My Handsome Katipunero

68K 1.7K 408
                                    

Malaki ang paghanga ni Maria Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay maging ang uri ng pamumuhay ng mga ito ay ginagaya niya rin. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga— mga kasuotan, pagkain, maging musika at sining.

At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina.

Ang kanyang mga magulang ay mga business tycoon at mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak.

"Hindi ba sinabi ko sa'yo na 'wag mong masyadong hangaan 'yang mga banyagang 'yan? Nag-iiba na ang ugali mo. Nag-iiba na ang pananaw mo sa buhay. Nand'yan ang mga pilipinong artista at mangangawit, sila ang gawin mong idolo." nasabi sa kanya ng kanyang ina isang gabi.

"Mom, they're lousy. They're not good. And God, I hate this rotten country."

"Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan. Sana masaksihan mo ang pahihirap nila, makalaya lang tayo sa gapos ng banyaga."

Napairap na lamang si Kristin at binalewala ang sinabi ng ina.

Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero, at dalhin siya nito sa Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan?

Ano kayang mangyayari? Anong matutuklasan niya tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas? Sinu-sino ang makikilala niya? May uusbong bang pag-iibigan sa pagitan nila ni Antonio?

Makakabalik pa kaya siya?

Sundan si Kristin at ang kanyang gwapong katipunero na balikan ang isang parte ng ating kasaysayan.

Date started: June 12, 2016
Date finished: April 18, 2018

-

Category: Historical Fiction

So yeah, babalik tayo sa taong 1896. At kailangan kong balikang muli ang pagkabuo ng Katipunan, kailangan long basahin ulit ang napakakapal na philippine history book namin na umaabot sa more than five hundred pages. Kailangan kong isampal muli sa aking mukha ang aklat na 'yun. Humingi din ako ng tulong kay lolo google para sa storyang 'to.

Sobra-sobrang effort ang inilagay ko sa story'ng 'to kaya sana magustuhan niyo. Ilang balde ng dugo ang inilabas namin ng kaibigan ko dahil sa mga henglish words ng kwentong 'to. Ilang beses din ako nagspace out sa Math of Investment kong subject makagawa lang ng magandang plot. Kaya sana magustuhan niyo.

At dahil makapal ang mukha ng iyong lingkod, singkapal ng philippine history book ko, isinali ko 'to sa Wattys 2016. Kapal no? Ayos lang 'yan, libre lang mangarap.

First time kong gagawa ng Historical Fiction, karamihan kasi sa mga ginagawa kong ganitong kwento ay ginagawa kong manga / comics. Kaya, bear with me.

By the way, malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan ko for lending me his thoughts about this country. Saka para sa pagpapahiram ng mga henglish words niya. Wuewue.

P.S. Wagas pong makatagalog sa description pero wagas maka-english sa content. Wue wue.

So, tama ng satsat at simulan na natin ang kamalasan ni Kristin este- ang kuwento ni Kristin!

Yours truly,

JanelleRevaille a.k.a Señora Revaille

Twitter: revaillepanda
Instagram: janellerevaille
Facebook: Janelle Ogalesco

Disclaimer:

May mga pangyayari sa kuwentong ito na binase sa kung ano ang nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas ngunit hindi lahat ay naganap sa totoong buhay at kathang-isip lamang ng may akda. Kung may pagkakahawig ang pangalan ng mga karakter at lugar sa totoong buhay, ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon