"A-ano?"
Corazon placed the embroidery she was holding on the table, "Hindi ba nabanggit sayo ni Antonio?" Umiling ako, "Hindi maaaring maging kasapi ng katipunan ang kababaihan. Maliban na lamang kung ika'y kaanak ng isa sa mga kasapi nito."
"I-ibig sabihin, h-hindi ako pwedeng manatili rito?" nauutal kong tanong. I wasn't aware of this condition. Antonio never mentioned it. That guy. He was being reckless when he brought me to the Cry of Balintawak. Hindi ba siya natatakot na baka ispiya ako ng mga kastila? Na baka traydorin ko siya?
"May nagsasabi sakin na pagkatiwalaan ka."
I bit my lower lip when I remembered what Antonio said when we were at the riverbank.
"Huwag kang mag-alala, Krisistin. Hangga't hindi mo pa alam kung paano ka makakauwi sa inyo pwede kang manatili rito. Saka tinanggap ka nila ng walang pag-aalinlangan, kaya parang parte ka na rin ng pamilya nila."
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam na may ganung kondisyon pala ang katipunan. Would I be put to death if they found out that I wasn't part of Antonio's family?
Family, huh?
I smiled at the thought. They don't know me that much but they consider me a part of their family. This is what it feels to be trusted? Does it always give a light feeling?
"Kahit na 'di ka kamag-anak ng isa sa mga kasapi nito, basta't mapagkakatiwalaan ka at handa kang magsakripisyo para sa bayan. At kung hindi ka magtataksil."
That, I would never do. Unless I want to change the future that is.
But wait, does that make me a katipunera? Is it called Katipunera?
Speaking of family..
Inayos ko ang pagkakaupo sa kama, "Corazon, malapit ba talaga sa isa't isa sina Antonio't Burandai?" I asked.
Tumango siya at inilagay sa ibabaw ng mesa ang hawak na karayom at naglakad palapit sa aparador na nasa tabi ng kamang kinauupuan ko, "Oo. Simula nung pitong taong gulang pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Maghapong naglalaro. Ngunit pagtuntong ng ate Burandai sa edad na dise-sais ay pinagbawalan na itong lumapit kay kuya Antonio."
"B-bakit?"
"Nagmula sa principalia ang pamilya ni ate Burandai. Isang kahihiyan para sa kanila ang pagkakaroon ng relasyon sa isang indio na tulad namin."
"Principalia?"
Napakunot ang noo niya, "H-hindi mo alam kung ano ang principalia?"
"Well, I know that they are of principal class, from the term itself. But to hell with it, I'm not from this timeline."
"Ah.. Ano?" naguguluhang tanong nito.
I faked a cough, "Ibig kong sabihin, nakalimutan ko."
Nice excuse but she doesn't look like she believed it. "Ah ganon ba. Ang principalia ay ang kinabibilangan ng mga taong namumuno sa mga pueblo at mga barangay. Ang tawag sa kanila'y principales. Sila ri'y mayayaman at nagmamay-ari ng mga lupain."
"You mean that bitch is from the upper class?!"
Mas lalo siyang naguluhan dahil sa tanong ko. I cleared my throat, "Sorry, I mean.. Ang pamilya ni Burandai ay mga principale?"
"Ganun na nga. Ang ama niya'y isang gobernadorcillo. Ang ilan naman sa kanyang mga tiyuhin nama'y mga cabeza de baranggay. At kanyang mga kapatid na lalaki'y nakapag-aral na sa espanya."
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historical Fiction[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...