CHAPTER 9

89 1 0
                                    


After the Prom halos hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari. Totoo ba talagang we just confessed to each other? Ang bakla pakinggan pero kinikilig ako..

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko siya baka kasi tulog na ito. Pero hindi ako nakatiis tinawagan ko siya.

Dumapa ako habang hinihintay na sagotin niya. Mga ilang ring lang at sinagot na niya ito.

"Hello?"

"Ahm. Natutulog ka na ba? Naistorbo ba kita?"

Bahagyang tumawa ito.
"Hindi pa. Tumawag kasi sila Mama kinamusta ang Prom"   sagot niya.

"Uh. Ganon ba? Inaantok ka na ba?" Tanong ko.

"Uhm. Hindi pa naman" sagot niya.

"Ice cream tayo?" Aya ko sakanya. Nagcross fingers pa ko. Pumayag ka please. Sabi ko sa isip isip ko.

"Huh? Mag-aalas dos na pero"  napasimangot ako. Parang ayaw niya.

"Uh okay sige bukas nalang" matamlay kong sabi.

"C'mon. Wag kang mag emote hindi bagay" tumatawa siya.

"Okay. Then pick me up. Bilisan mo ah? Baka magbago isip ko" sabi niya.

Yes.! Napasuntok ako sa ere.

"Copy" sabi ko at agad pinatay ang tawag saka kinuha ang susi saka nagpaalam sandali kay Mommy.

"Ma  , alis lang ako sandali. Punta ako kay Arya. Bye. Uwi din ako agad!" Nagmamadali kong sabi saka patakbong pumunta ng garahe.

Hindi maalis ang ngiti ko sa habang nagmamaneho. Knowing that our feeling is mutual is so great.

Bubusina sana ako nang nasa tapat na ako ng bahay nila pero andon na siya harap naghihintay.

"Ang tagal mo" sabi niya pagkapasok niya sa sasakyan.

"Mainipin ka naman masiyado miss" sabi ko saka ngumiti.

Pero pabiro niya lang akong inirapan.

"So , what's with the Ice cream at hindi mo na kayang ipagpabukas?" Tanong niya.

Nag-isip ako ng palusot.

"Nagcra-crave kasi ako. Wala akong maaya" palusot ko.

"Ay wow. No choice? Mejo galingan mo magpalusot" natatawa ito.

"Gusto mo lang akong makasama , di mo pa sabihin. Walang bayad magsabi ng totoo uy" may halong pang-aasar na sabi niya.

Pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Pambihira talaga ang babaeng 'to. Siya pa talaga ang nagpapainit ng pisnge ko.

"Huy natahimik ka jan" tinampal niya ang balikat ko.

Hinuli ko ang kamay niyang humampas sa balikat ko.

Nginitian ko lang siya.

"Gusto nga kitang makasama" sabi ko saka hinigpitan ang hawak sa kamay niya habang nagmamaneho.

"Sabi ko nga rin" sabi niya pero halatang hindi siya komportable sa kamay niyang hawak ko. Pero ngumiti lang ako.

Masasanay ka rin.  Sabi ko sa isip-isip ko habang hawak parin ang kamay niya.


"Baliw 'to . Di mo naman kailangang gawin yan" sabi niya ng pagbuksan ko siya ng pinto nang makarating kami sa Ice Cream House.

"Eh bakit ba? Gusto ko eh" sabi ko nalang at hinawakan ang kamay niya papasok ng Ice cream house. Buti nalang at 24/7 open 'to.

"Ano ka ba. Di mo kailangan magbago nuh.. You know, baka masanay ako" sabi niya.

"Dapat lang na masanay ka na" I wink at her. Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang mga lakas ng loob ko habang kasama siya.

"Wag ka nga" sabi niya habang pumipili ng Ice cream.

"Eh bakit ba? Di ba tayo na" sabi ko.

"Hala siya. Sino maysabi sayo?" Parang gulat niyang sabi.

Natahimik ako. Nag-aasume lang ba ako?

"Ah eh--"

Tumawa siya.

"Ang epic ng itsura mo Mat. Hahahahaha" tumawa lang siya ng tumawa.

"Joke lang 'yon. Ano ka ba? Oo nga tayo niya" pero tumatawa parin siya.

"Seryuso ako Arya" sabi ko. Tumigil ito sa pagtawa.

"Seryuso din ako Matheo" sabi niya.

"So first name basis?" Tanong niya. Ngumiti naman ako.

"Hali ka na nga libre mo ko" hinila ko siya dala ang mga Ice cream na kinuha namin.

"Huy wala akong dalang pera" reklamo niya. Tinawan ko nalang siya saka inilabas ang wallet.

Kinurot ko ang tungki ng ilong niya.

Binayaran ko na yung mga pinamili namin saka lumabas at naglakad sa malapit na park katulad ng ginagawa namin kapag kumakain ng ice cream.

"Thank you" sabi ko sakanya habang naglalakad kami.

"Saan? Eh ikaw nga nanlibre sakin" sabi niya habang eni-enjoy ang ice cream niya.

"Thank you for giving me chance" sabi ko.

"Ang corny mo. Eh mahal din naman kita . So why thank you?" Sabi niya na para bang hindi siya nahihiya na maha niya ko. She's so fiesty.

"You're one of a kind" inakbayan ko siya .

"Alangan naman" pabiro niyang sabi.

"Pero seryoso Mat, you sure ? Malay mo natutuwa ka lang sakin kasi ako anv nakakasama mo these past few weeks" she said. I like her being confuse.

"Iba ang natutuwa sa nasisiyahan" I said and hug her.

"Huy yung ice cream ko" lumabi siya dahil natapon ang Ice cream niya.

I'm tempted to kiss her. So ,I did.

"Hoy Matheo Laurence, hindi porket sinabi kong mahal kita pwede mo na akong halikan ah" inaambaan niya ako ng kamao niya.

Hinuli ko lang naman ang kamao niya at iyon ang hinalikan ko.

"Ay ang--" I shut her with kissin her.

"Ang duga mo talagang Caballero ka. Masusuntok na kita" reklamo niya.

I just cuckled and hug her.

I have this extraordinary girl.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon