CHAPTER 6

115 2 3
                                    

Heart Beat

Nakakairita din pala ang mga gagawin sa Prom kung anu-ano pang sayaw.

Bukas na ang Prom namin and I can say maayos naman na ang sayaw namin. The cotillion . At tulad nga ng napag-usapan or should I say my mother's want , I and Arya were partners.

"Okay guys ,so enough for this day. Tomorrow is your special day. Enjoy" sabi nung instructor namin sa Cotillion.

Umupo muna ako sa may stage saka kinuha ang tubig ko sa bag at uminom.  Lumapit din sakin si Arya at umupo sa tabi ko. Pero nagulat ako nang kunin niya ang bote ng tubig na ininuman ko saka din siya uminom dito.

"Hatid mo nga 'ko" sabi niya. Nagmistulang utos 'to.

"Sige " sabi ko lang.

"Hintayin mo ako ah? Magpapalit lang ako sandali" sabi niya saka iniwan ang bag saakin.

Hindi ko alam pero naiilang ako sakanya. Naiilang ako pag kasama ko siya. Ayos naman na kami hindi na kami nagsisigawan. Ang totoo nga nyan lagi na kaming magkasama at makulit pala siya. Pilya lang talaga at tomboyin. Kaya talagang nagkakasundo kami pagdating sa mga damit lalo na sa sombrero.

Noong isang araw nga pumunta kami sa kanila at may collection talaga siya ng mga Cap.

Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko bakit pakiramdam ko takot ako kapag kasama ko siya. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko kapag kasama ko siya.

"Tara" dumating na siya suot ang typical na porma niya. Malaking T-shirt ,pants at cap.

Tsk. Yung puso ko. Shit!

"Huy. Para kang sira jan. Tara na"
Hinila niya ako papuntang parking lot.

"Hi Mat" bati ng mga babaeng nakasalubong namin . Ngumiti lang ako.

Nilingon ako ng kasama ko.
"Malandi ka talaga" natatawa niyang sabi.

"Eh kasalanan ko ba na pogi ang kasama mo?" Pabiro ko din na sabi sakanya.

Kahit papano ,kapag nagbibiro siya ay nababawasan ang kaba na nararamdaman ko at nagiging normal ang pintig ng puso ko.

"Ang hangin. Tara na. Uy , daan pala muna tayo ng Ice Cream House ah" sabi niya saka pumasok na sa sasakyan ko.Hindi ko alam kung bakit hindi na din ako makahindi sakanya.

Ayokong magtalo nanaman kami. Oo tama, ayuko lang talagang magtalo kami kaya sinusunod ko mga gusto niya. Oo tama yan Mat. Tama.

Nagmaneho na ako at tinigil sa harap ng ice cream house. Excited siya kaya nauna siyang bumaba. Sumunod na lamang ako.

Hindi naman ako mahilig sa ice cream eh. Nakasanayan ko nalang talaga dahil simula ng magkasama kami at nagkasundo lagi kami rito.

"Huy halika na. Libre mo ako" aya niya sakin. Pambihira talaga.

"Joke lang. Busangot ka naman agad. Ako na magbabayad" sabi niya saka umiiling pa.

Nakatingin lang ako sakanya habang masigla siyang nakikipag-usap sa Cashier. Ito na ba yung allien na kaaway ko ? Hindi ko maintindihan bakit ganito ang tibok ng puso ko tuwing nakatingin ako sakanya.

"Huy tulala ka na jan. Tae ka" bigla siyang sumulpot sa harap ko. Shit! wag kang masyadong malapit. Bulong ng isip ko.

"Ito na. Para kang sira jan. Kanina ka pa, may problema ba?" Tanong niya sabay abot ng ice cream sakin.

"Wala. May naalala lang ako" palusot ko.

Tumango lang siya na tanda ng pagsang-ayon.

Lumabas na kami ng ice cream house pagkatapos naming makabili. Naglakad muna kami habang kumakain. Naging routine na din namin 'to tuwing hapon. Kakain ng ice cream at maglalakad sa may Park.

"Pupunta si Mommy mo bukas?" Tanong niya.

"Ah oo. Gusto ka daw makita" sabi ko. Totoo naman eh. Lagi nga akong kinukulit ni Mommy na isama ko daw minsan tong babaeng to pag magsisimba kami kaso nahihiya akong ayain siya.

"Nako ang Mommy mo talaga. Mamaya ampunin na ako. Hindi ka na solong anak" natatawa niyang sabi.

"Kulang na nga lang patirahin ka sa bahay eh" dagdag ko naman.

Di ko alam pero my Mom likes her so much.

"Eh kung magpa-ampon nalang kaya ako nuh?" Bigla niyang sabi saka tumigil sa paglalakad at humarap sakin.

Tinawanan ko lang siya.

"Hindi pwede. Ayaw kitang maging kapatid nuh!"  Natatawa kong sabi.

Bumosangot lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napangiti naman ako.

"Ang sama mo parin talagang bwesit ka!" Singhal niya. Pero tumawa lang ako.

"Nagsasabi lang ako ng totoo nuh. Paano nalang pag kapatid na kita? Kaagaw na kita sa lahat" pabiro kong sabi.

"Isusumbong talaga kita sa Mommy mo . Ang sama mo sakin" nakabusangot niyang sabi.

Ang cute niya pala. Khit nakabusangot siya lumalabas parin yung dimple niya.

Hindi ko napigilang pisilin ang pisnge niya.

"Aray ko! Bwesit na lalaking to" reklamo niya saka tinampal ang kamay ko.

"Cute ka din pala allien" sabi ko.

"Sige isa pang tawag ng allien makakatikim ka sakin" banta nya at tinaas ang ice cream niya.

Tinaas ko nman ang dalawang kamay ko na tanda ng pagsuko . Ayoko lang magtapunan ng ice cream.

Hindi rin kami nagtagal sa park at nagdesisyon din kaming umuwe na dahil dumidilim na dn. Hinatid ko muna siya sa bahay nila.

"Sige alis na ko. Pasok ka na" sabi ko saka ginulo ang buhok niya.

Tumalikod na siya at nakatayo parin ako sa may gate nila pinapanuod siyang pumasok.

Lumingon siya ulit at nagulat ako nang naglakad siya pabalik sakin at bigla akong niyakap.

Hindi ako nakagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Thank you" bulong niya.

Tumikyad siya at hinalikan ako sa pisnge. Saka na siya pumasok sa bahay nila at naiwan parin akong nakatayo sa labas. Nakatulala. Naghaharumintado ang puso.

Hindi na ako bata para hindi malaman kung bakit ang bilis ng puso ko pag kasama ko siya.

She makes my heart beat so fast.
I'm inlove with my alien girl.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon