naman pala kami maging ganito kahinahon mag-usap eh. Napatingin ako sa suot niyang damit. Suot niya ang puting t-shirt ko at hanggang hita niya ito. Hindi ko namalayang napangiti ako.

"Sorry pala. A-ako ang may ka--kasalanan kung bakit ka nawalan ng malay" hingi ko ng paumanhin dahil totoo naman yun.

"It's okay. Part yun ng laro" ngumiti ito ng bahagya. At lumabas ang dimples nito. May dimples pala siya. Sabi ko sa sarili ko.

Ang dami ko pa palang hindi nakikita sakanya. Akala ko'y kilalang kilala ko na siya dahil sa bangayan namin simula pa noong mga bata kami.

"Thanks by the way. For..for taking care of me" parang nahihiya niya pang sabi at yumuko pa ito.

"Wala yun. Kasalanan ko naman kasi. Anyway, can you just call your parents dito ka nalang magdinner" aya ko sakanya.

"They're not here. And besides wag na. Nakakahiya naman. Inalagaan mo na nga ako ta--" she protest.

"I insist" sabi ko . Tsaka tumingin sakanya.

Shit.  Sabi ko sa sarili ko at agad nag-iwas ng tingin. Sa buong duration na magkausap kami ko siya tinitiganan. Hindi ko maintindihan pero parang hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Parang kapag tumingin ako sa mga mata nito ay mababasa niya ang iniisip ko at mahuhulog ako dito. Those eyes are so powerful.

"YUng bag ko pala?" Tanong niya.

Tinampal ko ang noo ko. Nakalimutan ko pala dahil sa pagmamadali kanina.

"Ah-- eh ..nakalimutan ko kasi" sabay kamot ko sa batok.

Tumango lang ito.

"Pwedeng pahiram ng phone?" Sabi niya at agad kong kinapa ang phone ko.

"Here" sabi ko sabay abot ng phone.

Nagdial lamang siya ng number at hindi nagtagal may sumagot na rin dito.

"Hello Lei, this is Arya" panimula niya.

Pinagmamasdan ko lamang siya habang may kausap at mukhang hindi siya makasingit sa kausap nito.

"Tss. Calm down. Tumawag lang ako. Kunin mo yung bag ko at pakihatid sa bahay" iritang sabi niya.

"Yeah...Oo nga.. I'm fine..tss" lumingon siya sakin.

"Kasama ko siya" nag-iwas ako ng tingin.

Mejo nilayo niya ang phone sa tainga niya at maski ako naririnig ko ang tili ng babae sa kabilang linya.

"Bwesit.. will you please shut up Lei? Ang ingay mo" beastmood na siya.

"Fine. Fine. K bye!" She ended the call.

Inabot niya sa akin ang phone and she uttered her thanks.

Inalalayan ko na lamang siya pababa sa dinning area para kumain. Merun na rin sila Mommy and sinabi ko rin ang totoong nangyari dahil there's no point of lying.

"NAKO hijah. Magpahinga ka ng maayos hindi mabuti ang natatamaan ang ulo. Pagpasensiyahan mo na ang anak namin" Mom said while smiling from ear to ear at hawak pa ang kamay ni Arya.

"Ayos lang po. It's all about sports" sagot naman nito.

"I love sporty girls hija. I think magkakasundo tayo. You know , you can visit me here and have our bonding like you know mother-and-daughter-bonding" nangingising sabi ni Mommy at kumindat pa.

I don't like the idea of her visiting here.

"Subukan ko po tita" magalang naman na sagot ni Arya.

Oh God natauhan na po ba siya dahil sa natamaan ang ulo niya?  Hindi kasi ako sanay na ganito siya kahinahon. You know we're always yelling at each other since then. Tapos ngayon I am seeing her talking politely. Well , siguro exception ang mga nakakatanda sakanya. Pero kanina habang kausap ko siya. It was so unusual.

"Mat, what do you think?" Mom ask.

"Ah? Mom. Ano po yun?" Tanong ko.

"Hayy. My son is not listening. Sabi ko why don't you invite her as your prom date? Malapit naman na ang prom niyo, right?"

"Kung gusto niya po" magalang na sagot ko.

Napatingin siya sakin at kumunot ang noo niya.

"Oh hija. Would you like to? It would be great"

"Sige po" sagot niya.

what? Nabagok nga talaga ang ulo niya.

"Oh look Mat you have a stunning lady here. You must thank me anak" tuwang tuwa  na sabi ni Mommy. Ngumiti nalang ako.

Natapos ang dinner at ang ingay parin ni Mommy. Nakipagkwentuhan pa siya kay Arya ng mga ilang minuto bago nito pakawalan. Kulang nalang ay patulogin niya ito sa bahay. She likes her very much.

"Drive safely Mat. Batukan mo hija pag pasaway ha?" Bilin ni Mommy.

"Opo" natatawang sabi naman ng babae sa passenger seat.

Tahimik lang kami habang nasa daan. Sinusulyapan ko siya paminsan minsan at nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

"You shouldn't act nice to my Mom" sabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mata kong napalingon siya sakin.

"I don't like your tone" sagot niya.

"Nakakapanibago lang. We're not yelling at each other like we used to" I said.

"And you even approve to what my Mom said. It's very unusual" I added.

I heard her sigh.

"Just keep calm. I'm not doing anything. You seem nervous" sabi niya.

Could it be? Nararamdaman niyang hindi normal ang paghinga ko?

"There's nothing wrong in being calm" she added.

God . Nabagok nga ang ulo niya.
ni walang bakas sa boses niya ang makipagtalo. Sa ngayon.

She's so calm.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon