CHAPTER 33

84 3 0
                                    

"I need to see you. ASAP!" Sabi ko sa kausap ko sa cellphone. Kailangan ko siyang makausap dahil sa nakita ko. Hindi pwedeng si Kevin 'yon.

'See in 30 minutes' he texted me kaya agad din akong lumabas ng opisina.

"Cheif, duty agad?" Si Felix . Tinanguan ko nalang siya at pumunta sa motor kong nakaparada sa labas.

Inalis ko muna ang uniform ko at sinuot ang helmet saka pinaandar ang motor ko.

In less than 30 minutes narating ko ang cafe na pagkikitaan namin.

Hindi nagtagal napansin ko na ang lalaking papasok ng cafe na nakablack-cap.

Nakita niya ako kaagad kaya agad din siyang lumapit sakin.

"Anong problema?" Agad niyang tanong.

"Moron. Di mo man lang ako babatiin" sabi ko sakanya saka nakipag-fist bump.

"I don't have enough time Arya. Spill" sabi niya. Kahit kailan talaga napakamainipin ng lalaking 'to.

"Di ka man lang oorder?" Pabiro kong sabi.

"Okay I gotta go--"

"Wait. Wait. Pambihira naman Ryan. Okay fine. Ito na!" Natataranta kong sabi dahil aalis na sana siya.

"What is it? At Asap talaga?" Tanong niya.

"Kevin Mariano" sabi ko.

"What about him?" Tanong niya.

"May contact ka pa ba sakanya? Did you still know anything about him?" Tanong ko din sakanya.

"C'mon Arya, spill it bago ko sagotin yang mga tanong mo" sabi niya.

"May kutob ako na member siya ng isang drug syndecate na naka-engkwentro namin last month" I spill.

He sighed.

"He's a business tycoon" maikli niyang sagot.

"You think it can be possible that he is a member of that drug syndecate?" Tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya.

"You know, all businessman are reckless and ruthless when it comes to business and yes it's possible" sagot niya.

"Okay. I need some informations about him. Find it for me" I stated but it sounds like a command.

"And youre acting like a boss" he tsk.

"Whatever! I need it as soon as possible" sabi ko.

"Stop using that. Nakakairita " sabi niya kaya natawa nalang ako.

Nagkwentuhan pa kami pero hindi rin nagtagal ay umalis na siya. Sabi niya maybe after a day darating ang mga information na kailangan ko. Good thing he is an Agent kaya madali siyang makakuha ng information. Ryan is always Ryan.

**************

Maaga akong umuwi ng bahay para makapagluto pa ng dinner at makasabay pa si Mat.

"Oh Hijah ang aga mo atang umuwe? Kumusta ang balik trabaho?" Salubong ni Nay Lourdes.

"Maayos naman po Nay" sagot ko.

"Mabuti nalang at maaga ka rin. Maaga ring umuwi si Matheo" sabi niya kaya dumiretso nalang ako sa kwarto imbes na sa kusina.

"Oh andito ka na pala" hinalikan niya ako sa pisnge pagkapasok ko ng kwarto. Nagpapalit na din siya.

"Kumusta ang araw mo?" Tanong ko sakanya habang inaalis ang neck tie niya.

"Ayos naman. Maagang natapos dahil kinansel ng isang investor ang meeting" sagot niya.

"Eh ikaw? Ayos lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman" nakangiti kong sagot sakanya at pumasok sa walk in closet.

"Arya, kilala mo pa 'yong kabatch nating si Kevin?" Tanong niya kaya agad akong lumabas.

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Siya 'yong sinasabi kong nagcancel ng meeting. Big time na din pala yung isang 'yon" umiling-iling siya .

"Bakit investor ba siya?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo at malaking asset din siya sa kompanya dahil kilala siyang business tycoon" sagot niya.

"Ah--eh. Ma-maganda yan" sabi ko nalang.

"Tara baba na tayo" aya ko sakanya dahil tapos na din naman akong nagpalit.

Sabay kaming bumaba ng hagdan pero hindi parin mawala sa isip ko si Kevin.

Bakit lumalapit nanaman siya kay Mat? Tanong ko sa sarili ko.

"Hey. Ayos ka lang ba. Ang lalim ng iniisip mo ah? Sa trabaho ba yan? Nako sinasabi ko na nga b--"

"Ano ka ba? Hindi nuh. Mejo nanibago lang. Ikaw kasi kinulong mo ako dito sa bahay" pag-iiba ko nalang ng usapan.

Hindi ko alam kung anong binabalak ni Kevin. Kung tama man ang kutob ko kailangan ko siyang unahan.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon