CHAPTER 10

82 4 1
                                    


"Uy totoo bang kayo na ni Arya?" Salubong sakin ni Eric kakatapos lang ng klase namin kaya dumiretso ako dito sa volleyball court.

"San mo nalaman?" Sabay baba ng bag ko sa may bench.

"So totoo nga? Tae  pare ang tinik mo " tinapik tapik niya ang balikat ko.

"Tumigil ka nga seryoso ako" sabi ko sakanya at pinulot ang bola.

"Sinong seryoso?" Si Jonas.

"Ang ating binata nasungkit na ang dalagang kanyang sinisinta" pang-aasar naman ni Eric.

"Kayo na talaga ni Arya? Seryoso? Paanong nangyari yon?" Nagtatakang sabi nman ni Louie

Kalalaking tao mga chismoso.

"Saan niyo ba nalaman?" Tanong ko sakanila.

"Sakin. Bakit?" Sabi ng boses sa likod ko na kahit di na ako lumingon alam ko na kung sino.

"Subukan mo akong ideny hahampasin kita nitong sapatos ko" banta niya sakin saka umupo at sinuot ang sapatos niya.

"Maglalaro ka?" Tanong ko.

"Oo bakit bawal?" Pambihira talagang babae to.

"Ako na ang lahat ng namamalantsa. Naglalaba ng panty mo at bra. Nag-aalmerol pa ng 'yong palda" pakanta-kanta ang mga kulokoy na kasama ko. Akala nila hindi ko alam ang pinaparating nila sa kanta nilang 'yon.

Napatawa naman si Arya sa kanta nila.

"Uy ganda ng kantang yan ah?" Tumayo na ito at kumuha ng bola.

"Two by two tayo Arya. Magkasama kayo ni Mat , kami naman ni Mira" aya ni Eric samin.

"Sige ba" sang-ayon naman nito.

Kaya wala akong nagawa kundi pumasok na sa court. Saka siya kinindatan.

***

Kakatapos ko lang nagpalit ng damit para umuwe na. Nang nakita kong kausap ni Arya si Ryan at ngumingiti pa ito.

Nakaramdam ako ng kaunting inggit dahil sa ngiting binabato nito kay Ryan.

Selos? Tss. Napailing ako. Ang babaw ko naman para magselos e nag-uusap lang naman sila. Pero tae nagseselos nga ako.

Ilang buwan na din simula noong naging kami ni Arya at napapansin kong lagi niyang nakakausap si Ryan.

Lumapit na ako sakanila . Hindi ko alam kung nagkataon lang na paalis na si Ryan o talagang sinadya niyang umalis dahil nakita niya kong parating na.

"Tara" aya ko saka hinawakan ang kamay ng Girlfriend ko.

Hindi naman ito umimik habang naglalakad papunta sa parking lot.

"Saan pala tayo magka-college?" Tanong ko sakanya nang makapasok na kami sa sasakyan. Ilang linggo nalang kasi gra-graduate na kami.

"Huh?" Parang gulat niyang tanong.

"Sabi ko , saan tayo magka-college?" Ulit ko ng tanong ko.

"Di ko pa alam. Di ko pa nakausap sila Mommy eh" sagot niya.

"Eh Course?" Tanong ko ulit.

"Hmm. Di ko pa din alam" sagot niya.

"Kailangan ba magkasama parin tayo sa college?" Pasunod niyang tanong.

"Oo naman. Tuwang-tuwa nga si Mommy eh" sabi ko..

"Baka naman mamaya patirahin na ko ng Mommy mo sa bahay niyo ah?" Pabiro niyang sabi.

Natawa lang din ako. Knowing Mommy, gustong*gusto niya talaga si Arya lalo noong nalaman niyang girlfriend ko siya.

Tahimik nalang kami habang pauwe. Di ko alam pero parang bumigat ang ambiance sa pagitan naming dalawa at bigla akong kinabahan.

Her, being silent is very unusual. Kada magkasama kami siya lagi yong madaldal.

Pagkababa niya ng sasakyan bumaba din ako.

"Bye" I said and give her a peck on the lips.

Aalis na sana ako ng...
"Mat" tawag niya sakin kaya lumingon ako at naglakad pabalik sakanya.

"Hmm?" I came to her nearer.

"I'm breaking up with you"

"Okay . I'm breaking down , yeah" pabiro kong sabi na parang nagrarap.

"I'm serious Mat" sabi niya saka seryosong tumingin sakin. At kahit ni isang senyales na nagbibiro siya wala akong makita.

"You can't be" sabi ko.

"I can. And I'm freaking SERIOUS Mat" she empasized the word 'serious'

"Look , Mat. Ayoko na" sabi niya.

Hinawakan ko siya.
"Bakit anong nagawa ko? Tell me. Is there something wrong?" Aligaga kong tanong sakanya.

F*ck. She can't be serious.

"Wala Mat. Basta ayoko na" sabi niya lang

"Ano? Paanong ayaw mo na? Okay naman tayo ah. C'mon Arya, wag naman ganito" I almost pleaded to her.

"Ayoko na nga di ba? Ano ba naman Mat" naiinis niyang sabi. Nakayuko lang siya at hindi makatingin.

"No!" I said with authority.

"No?" Ulit niya .

"Hindi ako papayag Arya. You can't be this serious" I have the finality in my voice.

I'm not letting her go.

"Watch me" sabi niya lang saka tumalikod at papasok na sa gate nila.

"Akala ko ba mahal mo ako?" Tanong ko sakanya.

Ni hindi man lang siya lumingon.
"Hindi mo ako kilala" she almost whispered it but enough for me to hear.

So , is this how we gonna end?

Easy come. Easy go.

Yon ba? Dahil hindi ko siya pinaghirapan. Well, f*ck it.. Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay.

"Hindi mo ako kilala" those words from her echoed on my ears. Yun ba? Siguro nga hindi ko pa siya kilala.

Sino ka nga ba Arya Castro?
--------
Author's Note : easy come. Easy go. Syempre pag hindi mo pinaghirapan madali mo lang bitawan. Dapat lahat ng bagay pinaghihirapan pero ang tao hindi bagay para paghirapan. Minamahal yan. *hanudaw?* hahaha

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon