CHAPTER 39

80 3 1
                                    

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula noong may nangyaring kagulohan sa pagitan namin ni Matheo.

Hindi na siya halos umuuwi ng bahay at kung uuwi man ay madaling araw na o kaya nama'y umaga na.

Nag-aalala ako sakanya sa tuwing wala siya sa bahay pero wala akong magawa para alamin 'yon. Pinagsabihan niya si Nay Lourdes na wag akong palabasin ng bahay kahit anong mangyari kaya hanggang dito lang talaga ako. Inaalagaan naman ako ni Nay Lourdes dahil sa pagbubuntis ko. Madalas parin akong magduwal tuwing umaga at iyon ang kinakainisan ko dahil mahapdi sa sikmura. Pero sabi naman ni Nay Lourdes sa unang dalawang buwan lang daw mararanasan yong morning sickness.

Hindi parin ako nakapag-file ng resignation letter sa opisina dahil nga hindi ako makalabas ng bahay. Ang matindi pa ay nagpalagay si Matheo ng dalawang security guard sa gate para siguraduhing hindi ako makatakas at CCTV sa bawat sulok. Akala naman niya tatakas ako na ganito ang kalagayan ko.

"Ma naman I'm fine. Ganito talaga pag nagbubuntis syempre magiging hagard" palusot ko kay Mommy . Nandito kasi siya ngayon sa bahay. Agad niya akong binisita noong nalaman niyang buntis ako at ang daming dalang mga prutas.

"Baka naman hindi ka inaalagaan ng asawa mo?" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Ma, syempre busy din siya. But ofcourse he's taking care of me" palusot ko sakanya.

Ayokong sabihin ang mga nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Matheo dahil baka madamay lang ang buong pamilya ko.

"Okay sabi mo eh. I should go too. Pupuntahan ko pa ang daddy mo" hinalikan niya ako sa pisnge bago siya tumayo.

"Take care of yourself baby,okay?" Sabi niya pagkahatid ko sakanya sa labas ng gate.

"You too Ma" I kissed her on the cheek.

Nagwave na siya bago pumasok ng sasakyan.

Napabuntong hininga naman ako bago pumasok sa loob ng bahay.

Uuwi kaya si Mat? Tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko maiwasang mag alala sa tuwing hindi umuuwi si Matheo dahil baka kung ano ng nangyari sakanya.

Nanatili ako sa veranda kung saan nakaharap ito sa dagat. Palubog na ang araw at lumalamig na ang ihip ng hangin.

Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman kong manuot sa balat ko ang lamig ng hangin. Napapikit ako para damhin ito. Sa nakaraang isang linggo , dito nalang ako nagpapalipas ng sama ng loob dahil pakiramdam ko pag nandito ako malaya ako. Malaya ako sa sakit. Malaya sa pag-aalala.

"Ano ba naman yan Matheo?!" Narinig kong singhal ni Nay Lourdes.

"Kay aga-aga lasing kana"

"Actually, kagabi pa po siya lasing" napitlag ako sa narinig kong boses ng babae.

Kaya ba siya hindi umuwi? Sumikdo ang kirot sa puso ko sa kaisipang hindi siya umuwi dahil kasama niya ang babaeng 'yon.

Agad akong bumaba ng hagdan para makita siya.

"Nakoo Arya kaya pala hindi umuwi ang batang 'to kagabi dahil lasing na lasing" salubong sakin ni Nay Lourdes.

"Mabuti nalang at hinatid nitong si Elaine" dagdag pa niya.

So Elaine pala ang pangalan ng babae? Pero paano siya kilala ni Nay Lourdes?

Tsk.

Napangisi ako. Hawak hawak parin niya si Matheo kahit na nakatayo na ako sa harap nila.

"Pwede mo na siyang bitawan. I can take care of him" hindi ko maiwasang magtaray .

Napayuko naman siya  marahil nakaramdam siya.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon