Questions and Answers

9.9K 318 79
                                    

Before ang Q and A, I just wanna thank ma'am deyenyen for this amazing art. Thank you ng madami, ma'am! (。・ω・。)

 Thank you ng madami, ma'am! (。・ω・。)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Questions

May book 2 po ba?

- Wala po. Mahihirapan uli sina Kristin kung lalagyan ko pa ng book 2.

Pero may special chapters?

- Meron po. Nagdadalawang-isip pa ako kung isusulat ko yung kwento ni Corazon at Santiago. Pero meron po.

Ano pong nangyari kay Karlos pagkatapos?

- Bumalik siya sa original na itsura niya and rest, mababasa niyo sa Interwoven. Makikilala niyo ang ibang pang anghel doon.

Anak ni gobernadorcillo Del Bosque si Antonio?

  - Opo. May special chapter po akong isusulat about diyan. Naalala niyo sa chapter na "Antonio Hidalgo"? Nalaman niyang Del Bosque ang ama niya but he decided to use Hidalgo. Tinago niyang isa siyang Del Bosque dahil.... malalaman niyo sa special chapter.

Ibig sabihin ba nun, mayaman dapat siya?

  - Opo.

Kung wala si Kristin, namatay ba dapat si Santiago?

  - Hindi po. Sinabi na po ni Karlos, 'You can't alter history." Naroon man si Kristin o wala, nabuhay pa din si Santiago. Si Ethan Iglesias ang proof niyan dahil siya ay nabibilang sa pamilyang binuo ni Santiago at Corazon matapos umalis ni Kristin sa nakaraan. Sa unang kabanata, naroon si Ethan, diba? 'Yun yung time na di pa napupunta si Kristin sa nakaraan, so yeah, you get the picture.

Habang nasa past si Kristin, nagmomove din ba ang oras sa nakaraan?

  - Hindi. Naalala niyo 'yung phone ni Kristin? Nagstop 'yung time sa phone niya. Same day. Same time dun sa future.

Bale, nagising nalang siya kinabulasan na para bang walang nangyari?

  - Opo. Ginawang panaginip ni Karlos para nga hindi na masaktan pa si Kristin.

May nabago ba si Kristin sa hinaharap?

  - Wala. Haha. Actually meron. Si Antonio. Nailigtas niya si Antonio. Antonio was supposed to die during the arrest of Bonifacio. But Kristin saved him.

Pero bakit namatay pa din siya?

  - Kasi nalaman niyang mula sa hinaharap si Kristin. At, mahirap talagang ichange ang nakaraan. Gagawa at gagawa ng paraan ang oras para manatiling nasa ayos ang lahat.

Bakit nakalimutan siya ng mga taong nakakakilala sa kanya sa nakaraan?

  - Dahil babalik na siya sa hinaharap. Hindi parte ng nakaraan si Kristin kaya hindi kailangang magleave ng evidence na nandun siya. Pero may nakalusot pa din. 'Yung painting. Haha.

Bakit niya nakalimutan si Antonio at ang iba?

  - Ginawa 'yun ni Karlos para hindi masaktan si Kristin. Kasi diba, umalis siya sa nakaraan with a bad memory and that is Antonio's death.

Pero bakit niya gagawin 'yun?

  - Kasi nga, nainlove siya kay Kristin. Mababasa niyo 'yun sa Interwoven. The reason na parang kulang 'yinh Intro ng Interwoven dahil sinadya ko 'yun. May mga part doon na namention si Kristin at Antonio pero tinanggal ko muna dahil noon di pa tapos ang MHK pero dahil tapos na, ibabalik ko na.

May bago ka pong story na HisFic?

- Meron po. IVANNA po ang title. Sisimulan ko na po siya. Walang pong Karlos doon, ah? Completely different story, walang relation sa MHK.

Bakit po andaming typos ng story mo?

- Tamad po akong magedit. Pero iiedit ko na po. Haha.

That's all. Tenkyu.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon