CHAPTER 34

77 3 0
                                    

Maaga akong nagising para mag-prepare ng breakfast namin ni Mat. Tulog na tulog pa siya kaya hindi ko na ginising. I'm not a morning person pero nasa mood lang akong gumising ng maaga.

I just prepared fried rice, eggs and bacon . Nagtimpla na rin ako ng kape para samin ni Mat.

Nabigla ako ng may dalawang mainit na brasong pumalibot sakin mula sa likuran ko. He's hugging me from behind.

"Hindi mo man lang ako ginising" parang may pagtatampo niyang sabi. Naisip ko na tuloy ang itsura niya kaya pumihit ako paharap sakanya.

"Wala man lang good morning muna?" Pinisil ko ang tungki ng ilong niya.

"Good morning" he said lazily.
"Kung paggising ko sana nasa tabi pa kita it would be better than good" he give a peck on my lips.

"Tulog na tulog ka pa po kaya hindi na muna kita ginising. Besides, alam ko namang di mo ako papakawalan pag ginising kita, will you?" Nanunudyo kong sabi sakanya.

"Well, you have the point" sabi niya saka niyakap ako ng napakahigpit.

"Why I really feel like hugging you? Hmm" pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Ayst. Ang asawa ko naglalambing baka san pa mapunta yan" pabiro ko siyang tinulak.

"You better eat. Male-late tayo" hinila ko na siya papunta sa mesa.

Mas natawa lang ako ng nakanguso parin siya na parang bata kaya ako na ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Minsan talaga gustong-gusto niyang inaalagaan siya at nilalambing.

"I'll drop you off" he said. Akala ko tanong pero namimistulan namang command kaya hindi na ako sumagot.

"Paano ako pag-uwi?" Tanong ko.

"I'll pick you up" sabi niya lang saka sumubo ng pagkain.

"Hindi ka ba busy?" Tanong ko naman.

"Wala nga akong gagawin ngayon eh. I'll just have my lunch meeting with Mr. Kevin Mariano. You know , I told you last night" sagot niya.

Kaya napaisip ulit ako. It's Kevin. Kevin Mariano.. Kagabi ko pa iniisip kung ano nanamang pakay niya kay Mat. It's been 12 years pero natatakot parin ako sa mga pwede niyang gawin. I know , I should not be scared of him but I can't help it.

"Something's bothering you?" I snap back to reality when he hold my hand.

"Ah. Wala. May naisip lang ako about sa bagong kaso" palusot ko.

"You shouldn't have stressing yourself about that case. And don't you dare to forget what I've said..." He said.
"No dangerous operations" he warned.

Napangiti nalang ako. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.

"Yeah. I knew it. Nagmumukha ka nanamang tatay eh" pang-aasar ko sakanya.

Nagpout lang naman siya kaya pinisil ko ang magkabilang pisnge niya.

Tinapos namin ang breakfast at umakyat na ako sa kwarto para maligo. Siya na daw ang maghuhugas kaya hindi ko na pinigilan once in a blue moon lang 'yon eh pipigilan ko pa ba?

Pagkatapos kong nag-ayos hinatid na niya ako. Saka ulit siya umuwi dahil lunch meeting lang naman daw ang merun siya ngayon kasama si Kevin.

Pagkadating ko sa opisina ko tinawagan ko agad si Ryan kung mayroon na ba yung mga hinihinge kong impormasyon.

"Hey. Merun na ba?" Tanong ko .

"Tsk. Youre so demanding. I'll see you later 2pm. Sa dati" sagot niya at in-end na ang tawag.

Pambihira talagang lalaki 'yon.

Wala akong ibang ginawa kundi ang hintayin na mag-alas dos para sa impormasyong kailangan ko. Nabilang ko na ata ang mga butiki sa kisame pero sadyang ang tagal lang ng takbo ng oras.

Nakita ko ang rubics cube ko sa may ibabaw ng cabinet kaya kinuha ko at yon ang pinagkaabalahan ko.

Hindi ko namalayang lumipas na pala ang oras. Tinawagan pa ako ni Mat kanina para malaman kung kumain na daw ba ako. Tsk. Parang tatay talaga.

Quarter to 2 na ng umalis ako ng opisina. Hiniram ko nalang ang sasakyan ni Felix para mas mabilis akong makarating.

Pagkarating ko sa Cafe nandoon na si Ryan at halatang naiinip ng naghihintay.

"Hey" bati ko sakanya saka nakipagfist-bump pero hindi niya tinaas ang kamay niya kaya sa noo niya ko itinama ang kamao ko.

"What the fuck?!" Asar niyang sabi.

"Maka- 'what the fuck?! Ka naman . Sipain kaya kita?" Banta ko sakanya. Siraulo talaga to.

"Yan na nga.. Youre so loud. Hindi ka na nagbago" irita niyang sabi.

Napangiti lang naman ako.

"By the way, Kevin had a meeting with Matheo" sabi ko sakanya.

"You should read those information" kalma lang niyang sabi.

"You think Kevin is planning something bad, don't you?" Tanong ko sakanya.

Tumingin lang siya sakin pero hindi umimik.

I exhaled heavily before I open the envelop.

Binasa ko ang educational backgrounds niya and Kevin is quiet amazing for his achievements.

Pero hindi ko alam na magugulat pa ako sa nababasa ko. Na magugulat pa akong tama ang hinala ko.

Tumingin ako kay Ryan.

"This can't be Ry" I whispered.

"You should warn your husband and be careful"

Lover's Hatred [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon