Special Chapter: The Moth and the Flame

12.5K 313 164
                                    

A young moth once set his heart on a light of a lamp. The flickering seemed to beckon him every evening. When he told his mother of his heart's desire, she was filled with sadness.

"Lamps are not for little creatures like you," she said. "You will get scorched and burnt. You will be safer hiding in the dark like the others."

But the moth did not heed his mother's warning. At dusk, when the lamp was lit he would start flying towards it, circling around and feeling its warmth.
"What if I got scorched a little? Then I will have a mark of valor," thought the headstrong moth. "Better be burned seeking the light, than perish in the darkness."

One night he polished his wings until they shone brightly. And with deep resolve, he plunged right into the lamp. Alas! He was swallowed by the laughing, dancing flame and was seen no more.

1885

"Meme les nuits les plus sombres..." taas-noong pagbasa ni Santiago sa librong hawak. Nakatayo siya sa aming harapan habang kami naman ay nakaupo habang nakikinig sa kanya. "...finiront et le soleil se levera." Sumilay sa kanyang mukha ang isang malawak na ngiti bago tiniklop ang libro.

Hindi ko napigilan ang aking sarili at napapalakpak nang malakas habang manghang nakatingin sa kanya. "Ang galing!" komento ko.

"Salamat."

"Ano namang ibig sabihin ng iyong binasa?" Napahinto ako sa pagpapalakpak at napatingin kay Kuya Antonio na nakaupo rin sa tabi ko at walang ganang nakatingin kay Santiago.

"Hindi ka ba namamangha, kuya Antonio? Napakagaling kaya ni Santiago," sabi ko.

"Hindi lang simpleng pagbigkas ng mga salita ang pagbabasa. Wala ring kwenta kung hindi mo naman naiintindihan ang nais na ipahayag ng aklat."

Napakurap ako at muling ibinalik ang tingin kay Santiago. Napansin kong namumula ang kanyang tenga at masamang nakatingin kay Kuya Antonio. Tumikhim siya, "Alam ko ang ibig sabihin ng aking binasa."

"Bakit hindi mo sabihin samin?"

"Sasabihin ko naman, hindi mo kasi ako agad na pinatapos." Inalis niya ang atensyon kay Kuya Antonio saka muling humarap samin. Inayos niya ang kanyang kwelyo at muli ay sumilay sa kanyang mukha ang isang ngiti. "Ang ibig na ipahayag ni Victor Hugo sa linyang ito mula sa kanyang aklat na Les Miserables ay na kung ang gabi ay sakdal dilim, may bukang liwayway parin. Kaya dapat lang na hindi tayo mawalan ng pag-asa dahil lahat ng mga pasanin natin sa buhay ay may solusyon. Lahat ng ito'y malalagpasan natin basta't may pananalig at may tiwala tayo sa ating sarili. Hindi habang buhay ang pagiging miserable."

Bawat salitang kanyang binitawan ay nagpapabilis ng aking puso. Habang tinititigan ko siya, tila ba lumiliwanag ang paligid. Araw-araw akong sabik na magtungo sa mansyon ng mga Iglesias upang makita siya. Masaya ako sa tuwing pinakikinggan ko siyang nagbabasa ng mga aklat. Masaya ako sa tuwing may ibinabahagi siyang bagong kaalaman.

Simula pagkabata, humanga na ako kay Santiago. Ang buong pagkatao niya ay tulad ng isang apoy. Siya ang sentro ng atensyon. Lahat ng mata ay napapatingin sa kanya dahil sa liwanag na kanyang ibinabahagi. Lumaki siya sa karangyaan. Nasanay sa maliliwanag na piging at mga kagamitang ginto ang katumbas. Ngunit imbes na hayaan ang sarili na masilaw sa kayamanang nakalatag sa kanyang harapan, gumawa siya ng sarili niyang liwanag. Liwanag na kayang magbigay ng init sa madilim na gabi. At tila ba isa akong gamu-gamu na nabibighani sa kanyang liwanag. Sa kagustuhang makalapit sa kanya, wala akong pakialam kung maapaso ako.

Ang paghangang iyon ay lumalim sa pagdaan ng mga taon.

1889

Ngunit noong naramdaman ko na kung gaano kasakit ang mapaso, iniwasan ko na ang apoy.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon