CHAPTER 27

78 2 0
                                    


"Siraulo ka talaga! Lumayas ka nga dito nang makaluto na ako. Para kang tanga" nakakainis 'tong lalaking to. Napipikon na talaga ako kanina pa ako minamanyak.

"Sige na. Uy. Isa lang naman eh" parang bata na humihinge lang ng candy tong bwesit na 'to.

"Paano kaya pag sinabi ko sa media yang kamanyakan mo?" Panakot ko sakanya.

"Mmm. No problem. They all know about it. And for sure they'll ask you if you are already pregnant" kumindat pa talaga. Bwesit!

"Umalis ka na nga kasi dito pumunta ka doon sa mga babae mo kitang nagluluto ako. Manang amin na nga po 'yong mantika" pakunwari kong sigaw kay manang.

"Bakit malapit ka ng matapos?" Parang excited na tanong nitong mokong na 'to.

"Hindi pa. Pero may gusto akong unahing iprito" nakangiti kong sagot sakanya.

"Sige tapos kay Manang mo na ipagawa yan. Para umakyat na tayo sa kwarto tapos gagawa na tayo ng madaming babies" nakangiting sabi ng manyak na si Matheo.

"Dito nalang. Sige hubarin mo na yang pantalon mo" sabi ko sakanya ng may nang-aakit na boses.

"Pero baka may makakita satin" parang nahihiya pang sabi niya.

Tumatawa naman ako sa kaloob-looban ko. Manyak talaga ang lalaking 'to.

"Hindi yan. Bilis na" sabi ko pa.

"Sige na nga" parang batang sumusunod na tinanggal niya ang sinturon.

Nakakatawa ang itsura niya. I-imagine niyo siya habang nagtatanggal ng sinturon.

Nang buksan na nito ang zipper ng pantalon niya. Kinuha ko ang palanggana at kutsilyo.

"Sige na bilisan mo na. Ang tagal" sabi ko.

"Heto na!" Sabi naman niya at binaba na ang pantalon pero nakabreif pa naman. Wag kayong ano jan ah! Nakabrief pa siya kaya wala pa akong nakikita.

Lumapit ako sakanya habang hawak ang palanggana at kutsilyo.

"Uy. Teka! Bakit yan?" Natataranta niyang tanong ng makalapit na ako sakanya.

"Yang itlog mo kasi ang napag-isipan kong iprito nalang" pagkasabing-pagkasabi ko niyan. Para siyang nakakita ng multo sa pagkaripas niya ng takbo.

Tawa nalang naman ako ng tawa dahil sa itsura niya habang tumatakbo. Umalingawngaw pa sa buong kusina ang halakhak ko.

Hawak hawak ko ang tiyan ko habang tumatawa nang pumasok si Manang Lourdes sa kusina.

"Oh Hija may problema ba?" Tanong niya.

"Wala po Nay tinakot ko lang po  iyong manyak na alaga niyo" sagot ko habang hawak parin ang tiyan ko para pigilin na ang tawa ko. Pero tae! Ang epic kasi ng itsura ni Mat.

"Kayo talagang mga bata kayo. Hindi parin kayo nagbabago" sabi ni Nay Lourdes habang kinukuha ang mga kawali at sinalang na sa Stove.

"Katulad parin kayo noong dati kapag bumibisita ka sa bahay nila" sabi niya habang nakatalikod na sakin.

Napatigil naman ako. Naalala ko din kapag bumibisita kami noon sa bahay nila noong high school pa kami lagi naming pinagtritripan ang isa't-isa.. Katulad nong minsang nagmulto-multohan ako sa kwarto niya kumaripas din siya ng takbo noon tulad ng pagtakbo niya kanina.

Napangiti nalang ako habang inaalala yon.

"Mabuti nalang at bumabalik na ang sigla niyang alaga ko. Aywan ko ba kung bakit nitong mga nagdaang taon naging mainitin ang ulo niya" napabuntong hiningang sabi ni Nay Lourdes.

"Pero mabuti nalang at bumabalik na ang kakulitan  niya at masaya ako na ganyan kayo sa isa't-isa tulad ng dati hindi yong parang noong bagong lipat kayo dito ,singlamig ata ng yelo ang pakikisama niyo sa isa't-isa" nakangiting sabi niya habang nilagay na ang mantika sa kawali.

Napaisip naman ako.

Oo nga't hindi na kami tulad ng unang araw namin dito na walang pakialamanan sa isa't-isa pero hindi parin maalis sa isip ko na kaya lang niya ako pinakasalan para sa kagustohan ng mga magulang namin at para pagtakpan ang pambabae niya.

Hindi ko alam pero parang may sumasakal sakin sa kaisipang iyon. Tulad ng mga nabasa kong article na may mga picture pa. At ang babaeng nasa grocery noong nakaraang araw alam kong isa yon sa mga babae niya. Pero ano nga ba namang karapatan ko?

I smiled bitterly.

"Salamat at bumalik ka sa buhay niya. Sayo niya lang ata naipapakita ang mga ganoong ugali niya" napitlag ako ng hawakan ako ni Nay lourdes sa balikat. Napalalim ata ang pag-iisip ko.

Ngumiti lang naman ako.

"Sayo lang niya naipapakita ang mga ganoong ugali niya"  those words echoed on my ears.

Sakin nga lang ba Matheo?

Kunti nalang Mat maniniwala na akong ikaw na ulit ang Matheo Laurence Caballero na kilala ko. Kunti nalang mamahalin na ulit kita. Kunti nalang.

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon